Kabanata 3

849 22 6
                                    


Kabanata 3


Pagkatapos ng mga nangyari, buong araw na akong hindi kinakausap ni Khail. I know he's mad. Last time na nangyari ito noong hindi ko rin sinasadyang sigawan siya dahil sa init ng ulo. Pagod kasi ako noon galing trabaho, and he's making fun of me. Sinigawan ko siya kaya ayon, dalawang araw niya akong hindi kinikibo.

Kahapon lang nangyari ang lahat pero hindi na kinakaya ng loob ko. Lalo na ang mga nangyari sa akin noong birthday ni Aleah.

Pababa na ako ng hagdan ng magkasalubong kami ni Khail. Galing siya sa baba at ako naman galing sa kwarto. Kanina pa ako gising pero ngayon lang ako bumangon.

Sa guest room siya natulog kaya hindi ko alam na gising na pala siya.

Tiningnan ko si Khail at naabutan siyang nakatingin sa akin pero agad ring umiwas. Tinitigan ko siya. Hindi na siya makatingin sa akin. Diretso lang ang kan'yang mga mata sa tinatahak niyang daan.

I guess, this is the right thing to do before I confess to him. Maybe the pain would be lessened if I knew he was mad at me.

Umiwas na ako nang nasa iisang baitang na kami. Nilagpasan niya ako nang hindi na muling tumingin sa akin.

Masasanay rin ako. Kailangan.

Napabuntong hininga ako at nagpatuloy sa paglalakad. Nakakadalawang hakbang palang ako nang bigla kong narining ang pagtikhim niya dahilan para makuha ang atensyon ko.

“Kumain ka na. I already prepared your breakfast.” His cold voice made me stop. 

Nagdalawang isip ako kung lilingunin ko ba siya sa takot na baka hindi ang inaasahan ko ang aking makita. Natatakot ako, Kap.

I really wanna run to him and cry on his shoulder. Gusto kong sabihin sa kan'ya lahat... but I'm scared. Natatakot ako na baka ipagtabuyan niya ako at tingnan na parang hindi niya ako kilala. Hindi imposibleng pati siya mandiri sa akin, at iyon ang isa sa kinakatakot ko.

Fuck!

“What's wrong with you, Faith? Nagawa mo pa talagang mag-expect sa kabila ng mga nagawa mo? You deserved it,” pagkausap ko sa aking sarili, mahinang pinapalo ang ulo.

Yumuko na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Walang kasalanan si Khail. Ako ang dapat na magdusa. Kaya simula ngayon, kailangan ko nang sanayin ang sarili kong mag-isa.

Papalapit pa lang ako sa dining table napako na agad ang mga mata ko sa mga pagkaing nakahain. Isa-isa kong tiningnan ang mga niluto ni Khail. May garlic rice, hotdog, scrambled egg, bacon, at iyong sinigang na hindi ko 'man lang natikman kahapon.

Napakagat labi ako at napalunok, pinipigilan ang mga laway kong malapit nang tumulo sa sarap ng mga niluto ni Khail. Kahapon pa ako nagugutom.

Nevermind.

Napilitan akong lagpasan ang dining table bago pa ako mas lalong magutom. Hindi ako kumain. Pati ang pagkain na pinaghirapan niyang gawin – pati 'yon hindi ko deserve.

Nag-kape lang ako para mainitan at magkaroon ng laman ang tiyan ko at pagkatapos bumalik sa itaas para mag-prepare na sa pagpasok. Wala pa sana akong balak na pumasok kaya lang papatayin naman ako ng utak ko sa kakaisip. Mas mabuti nang may ginagawa ako para malibang ang utak ko.

Hinanap ng mga mata ko si Khail pagpasok ko ng kwarto. Wala siya doon, kahit sa cr.

Nagtaka ako kaya muli akong lumabas at hinanap siya sa kabilang kwarto, sa guest room kung saan siya natulog kagabi.

Napanatag ang loob ko nang makita mula sa kawang ng pinto si Khail. Nagbibihis na siya. Doon siya nagbihis at naligo sa guest room.

Nagkibit-balikat na lang ako at muling bumalik sa kwarto namin. Ako naman ang naligo at nagbihis.

Condemn HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon