Kabanata 4

1.2K 30 14
                                    


Kabanata 4


“Oh, bakit umuwi ka?”

Hawak-hawak ang shoulder bag ko, bumungad sa akin ang nakatatanda kong kapatid, si Kuya Terrence, nakatayo sa may hagdan na ilang hakbang lang ang layo sa pinto.

Maliit lang ang bahay namin kumpara kung saan kami nakatira ni Khail. Kaya bawat parte nitong bahay, iilang hakbang lang ang layo sa isa't isa.

“Para namang hindi ka masaya na umuwi ako.” Dumiretso ako sa sofa at umupo. “Nasaan si Papa at Kuya Tristan?” tanong ko, hinahanap ang dalawa.

Aside kay Kuya Terrence, the eldest, may isa pa akong Kuya na mas matanda sa 'kin ng isang taon, si Kuya Tristan. Tatlo lang kami at ako ang bunso.

“Akala ko kasi pinalayas ka na ni Khail sa bahay niyo. Wala ka pa namang alam na gawaing bahay,” pang-aasar ni Kuya. Naglalakad na siya papunta sa direksyon ko, bitbit ang libro na binabasa niya.

Umuwi ako para sana makalimot at makapag-isip ng hindi nakikita o nasisilayan si Khail. Kahit saan kasi ako magpunta sa bahay namin hindi maiwasan na nandoon din siya. Hindi naman ako makapagreklamo dahil nasa iisang bubong lang kami at kasalanan ko kung bakit ako nagkakaganito.

Pero paano naman ako makakalimot kung pinapaalala ni Kuya Terrence na anumang oras pwede akong palayasin ni Khail? We both owned the house, pero dahil ako ang may kasalanan ako na lamang ang aalis. Hindi ko rin naman maaatim na ako ang mananatili sa bahay kung ako mismo ang sumira ng relasyon namin.

“Hehe. Funny.” Sarkastiko ko siyang tinawanan sabay irap. Wala ako sa mood para makipagbiruan. Mas mabigat ang loob ko ngayon kumpara no'ng mga nakaraang araw. Habang tumatagal pakiramdam ko unti-unting bumibigat ang nakadagan sa akin.

“Nasaan nga si Papa at Kuya Tristan?” tanong ko ulit, binalik ang tingin sa kan'ya.

Umupo siya sa harap ko bago binaba sa center table ang libro na hawak niya. “Namamalengke si Papa kasama si Tristan,” he answered. “Bakit ka nga umuwi? Curious lang ako kasi hindi ka naman umuuwi ng biglaan. Malamang may rason,” pangungulit pa niya.

Hindi ako nagpahalata na tama siya at may rason nga kung bakit ako nandito. Ayokong isipin nila na umuuwi lang ako kapag may problema. I can handle myself... kinakaya ko.

Ngumiti ako at pilit na tinawanan ang sinabi ni Kuya Terrence. “Stress ka lang, Kuya. Kumusta med school? Malapit ka na ba maging Doctor?” paglilihis ko ng topic.

Mapanuring mga mata ang ipinukol niya sa akin. “Hindi mo ako madadaan sa palusot mo, Tati. Pero kung ayaw mo namang pag-usapan hindi na kita pipilitin.” He shrugged. “Okay naman ako kahit stress. Ilang taon na lang din naman malapit na akong matapos sa residency ko,” confident niyang sabi na hindi naman halata ang stress sa sinasabi niya. Umupo pa siya ng maayos at sabay na pinagkrus ang mga braso at hita.

“Ah...” Wala na akong masabi.

Ayoko namang sirain ang confidence na mayroon siya lalo na at 'yon na lang ang nagpapalakas ng loob niya. Alam ko ang paghihirap ni Kuya. Magkasama kami sa hospital kung saan ako nagta-trabaho kaya madalas ko siyang nakikita, pati si Kuya Tristan.

He chuckled. “Alright. Magbabasa na lang ulit ako. Kausapin mo ako kapag may maganda ka nang sasabihin,” mapakla niyang sabi bago kinuha ang libro sa mesa.

Pinanood ko lang si Kuya sa bawat galaw niya. Seryoso na siyang nagbabasa kahit na alam niyang nandito ako sa harap niya. He's not joking. Hindi na nga niya ako pinapansin.

Sa aming tatlo, si Kuya Terrence lang talaga ang masipag mag-aral. Kaya sa aming tatlo siya lang din ang nagpatuloy sa medical school. We're not as smart as him pero pinagmamalaki naman kaming lahat ni Papa.

Condemn HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon