Sa engrandeng bulwagan ng palasyong Lin, inihahain ang tsaa sa mga bisita.
Ang naglaan ng pagpupulong ay isang magandang lalaki nasa kanyang tatlumpung taon gulang. Nakasuot siya ng maputlang asul na damit, ngunit nakaupo siya sa isang may gulong na upuan. Nakakaawa na ang gayong mabuting tao, ay naging isang pilay.
Sa kanan niya ay nakaupo ang isa pang lalaki na nakasuot ng mapusyaw na dilaw na sutla. Gwapo siya at may pagka-arogante. Sa tabi niya ay isang eleganteng dilag na nakasuot ng puti.
..."Pangalawang prinsipe, mangyaring maghintay ng ilang sandali. Hindi pa rin ganap na magaling si Wu Xie, Medyo matagalan pa Para makarating siya."... Magalang na ipinaalam ng lalaking nasa may gulong na upuan sa kanyang mga bisita. Siya ay walang iba kundi ang bunsong anak ni Jun Xian - si Jun Qing ang Tiyuhin ni Jun Wuxie.
Ang Pangalawang Prinsipe na si Mo Xuan Fei ay tumango na may walang malasakit na ekspresyon.
Bagama't siya ang nobyo ni Jun Wu Xie, sa buong panahong, ito ang unang pagkakataon na bumisita siya. At isa pa, may kasama pa siyang ibang babae.Ang mukha ni Jun Qing natural na hindi nagustuhan ang nakita.
...'Tap...tap'
Hindi nagtagal, dumating si Jun Wu Yao sa bulwagan.
'Sino ang lalaking iyon?' Sa isip ng prinsipe
Si Mo Xuan Fei na walang malasakit na saloobin ay humawi agad habang nakakunot ang kanyang noo.
Si Mo Xuan Fei ay masasabing isa sa pinakamagandang lalaki sa buong Kaharian ng Qi, Ngunit ngayon ang kanyang kasintahang si Jun Wu Xie, ay dinala ng isang lalaki na higit pa sa sarili niyang liga.
Habang nagpapagaling pa si Wu Xie, nawala ang dating malarosas niyang mukha na maliit. Ngayon ay bahagyang maputla, na nagpahiwatig ng damdamin sa kanyang mga katangian, tulad ng namumulaklak na puting lotus. Tahimik siyang nakapwesto sa mga bisig ng isang kakaibang lalaki. Ang kanyang dating mapagmataas na ugali ay napalitan ng isang mainam at kahanga-hangang kilos.
Si Mo Xuan Fei ay hindi nagkagusto kay Jun Wuxie, ito ay isang kilalang katotohanan na alam ng buong Kaharian. Ang kanilang ipinangakong kasal ay dahil lamang sa takot na magalit si Lin Wang sapagka't mayroon siyang ganap na kontrol sa hukbong Rui Lin.
Ngunit hindi ito nangangahulugan na si Mo Xuan Fei masaya siyang makita ang kanyang nobya gumawa ng isang pindeho sa kanya!
.."At ito ay?".. Tanong ni Mo Xuan Fei na may malalim na pagsimangot.
..."Ako si Wu Yao, Ang nakatatandang kapatid ni Wuxie."... Walang malay na sagot niya.
..."Ano?! Paanong hindi ko nalaman na may kuya si Wuxie?"... Nagbago ang ekspresyon ni Mo Xuan Fei sa pinakamalala.
'Ang ikatlong henerasyon ng Palasyong Lin ay mayroon lamang isang tao, saan nagmula ang Jun Wu Yao na ito? Maliban na lang kung,.. Matagal nang naghahanda ang Pamilyang Jun laban sa Maharlikang pamilya. Itinago ba nila ang pagkakaroon nitong lalaking si Jun Wuyao'. Si Mo Xuan Fei ay bahagyang nanliit ang mga mata.
..."Hindi, si Wu Yao ay isang ulila, kinuha ng aking ama. Siya ay pinalaki sa kampo ng hukbo mula sa murang edad. Sa pagkakataong ito, si Wu Xie ay lubhang nasugatan, sa mahinang kalusugan ni ama at wala akong maitutulong, nagpasya kaming yayain si Wu Yao para alagaan si Wuxie." Sagot ni Jun Qing.
.."Kaya ganun ang nangyari."...
Nakahinga ng maluwag si Mo Xuan Fei. Mula sa simula, walang pakialam si Mo Xuan Fei kay Jun Wu Xie.'Ayos lang basta hindi sila kadugo' sa isip-isip ni Mu Xuan Fei.
Si Jun Wu Yao at Jun Wu Xie ay dahan-dahang umupo sa kanilang mga upuan. Binigyan lang niya ng kaswal na tingin ang kaharap na mag-kalaguyo, at palihim na umirap.
Ito pala ang lalaking kinagigiliwan ng Totoong Jun Wuxie. Gayunpaman, wala siyang maalala sa babaeng nakaupo sa tabi ni Mu Xuan Fei.
..."Nalaman ng mahal kung ama na si Wu Xie ay nasugatan, kaya nagpadala siya ng ilang gamot na pampalakas. Nagkataon na nasa paligid si Yun Xian at hiniling ko sa kanya na Samahan ako upang masuri ang pinsala ni Wuxie. Si Yun Xian ay bihasa sa Gamot at mas mabuting tingnan niya ang pinsala para matiyak na gumaling na Si Wuxie."... Bumalik na ang walang pakialam niyang ekspresyon gayunpaman, sa tuwing binabanggit niya ang babaeng iyon, titignan niya ito ng may pagmamahal at lumambot ang tono sa tuwing binabanggit niya ang pangalan nito.
Ang titig na iyon ay para bang tinitingnan niya ang sarili niyang syota.
BINABASA MO ANG
GENIUS DOCTOR BLACK BELLY MISS (Tagalog Version) PAGE 1
Historical Fiction"TRANSLATE IN TAGALOG" Noong siya ay labing-apat na taong gulang, sa murang edad, Siya ay isang henyong manggagamot na ikinulong ng kanyang lolo, Sinunog niya ang kanyang kulungan kung saan siya nakatira nang higit sa Sampung taon. Ngunit Nang maka...