Note: Hi, it's been a while! I am thankful for your patience. Maraming salamat sa pagtangkilik at paghihintay, Rebels! ❤️❤️
•••|•••
[ C H A P T E R 15 ]
LATISHA VALENTINE
Ngayon ang balik namin sa Duchy. The Duke was serious about what he said: he came to return me back to where I belong. Although, I am hesitant to come back after everything, I have to settle for it. Kailan kong iasa muna kay Blessime at ang nawawala niyang kapatid na si Magnus sa huling mga plano. Ewan ko ba kung nasaan ang lalaking 'yon. Simula ng dumating ang Duke, hindi na siya bumalik.
Blessime has no choice but to come along since she can't leave me. Kanina pa nga umaga hindi nawawala ang ngisi ni Cyan at halos pumutok naman ang ugat sa ulo ni Blessime kakatimpi sa lalaki.
Wince is acting weird these past few days. Hindi ko batid kung bakit siya umiiwas pero tuwing nakikita ko siya ay may mga bagay agad na pumapasok sa utak ko. Mga tanong ang ilan sa mga 'yon. Parati din siyang wala at kasama si Laphel minsan. Si Erwan naman ay buntot ng buntot kay Roshan, habang si Logan ang nauuna na umalis para siguraduhin na ligtas ang paligid namin.
Napahawak na naman ako sa aking tiyan ng bigla ulit itong sumakit. Ilang araw ko ng nararamdaman ang sakit na parang pinupunit ang kalamnan ko. Hindi ko na sinabi kay Blessime dahil mas malala ang reaksyon niya kaysa sa akin. I managed to stay chill despite my unsettling discomfort.
"Are you okay? Do you want us to stop so that you can grasp for air?" Roshan asked as he held my hand. Nasa loob kami ng Karwahe at isa ang sasakyan sa dahilan kung bakit masama ang pakiramdam ko. Nahihilo ako, gusto kong masuka, gusto kong humilata o matulog. Marami akong gusto pero hindi ko sinasabi.
"I'm fine, and we can't risk to stop the carriage in the middle of nowhere. We have to arrive before nightfall, too," sagot ko para imbsan ang pag-aalala niya. Napaigtad ako ng maramdaman ko ang kanyang mga kamay sa aking likod. "Itigil mo 'yang mga kamay mo, Roshan."
"I just want to make sure you're okay," he said.
"I am fine," mabilis na saad ko.
Napaigtad ako muli ng hinahagod niya ang aking likod na parang alam niya na doon ako hindi komportable. Hindi talaga ako komportable umupo ng pormal dahil mabigat ang tiyan ko. Isa pa, nahulog ako kagabi, malamang tiyak akong may pasa sa likod ko.
Bigla akong napadaing ng tumama ang kamay niya sa parte kung saan ko nararamdaman ang sakit. I grasped his hand tightly before I close my eyes. It's damn painful!
"Erwan, stop the carriage!" sigaw ni Roshan.
Agad tumigil ang karwahe pero hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. I felt Roshan's trembling hands secured my body but I collapse from the pain that I felt.
"Y-your grace," nanginginig ang mga labing saad ko. Bumaba ako sa upuan at gusto ko na lang humilata sa sahig para ibsan ang nadarama ko. "Call Blessime, please..."
I heard him scream again to express his order. Parang pinipiga ko ang kamay ni Roshan dahil hindi na lamang ang aking likod ang masakit, kundi sumasabay naman ang aking tiyan.
"Ah!" I crumpled in pain.
"Wife, h-hang on."
I heard the door open and Blessime's voice speaking my name entered my ears. Lumapit siya sa akin at marahas na sinira ang damit ko para lumandad ang aking likod at malaman niya kung ano ang nangyayari. She scoffed and glare at me. "Shit, ang galing mo talagang magtago ng sakit, babae!"
YOU ARE READING
✓ | REBIRTH OF THE REBEL [Book Two]
Fantasi[Book 2] (I highly recommend for you to read book 1 before proceeding to this book.) This is the second part of the rebirth of the rebel, and that villain will walk her way through triumph. ---------- Genre: Fantasy, Romance, Adventure Language: En...