***
One week na ang nakalipas pagkatapos ko siyang sagutin. It feels very nostalgic. Parang kailan lang ay naiinis ako sa ugali niya.
Parang kailan lang ay isinusumpa ko ang una naming pagkikita. Parang kailan lang ay halos sumuka ako kapag naaalala ko siya, pero ngayon? Pakiramdam ko nalunok ko lahat ng sinabi ko.
Hindi naman masamang pagbigyan ang sarili hindi ba? Masaya ako sa kanya, bawal ba 'yon?
Nagkanda ugaga ako sa pagbaba nang marinig ang boses ni lola na nagtatawag. Pagkarating ko sa baba at nakita ko roon si Leo. Nakaputing t-shirt ito at fitted na jeans. Nakaupo siya sa sofa habang nakikipagkwentuhan kila lola.
Noong makita niya ako ay daglian siyang tumayo at lumapit saakin. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Kitang kita ko ang mapuputi niyang ngipin
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.
Wala naman itong nabanggit kahapon na may lakad kami ngayon kaya ganoon na lamang ang pagtataka ko.
"Is it bad to visit you?" Inosente niyang tanong at lumamlam ang ekspresyon ng mukha niya.
Agad naman akong napailing at natawa, hindi ko na tuloy alam kung anong sasabihin ko.
"Not like that. I mean— agi, whatsoever," usal ko.
I hate myself! I'm still stuttering! Hindi pa rin ako sanay na lagi siyang nasa harapan ko.
"I'd like to invite you for tonight," aniya. Natigilan ako. Hindi palang ako nakakapag isip ng tama ay mas lalo nanaman niyang ginulo ang isip ko.
Napatingin ako kay lola at tita na ngingisi ngisi habang nakatingin saakin. Iyong tingin nila ay nanunukso at tila nakuha ko na nga kung bakit siya nandito... "Andito ako kasi ipinaalam kita," dugtong niya.
I can feel my burning cheeks na kailangan ko pang huminga ng malalim para lang walain ang bagay na iyon.
"And... To give you this," aniya pa at iniabot saakin ang paper bag na hindi ko man lang namalayang dala niya. I don't have courage to speak. Natameme nanaman ako sa harapan niya.
Both his presence and his perfume have me in a trance. I mean... He is really hypnotizing.
"I guess you have nothing to say, so I'll see you later," maya maya ay turan niya. Mas nanlaki ang mata ko noong naramdam ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko.
"Deserves so much respect," bulong niya at ngumisi bago tuluyang lumayo.
Nanigas ang paa ko kung saan ako nakatayo.
What the hell is that!
"Agoi! Kailan ko kaya mararanasan 'yan?" Lumapit si tita saakin para tuksuin ako.
Ang paningin ko ay nanatili sa paper bag. Nang hindi makakuha ng sagot at reaksyon saakin si tita ay umalis ito at nagtungong kusina.
Tumaas ang tingin ko noong naglakad palapit saakin si lola. Ang kaninang nakangiti niyang mukha, ngayon ay labis nang seryoso.
"B-bakit 'la?" Kabado kong tanong.
Tinignan niya ako ng diretso sa mata. Hinawi niya ang buhok na nalaglag sa aking pisnge at inilagay ito sa likod ng tainga ko.
"Masaya akong makita kang masaya apo," aniya. Ang gilagid niyang wala ng ngipin ay sumilay. Napangiti rin ako dahil doon.
"Pero sana..." Binitin niya ang kanyang sasabihin at itinuro ang dibdib ko.
"Ingatan mo ito. Hindi habang buhay narito ako sa tabi mo upang damayan ka sa mga kakaharapin mo sa relasyon. Bata ka pa apo. Natatakot akong masaktan ka dahil simula noong dumating ka, hindi ko hinayaang maramdaman mong may kulang," aniya at naluluha.
BINABASA MO ANG
TEACH ME TO LOVE (Sullivan Boiz Series#3)
Romance"I taught him how to love.. not how to hurt me" Sullivan Boiz Series #3 The youngest of Sullivan's, Galileo Sullivan, who treat every woman as a game fall for a girl who hated him. Ngunit paanong nakuha ng manloloko ang loob ng inosenteng babaeng k...