#10

34 3 0
                                    

***

"Stop giving me that kind of look, Brayleigh Jane."

Sumandal siya sa kanyang upuan habang hinihimas ang kanyang ibabang labi. Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil sa pagbanggit niya ng buo kong pangalan.

"Stop mentioning my whole name too," asik ko ngunit hindi pa rin binabago ang paraan ko ng pagkakatitig sa kanya.

Pagkatapos kong masabi iyong mga katagang iyon ay tila sinapian ako ng katapangan.

Naalala ko nanaman ang tip ni Drew. Na kung gusto mo ang isang tao, maging matapang ka. Nalimutan ko lang tanungin sa kanya kung bakit required maging matapang pag nagkagusto ka.

"I can't, ang ganda ng pangalan mo," aniya habang nakatitig sa mata ko.

Makailang beses akong lumunok dahil hindi ko na talaga alam kung kaya ko pa bang panindigan ang pagsalubong sa mga nakakalusaw niyang titig.

"I can't take my eyes off you too. Ang g'wapo mo, Leo," mas matapang ko ring saad.

Ilang beses siyang kumurap. Namula ang kanyang mga tenga. Ilang beses niya ring binasa ang kanyang ibabang labi at lumunok.

Nang hindi na niya makayanan ay umiwas siya ng tingin at tatlong beses tumikhim.

Napangisi ako dahil sa kanyang kilos...siya ang talo.

"Final na 'yon. Let's date. From this day, we are officially dating."

He winked at me. Napapaypay na lamamg ako gamit ang aking palad.

Mabagal kaming naglalakad palabas ng restaurant. Hindi gaanong masakit sa balat ang sinag ng araw. Kapwa kaming tahimik habang diretso ang tingin sa dinaraanan.

Tahimik lang ako pero nagwawala na amg loob loob ko. Ganito ba ang pakiramdam kapag umiibig? Nagtatanong ako kasi unang beses kong maramdaman 'to.

"Leo—"

"Bree—"

Muling nabuhay ang pagkailang aa pagitan namin ng muling magsabay ang aming pagtawag. Posible kayang pareho kami ng nasa isip?

"Mauna ka na—"

"Mauna ka na—"

Sabay kaming napatikhim ng magsabay muli kami. Huminga ako ng malalim bago dahan dahang tumigil. Naramdaman ko rin siyang napatigil sa aking likuran dahil nakasunod siya sa akin.

Nasa ilalim kami ng puno ng acacia kaya't mahangin. Tinatangay nito ang ilang hibla ng aking buhok.

"Why me?" I asked out of nowhere. Hindi ko makita ang ekspresyon ng kanyang mukha o kung natigilan ba siya sa tanong ko.

"Ang dami riyan, bakit ako?" Muli kong tanong at tumingala upang abutin ang dahon ng acacia na mabagal na nahuhulog.

"Why not, Bree? Bakit sana hindi p'wedeng ikaw?" Balik na tanong niya na dahilan ng tipid kong pag ngiti.

"Walang mali sa'yo para hindi pwedeng ikaw. Why do you keep on asking me if why you when in fact it doesn't matter anyway. It's you because it is you, Bree. Ikaw dahil hindi iba. Ikaw dahil ikaw lang. "

Hinarap ko siya ng tuluyan habang nangingilid ang luha.

"To be honest, I am frightened. I am scared. There's something in my head telling me that I should stay away from you. My senses told me that you're... Dangerous, " wika ko.

Hindi ito umimik bagkos ay kinuha niya ang palad ko at ang mas ikinagulat ko ay noong ipatong niya ito sa kanyang dibdib.

Mabilis ang tibok ng kanyang puso ngunit kahit na ganon ay nananatili ang itsura niyang kalmado.

TEACH ME TO LOVE (Sullivan Boiz Series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon