***
"Oh, hindi ka pa nakakauwi?"
Nakagat ko ang ibabang labi.
"Drew!" Usal ko. Nakatayo ako sa gilid ng gate habang inaantay ang sundo ko.
It's been three days simula noong matapos ang junior night nila Leo.
"Bakit hindi ka pa umuuwi?" Ulit niya.
"Wala pa 'yong sundo ko e," sagot ko at muling napatingin sa relo ko.
Simula noong naging kami ni Leo, lagi na niya akong hatid sundo. Naguiguilty na nga ako dahil hindi ko na nakakasabay si Drew.
"Pinag aantay ka ba?" Tanong niya.
"Hindi naman sa ganoon, baka papunta na rin siya," sagot ko.
Walang ano ano niyang inilahad ang cellphone niya saakin..
"Alam mo ba number niya? Tawagan mo na," aniya.
Halos magtatatalon ako sa tuwa dahil doon. Mabuti nalang andyan palagi si Drew kahit ang dami ko ng pagkukulang sa kanya.
Nakailang tawag na ako ngunit hindi pa rin siya sumasagot. Masama na ang loob ko nang iabot ko kay Drew ang cellphone niya.
"Still no update?" Tanong niya at sa pagkakataong iyon ay iling nalang ang naisagot ko.
I heard him sighed.
"You know, Honestly, kung gusto ka takaga ng lalaki hindi mo kailangang sabihin sa kanya na mag effort siya. Kusa niya 'yong gagawin, Bree. Hindi naman nakakaubos ang oras na tawagan ka o ipaalam sa'yo na malelate siya ng sundo hindi ba?" Usal niya.
Tahimik lang ako.
"Walang lalaking busy kung gusto ka talaga niya. If a man really into you, he'll make time assuring you," dugtong nito.
Napatingin ako sa kanya.
"Gan'yan ba ginagawa mo kapag may gusto kang babae?" Tanong ko.
Lumingon din siya sa akin.
"Oo, but sometimes, you have to accept the fact that once you like someone, you don't owe them to like you back," wika niya.
Pinagmasdan ko ang mukha niya. Wala naman siyang kinukuwentong babae na nagustuhan niya o sadyang late ako sa balita dahil busy ako kay Leo?
"May mga bagay na hindi maaariny ipilit, Bree. It's better to stay where you both comfortable than choosing something that will give you trouble,"muli niyang wika.
Ngingisi ngisi na akong humarap sa kanya. "Ang lalim ng pinaghuhugutan mo a! Bakit sino bang gusto mo?" I asked na sana ay hindi ko nalang oala dapat ginawa.
Ilang minuto siyang natahimik hanggang sa maglakas loob siyang muling magsalita.
"Gusto kita, Bree. Ikaw lang naman ang nagustuhan, ginugusto, at gugustuhin ko," diretsong aniya.
Nagulat ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay mali lang ako ng dinig, pero hindi e! Malinaw na malinaw niyang sinasabi saakin na gusto niya ako.
Si Drew... gusto ako.
"Ikaw ang gusto ko... ang kaso, ayaw kitang mawala," muli niyang turan.
"Tama na 'yang biro mo, Drew. Hindi na ako naniniwala," sabi ko at pinilit matawa.
"Isipin mo lang na nagbibiro ako pero totoo ang sinasabi ko, Bree. Gusto kita, ayaw lang kitang mawala kaya kahit masakit at mahirap, mas gugustuhin ko nalang na panoorin kang sumaya kaysa maging makasarili at maging dahilan pa itong nararamdaman ko para masira ang pagkakaibigan natin," seryosong aniya.
BINABASA MO ANG
TEACH ME TO LOVE (Sullivan Boiz Series#3)
Romance"I taught him how to love.. not how to hurt me" Sullivan Boiz Series #3 The youngest of Sullivan's, Galileo Sullivan, who treat every woman as a game fall for a girl who hated him. Ngunit paanong nakuha ng manloloko ang loob ng inosenteng babaeng k...