#25

41 4 0
                                    

***
If you really want someone, you have to be consistent. What's the use of your words when your actions is confusing?

I appreciate Leo so much. He's really determined to prove that he changed. He really wanted to win me back.

Araw araw ay naroon iyon sa classroom ko. Hinahatiran ako ng bulaklak and chocolates but what melted my heart is the letters he gave every time he's giving me flowers.

Hindi ko nga alam kung anong trabaho niya bakit ang dami niyang oras mamasyal sa classroom ko.

I let him do whatever he wants. I let him show me his actions. I finally let my self accept that I still love him despite of the pain he brought me. Despite how many years of not seeing each other.

Hindi ko pa nasasabi kay tita ang lahat. Hindi pa ako handang marinig ang mga patutchada ng tiya ko. Ayaw ko rin munang kulitin niya akong magpakasal at magpadilig ng kipay.

Tama si tita, masarap magpatawad. Hindi man mababago ng pagpapatawad ang mga nangyari, sa kabilang banda naman ay makakausad tayo ng walang dinadalang hinanakit sa kahit na kanino.

Forgiving doesn't require forgetting. Hindi porket pinatawad mo ay kailangan mo na ring makalimot. You forgive to finally put your self at peace.

Hindi mahal magpatawad. We don't know how long we are in this world. Hindi natin alam kung hanggang kailan tayo magkakaroon ng pagkakataong mamuhay sa mundo.. kaya't habang nagigising tayo sa bawat araw na ginawa ng diyos, mamuhay tayo ng maligaya. Mamuhay tayo ng walang galit sa puso natin.

We're not perfect. Lahat tayo nakakagawa ng kasalanan, ang hindi tama ay iyong paulit-ulit nating gawin 'yong alam nating mali. Ang hindi tama ay iyong wala tayong balak magbago para sa ikabubuti.

You can't always apply the phrase "we're not perfect." May sarili tayong isip at dapat magkusa tayong baguhin kung ano ang sa alam natin ay mali.

Yes, we're not perfect, but that doesn't mean we don't need to improve ourselves. We saw our bad sides, yet we didn't do anything to make ourselves better, which is the definition of hypocrisy.
 
 
 
 
Never romanticize hypocrisy.

Maybe ito ang sakit nating mga tao, iyon bang alam na nating may mali sa atin pero paulit-ulit tayong humahanap ng paraan para ipagtanggol iyong sarili natin kahit alam naman nating mali.

Maybe we're poor of admitting mistakes or we're just afraid of judgement. E ano ngayon kung husgahan tayo hindi ba? Atleast we've learned. Atleast we now know what to do, the right thing to do.

"Tita maayos na ba itsura ko?"

I looked my reflection at the mirror. Simple lang naman ang suot ko pero pakiramdam ko ay sobrang ganda ko.

"Sobra, Bree," aniya at maluha luhang tumingin sa akin.

Katulad ko, alam kong sobrang saya ni tita. Imagine? Raising a spoiled and Lola's girl kid alone and watching her claimed her success?

Naluluha ako sa bawat bagay na nararating ko sa buhay. Hindi ko akalain na aabot ako sa puntong ito na kung saan ay sobra akong nagiginh proud sa sarili ko.

If my younger self can see what I became, I swear she'll be very proud.

Malakas akong bumuntong hininga. Leo called earlier, hahabol daw siya sa venue at may mahalaga siyang aasikasuhin and it's fine for me.

Kinakabahan ako. Hindi ito ang unang beses na magsasalita ako sa harap ng maraming tao, pero ito talaga ang pinakanakakakaba. Nakapaghanda naman ako ng kaunting sasabihin ko roon and I think it's fine.

Mga 5 to 6 hours ang biyahe kaya inagahan ko talaga ang punta. Sa private resort and restaurant ang venue since ang event na ito ay parang reunion. Hindi ko rin alam kung papapasukin ba si Leo dahil parang open lamang ang event sa may invitation.

TEACH ME TO LOVE (Sullivan Boiz Series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon