#16

43 3 0
                                    

****

Kagat labi akong lumabas sa kwarto ni lola. Pagkatapos ko siyang kausapin ay pinakain ko ito at saka ako lumabas.

"Ayos ka lang?" ayon agad ang bungad sa akin ni Drew.

Pagod na tumingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung itutuloy ko ang sinabi ko kay lola. Sa kabilang banda, ayokong maging magaling lang sa salita.

Oo, nahihiya ako kay Leo pero para sa buhay ng lola ko, isasantabi ko muna ang hiya ko.

"May load ka?"

Kung siya ay pangangamusta ang ibinungad saakin, ako naman ay iyon ang itinanong. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang kanyang pagnguso.

Sa kabila ng pagnguso niya ay iniabot niya rin saakin ang telepono. Malawak ang ngiti kong inabot iyon at bahagyang lumayo sa kanya habang nagdadial ng numero.

Maraming dumadaan na nurse sa hallway kaya't nagpapagilid ako. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang pinapakinggan ang pag-ring ng kabilang linya.

Tinatawagan ko si Penny.

Ilang ring lang ay may sumagot sa kabilang linya. "hello?" ayon ang bungad ng mala-anghel niyang tinig.

Mariin akong lumunok. "S-si Bree ito. Alam mo ba kung nasaan si L-leo?" lakas loob na tanong ko.

Natahimik ang kanilang linya. Kinakabahan ako. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.


"Hmm, he's here. Why?"

Muli akong lumunok. Ilang beses iyon pakiramdam ko ay kulang na kulang ako sa laway. "P'wede ko ba siyang makausap?" Tanong ko.

"Ah, he's busy right now but you can come here. Mas maigi kapag personal kayong mag-usap," aniya.


Ngumiti ako kahit hindi niya nakikita. Sabi na e may kabaitan naman din pala si Penny. Baka nahusgahan ko lang siya ng sobrang aga.

Nagpaalam ako sa kanya at pinatay ang tawag pagkatapos kumpirmahin kung sa kaparehong address ba ng binigay niya ang location nila at sinabi naman niyang oo.


"Sinong tinawagan mo?" salubong saakin ni Drew.

"Iyong kabanda ni Leo," marahan kong sagot.

Kunot-noo niya akong pinagmasdan. "Bakit, anong sinabi mo?" tanong niya.

Pinaningkitan ko siya ng mata ngunit noong makitang seryoso siya ay tumikhim ako. "Manghihingi ako ng tulong Kay Leo, Drew."

Nandilim ang ekspresyon ng kanyang mukha. Tila hindi niya nagustuhan ang narinig. "Bree, hindi mo kailangang gawin iyan. Andito naman kami para tulungan kayo," aniya sa seryoso ngunit malumanay na tono.


"Nakakahiya sainyo, Drew. Isa pa, alam nating dalawa na hindi rin p'wedeng lahat na lamang ay iasa namin sainyo, Drew. Hiyang hiya na ako," tapat kong tugon.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Pamilya tayo rito, Bree."


"Drew, isang daang libo at singkwenta mil ang kailangan sa operasyon ni lola," nangingilid ang luhang sambit ko.

Hindi siya nakapagsalita. Nakatitig lamang siya sa nagsusumamo kong mukha. Hinawakan niya ang pisngi ko at walang salitang kinabig ako para yakapin.

"Sorry," bulong niya.

Ilang minuto rin iyon at ako na ang kusang humiwalay. "Samahan mo nalang ako," sambit ko.

TEACH ME TO LOVE (Sullivan Boiz Series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon