Prologue

203 20 0
                                    

"Hoy, Rachel! Para ka na namang baliw diyan," sita sa 'kin ni Paula na kaibigan ko na simula ten years old ako.

Itinigil ko muna saglit ang pagbabasa para sagutin siya. "Kasi naman, kinikilig talaga ako sa dalawang 'to. Deserve nga talaga nitong mapasama sa 'talk of the town'! Kyah!" Napatili na lang ako sa magkahalong excitement at kilig na nararamdaman ko. "Alam mo ba, hindi pa rin ako makaget over sa revelation na mula pala sa Mafia Clan si Arctic! Hindi ko nahulaan 'yon. Akala ko love story lang 'to pero may action din pala!"

Huminga ng malalim si Paula habang pinapanood kung paano ako magkwento. Siguradong sa utak nito, para na naman akong uuod na binudburan ng asin.

"Hay, naku. Mabuti pang tigilan mo muna 'yan kasi 'di ba nga, may gagawin tayong project? Ano pang silbi ng pagpunta ko rito sa bahay niyo kung 'yan lang naman aatupagin mo? FYI, ayoko sa mga pabuhat na kagrupo at hindi ka exempted do'n kahit pa kaibigan kita."

Napasimangot na lang ako nang mag-umpisa na siyang manermon. Sinasabi ko na nga ba. Hindi talaga magandang ideya na makipagpartner ako sa kanya. Kung hindi ba naman ako likas na maawain, hindi ko talaga siya aalukin na kami na lang ang partner.

Sa ugali ba naman kasi ng kaibigan ko na 'to, sinong gugustuhin na maging partner siya? Sobrang grade conscious na nga, bungangera pa. Buti na lang, sanay na ako sa kanya. At isa pa, kahit naman ganyan siya, mabait naman 'yan ng slight.

"Oo na, oo na. Eto na o, itatago ko na nga ang phone ko," sabi ko na lang. Itinago ko muna ang cellphone ko sa ilalim ng unan bago sumalampak sa sahig kagaya niya.

Kung bakit ba naman kasi ang dami-daming pinapagawang project. If I know, diretso sa basurahan lang naman ang mga ginagawa naming artworks. Ang mga teacher talaga minsan walang sense, madalas sakit ng ulo.

Hay...

Napatingin ako sa unan na nasa kama ko. Sa ilalim niyan, nando'n ang kaligayahan ko. Mababaliw na ako kakaisip kung anong sunod na mangyayari. Si Paula naman kasi, walang pakisama. Kung kailan malapit ko ng matapos saka naman dumating. Pwede namang hapon na namin 'to gawin eh.

"Rachel! Ayusin mo naman! Pagdikitin mo ng mabuti! Ang daling humiwalay o!" saway na naman ni Paula.

"Ang glue ang sisihin mo! Ang lakas makapag-advertise na sobrang dikit pero ang hina naman pala," depensa ko naman na ikinasama nito ng tingin. Sumuko na lang tuloy ako. "Oo na po. Aayusin ko na."

"Tsk! Dito kasi ang atensyon! Kanina ka pa patingin-tingin sa direksyon na 'yon eh. Kung sabihin ko na lang kaya sa 'yo ang ending ng matigil ka?"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Natapos mo na?!"

"Oo at alam mo ba sa ending - "

Agad kong tinakpan ang tenga ko at pumikit ng mariin. "Ahhh!!! La la la la!!! Tumigil ka!"

"Sa ending, happy ending pa rin sila ni Arctic - "

Nahampas ko na siya sa kamay pero ang bwiset hindi pa rin nagpaawat. Nagawa pang tumawa!

"Pero may namatay at alam mo ba si - "

"Paulita!!! 'Wag nga kasi!!!" malakas na sigaw ko na dahil sa sobrang pagkainis. Porket natapos niya na, gaganyan na siya?! Kung 'di ko lang siya kaibigan, kanina ko pa nasampal ang bibig niya.

"Ano ka ngayon? Dito na ang atensyon kung ayaw mong i-spoil ko sa 'yo 'yang cliche romance na kinababaliwan mo," pagbabanta pa nito.

Inirapan ko naman siya bago padabog na inagaw ang hawak niyang karton na pagdidikitin daw ng maayos.

Naiinis talaga ako. Happy ending, expected na 'yon pero 'yong may namatay? Hindi ko tuloy alam kung totoo ba 'yon o niloloko lang ako ng isang 'to. Mas lalo lang tuloy akong nadidistract dahil sa sinabi niya.

Mas mabuti pang bilisan ko na lang para matapos na namin 'to at nang makapagbasa na ako.

At pagkatapos ng ilang oras na pakiramdam ko ay taon na ang nagdaan, natapos din kami sa wakas. Pagkaalis na pagkaalis ni Paula, nagkulong lang ako sa kwarto. Hindi ko pinansin si mama na tinatawag ako para kumain.

Mamaya na. Ilang chapters na lang naman 'to. Tatapusin ko na.

Pero ang sarap sampalin ni Paula ngayon, wala namang namatay! Sinungaling talaga ang isang 'yon.

Nakangiti ako hanggang sa matapos ko ang kwento kaya naman no'ng makita ko ang bonus part ng kwento kung saan merong isang katanungan, tatawa-tawa kong binasa ang mga comments ng ibang readers.

•••

If given a chance do you want to change the story?
•••

["Nope, I won't change the ending. The story itself is perfect already and the ending is what the characters deserves, especially Arctic." - preeettyarianne]

["Hmm... Siguro wala other than sana mas nahighlight pa ang mafia clans. By the way, sa 'kin na lang si Calisto my loves! (⁠ ⁠˘⁠ ⁠³⁠˘⁠)⁠♥ - daddy_i_want_it_hard]

["Gusto kong mawala ang grupo ni Lorie! Nakakabwiset sila! Grabe mga pambubully nila. Saka maganda kung may spg ng konti char harhar!" - Anonyyymous]

["Sobrang nakakakilig Ms. Santana! Masaya na ako sa ending and therefore I conclude na okay na kahit walang baguhin. Special chapters please!!!♡⁠(⁠>⁠ ⁠ਊ⁠ ⁠<⁠)⁠♡" - walangtitibag048]

•••

"Laughtrip ng mga comments, langya! Hahaha!"

Mga readers talaga minsan mga mukhang clown! Kaya rin naeengganyo akong magbasa online dahil hilig ko ring makitsismis sa comment section.

Kung ako naman ang tatanungin, siguro wala rin akong babaguhin. May gusto lang akong idagdag.

Napangiti ako kasabay nang paggalaw ng mga daliri ko para itipa ang naisip kong sagot.

•••

["Agree ako sa mga comments. Wala rin akong babaguhin at kung mabibigyan ng pagkakataon, may gusto lang akong idagdag. Ano 'yon? Syempre, AKO! Hahaha! Omo!!! Gusto kong maging isa sa mga estudyante at makitsismis. Gusto kong makita mismo ang mga kilig scenes between Cat and Arctic!!! Kyaaahhhh!!!" - NamelessEme]

•••

Grabe naman kasi talaga ang Midnight Sun by Santana. Talagang deserve nito ang maraming reads at votes. Cliche story man pero with Cat's attitude na mabait pero hindi papaapi, nagkaroon ng maraming scenes na sobrang nakakaexcite basahin.

Arctic is also one of a kind male lead. Kahit gamit na gamit na ang cold type characteristic niya, pero 'yong mga scenes niya kasama si Cat ay sumasabog ng kilig. Tapos nadagdagan pa ng lima pang male leads na hindi rin papahuli sa pagpapakilig. Kulang na lang makipag-agawan na rin ang mga readers.

Sayang lang dahil walang book 2. Napakalaki kasi ng potential ng story. 'Yong world building ni Miss Santana is the best.

Naganap halos ang lagpas kalahati ng scenes sa school pero nalilibot pa rin lahat ng premise ng mundo nila.

Merong tinatawag na Mafia Clan, Government, at ang Elites. Sa tatlong sectors na 'yan, pinakagusto ko talaga 'yong sa mga Mafia. Thrilling kasi dahil sa maraming actions scenes. Nakakapanghinayang lang na hindi 'yon nahighlight masyado sa story.

Napahikab ako sa gitna ng pagbabasa sa mga comments. Pero bago pa man tuluyang magsara ang mata ko, nakita ko pa ang huling pumasok na notification sa cellphone ko.

•••
Congratulations! You got a heart from Santana!

•••

Suddenly, I'm in the Middle of Trouble!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon