"Almira, 'wag mo ng pagandahin ang buhok ko. Masyado na tayong natatagalan. Baka mainip na sina Lorenzo sa baba," reklamo ko kay Almira, ang katulong na sumalubong sa amin kanina sa hagdanan.
Kanina niya pa kasi ako inaayusan. Halos natagalan na kami sa pagpili ng susuotin ko dahil ayaw niyang magpatalo. Hindi raw pwedeng simpleng t-shirt at shorts lang ang suotin ko. Dapat daw 'yong pinakabonggang dress na makita namin sa closet ko. Tapos ngayon naman, itong buhok ko. Dapat daw maganda ang pagkakaayos, hindi raw pwedeng basta na lang suklayan tapos okay na.
"Hindi pwede, Mistress! Nakita ka nila kanina at your worst kaya dapat magpakita ka ulit sa kanila at your best."
Nakakainis. Ayaw pa rin niya talagang sumuko! Hindi ko alam na may nakakainis na existence pala rito sa mansyon. Kanina niya pa ako hindi pinapakinggan! Gusto kong ipaalala sa kanya ang posisyon ko sa mansyon na 'to pero hindi ko magawa. Ayoko rin naman kasi na magkaroon ng kaalitan sa mundong 'to. At saka, nakikita ko rin naman kasi na nag-aalala lang din siya para sa reputasyon ko kahit na wala naman akong pakialam.
Huminga na lang ako ng malalim. "I-ponytail mo na lang kasi, Almira. Nakasuot lang naman ako ng jogging pants at oversized shirt kaya hindi mo kailangang bigyan ako ng bonggang hairstyle na parang dadalo sa party."
Nakita ko naman ang mabilis na pagsimangot ni Almira mula sa salamin. Dismayado pa rin siguro siya na hindi niya ako napilit na suotin 'yong dress na pinili niya kanina. Kaya rin siguro ayaw niya talagang magpatalo ngayon pagdating sa ayos ng buhok ko.
"Hindi pa naman kasi fifteen minutes, Mistress. Ang bilis kaya ng naging pagligo mo! Naghilod ka man lang ba?" tanong nito na parang gustong maka-offend.
Ngumisi naman ako. "Syempre hindi!" proud ko pang sagot na agad na ikinalaki ng mga mata niya. "Sa tingin mo magagawa ko pang maghilod habang may dalawang gwapong naghihintay na mapagmasdan ng mga mata ko?"
"Ano ka ba naman, Mistress! Tatlong araw kang hindi naligo! Ang dami mong libag sa katawan. Nakakahiya!"
Aba't! Ang kumportable naman niya yatang magsalita sa 'kin.
"Hindi naman nila malalaman unless sabihin mo kaya keep your mouth shut na lang."
Nginiwian na lang ako ni Almira na parang diring-diri siya sa isipin na may tinatago palang kadugyutan ang Mistress ng Aragon. Deadma lang naman ako. Eh sa mas importante sa 'king pagpyestahan ang kagwapuhan nina Lorenzo kesa sa libag ko sa katawan.
Pagkatapos ng dalawang minuto, nakapagdesisyon na rin sa wakas si Almira sa magiging ayos ng buhok ko. Inayos niya iyon ng pa-princess braid style at hinayaang nakalugay sa likod ko ang ang iba kong buhok. Again, what's the point? Hindi naman bagay sa suot ko. Ang dami kasing arte nasa bahay lang naman kami.
Saan ba kasi nagpunta si Ms. Reyna?
Nang matapos kami sa pag-aayos, hinatid pa ako ni Almira sa dining area na para bang maliligaw ako. Medyo nawala lang ang bad vibes ko nang makita ko sina Lorenzo at Kleevan roon na pinagsisilbihan na ng mga katulong. Agad na sumilay ang malaking ngiti sa mukha ko nang makita ko na naman ang naggagwapuhan nilang mga mukha. Oh my! Iba rin talaga ang karisma ng mga male lead na 'to.
"Mistress, stop gawking at them like a pervert."
Napaayos ako ng biglang sumulpot si Ms. Reyna sa tabi ko. Tumikhim ako at nagdeny. "Excuse me. Hindi ako pervert 'no. I'm just enjoying the view."
"If you say so, Mistress. But, don't be surprise if the young masters suddenly run away from you," monotone na paalala niya pa.
Napasimangot naman ako. Grabe naman. Mukha ba talagang pinagnanasaan ko ang dalawa? Sa mukha lang naman kaya ako nakatingin! Hindi ko pa nachecheck ang lower parts nila para masabihan na pervert 'no!
BINABASA MO ANG
Suddenly, I'm in the Middle of Trouble!
RandomWhat will happen to a cliche love story between a cold-hearted man and bright innocent girl when an insignificant extra who don't even get to have her name mention in the book, found herself in the middle of their chaotic love story? Rachel Anne San...