"Mistress, are you feeling unwell?"
Napaigtad ako sa kinauupuan ko nang maramdaman ko ang mahinang pagtapik ng kung sino sa balikat ko. Napakurapkurap ako hanggang sa luminaw ang paningin ko at tumambad sa akin ang mukha ng hindi pamilyar na babae.
Napakaamo ng mukha niya. Mahaba ang parang umaalon nitong buhok. Medyo pasingkit din ang mga mata niya na parang laging nakangiti. May mahahaba siyang pilik-mata at tamang kapal ng kilay. Ang ilong niya ay napakatangos tapos ang labi niya ay napakaperkpekto ng pagkakahubog at napakapula.
Magkailang beses kong kinurap-kurap ang mata ko. Namamalikmata lang ba ako? Bakit napakaganda naman yata ng isang 'to? Mukha siyang anghel kaya hindi ko alam kung totoo ba siya o gawa-gawa lang ng imahinasyon ko.
Sinubukan ko siyang abutin pero agad kong binawi ang kamay ko ng bigla rin niyang itinaas ang kamay na parang hahawakan din ako. Pero kasabay ng pagbawi ko sa kamay ko ay siya ring pagbawi niya sa kamay niya.
"Mistress? Are you perhaps feeling sick again? Should I tell the Lord?"
Napatitig ako sa isang babae na tumabi sa babaeng kaharap ko ngayon. Halatang mas matanda ito ng ilang taon base na rin sa itsura at pananamit nito. Ang suot nito ay parang kagaya ng mga nakikita ko sa mga drama na isinusuot sa isang kompanya. Itim na long sleeve suit at isang black fitted slacks. Tama lang din ang kataasan ng takong na suot niya habang malinis at maayos na nakaponytail ang may kahabaan nitong buhok na dinaig pa ang plinantsa dahil sa tuwid at ganda nito.
Sa tangkad pa lang at sa magandang mukha niya, babagay siyang contestant sa Miss Universe.
Hinawakan nito ang balikat ng babae at napaigtad ulit ako nang maramdaman kong may humawak din sa balikat ko. Magkasabay kaming lumingon ng babae pero laking gulat ko ng tumambad sa akin ang mukha ng babaeng kanina ay katabi lang ng babaeng kaharap ko.
Napatingin ulit ako ro'n sa babae at kagaya ko, bakas din ang gulat sa mukha niya. Napasinghap ako nang may mapagtanto ako.
Iningat ko ang kamay ko upang hawakan ang sarili kong mukha at gano'n na lang ang pagkabigla ko nang sumunod ang babae at hinawakan din ang mukha niya.
Agad akong ngumiti saka sumimangot saka nagtaas ng kilay. Pinisil-pisil ko rin ang pisngi ko at sinabunutan ang sarili.
Natawa ako dahil sa pagmakangha.
"Oh my gosh! Naawa ka ba sa 'kin God kaya bigla mong pinaganda ang mukha ko?!" tili ko.
Hindi ako makapaniwala! Panaginip ba 'to?! Kasi kung oo, pwede bang ganito na lang din mukha ko kapag gumising ako?! Siguradong hindi kakayanin ni Paula ang beauty ko kyaaah!!!
"What's happening, Mistress? Is everything okay? Do you want me to call Dr. Claveria?" pagpapanic bigla ng babaeng kasama ko.
Hinawakan niya ako sa balikat habang sinisipat-sipat ang katawan ko. Para bang alalang-alala siya na baka may kung ano na naman akong dinaramdam. Siguro, sakitin ang role ko sa panaginip na 'to.
Pero shet! Totoo ba talaga? Naglu-Lucid dreaming ba talaga ako?! I mean, gusto ko siyang ma-experience pero hindi ko naman ini-expect na talagang mararanasan ko. Grabe! Totoong-totoo ang pakiramdam.
Ipagyayabang ko talaga 'to kay Paulita pagkagising ko.
Hinawakan ko sa braso ang babae para kunin ang atensyon niya. Agad akong ngumiti ng tumingin siya sa 'kin na tila ba kinagulat nito. Kumurap-kurap pa ang mga mata niya na tila inaalam kung namamalik-mata lang ba siya.
BINABASA MO ANG
Suddenly, I'm in the Middle of Trouble!
De TodoWhat will happen to a cliche love story between a cold-hearted man and bright innocent girl when an insignificant extra who don't even get to have her name mention in the book, found herself in the middle of their chaotic love story? Rachel Anne San...