4. Visitors

69 7 2
                                    

Nabalot ng pag-aalala ang mga taong naninilbihan sa pamilya Aragon. Paano ba naman kasi tatlong araw na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nakikita si Penelope. Halos lahat ay iniisip na malala na ang sakit ng dalaga at maaaring tuluyan na itong bawian ng buhay.

"Totoo ba? Mamamatay na daw si Mistress?" tanong ng katulong sa katuwang niyang magsampay ng basang kumot na kakatapos lang labhan.

"Oo raw. Narinig ko kay Chris, 'yong gwapong hardinero na narinig niya raw si Ms. Reyna na kausap si Dr. Claveria sa cellphone. Ayon sa kanya, mukhang alalang-alala si Ms. Reyna kay Mistress Penelope."

"Kawawa naman si Mistress. Parang noong isang araw lang, nakita natin siyang tumatakbo, tapos ngayon...hay..."

Parehong nalungkot ang dalawang katulong. Hindi man nila nakausap ang dalaga simula ng magtrabaho sila sa mga Aragon, kahit papaano ay mahalaga na rin ang dalaga sa kanila lalo pa't nakita nila kung gaano ito nangulila sa mga magulang. Nakakalungkot lang na wala man lang silang nagawa para pasayahin ito.

Sa kabilang banda, hindi lungkot ang nararamdaman ni Reyna. Matunog ang bawat hakbang niya dahil sa bigat ng nararamdaman niya. Hindi na niya alam ang gagawin! Ilang beses na siyang nagdasal sakaling magkaroon ng milagro pero kahit anong pakiusap niya, para siyang nakikipag-usap sa bingi!

Ngayon, susubukan niya ulit pero huli na 'to! Kapag hindi pa rin ito nakinig ay ipaparating na niya ito kay Lord Aragon! Hindi niya na kakayanin pa kung magpapatuloy pa ang sitwasyong 'to!

Tumigil siya sa harap ng pintuan. Huminga siya ng malalim bago marahang kumatok.

"Mistress, this is Reyna. Can I come in?" pormal na anunsyo nito.

Lumipas ang ilang segundo, wala siyang narinig na sagot mula sa loob kaya muli siyang kumatok at inulit ang sinabi pero wala pa rin. Sa ikatlong pagkakataon, kumatok siya ulit ng sobrang lakas.

"Mistress, this is Reyna. Can I come in?" pilit niyang binababaan pa rin ang tono ng boses kahit unti-unti ng nag-iinit ang ulo niya.

Nang wala pa rin siyang marinig na sagot, walang pag-aalinlanlangan na binuksan niya na ang pinto at pumasok. Mabilis na natagpuan ng mga mata niya ang kanina pa niya hinihintay na sumagot.

Prente itong nakaupo sa couch habang hawak-hawak ang librong hindi nito maibaba. May makapal na kumot na nakabalot sa katawan nito at may yakap-yakap pang unan.

Ngunit hindi naman iyon ang ikinasasama ng loob ni Ms. Reyna. Masama ang loob niya dahil sa katotohanang, hindi na ito lumabas ng silid magmula ng pumasok ito rito. Hindi na ito kumakain sa tamang oras at hindi rin natutulog ng maaga! Nag-aalala siya na baka kung mapano na naman ito.

"Mistress, can you please go out now? You have to eat your breakfast now," nakikiusap na sabi niya rito.

"Mamaya na Ms. Reyna. Isang chapter na lang promise tapos lalabas na ako," sagot naman ni Penelope na hindi man lang nag-abalang tingnan ang kausap.

Huminga ng malalim si Reyna para pigilan ang sariling sumigaw sa inis. Tatlong araw niya ng naririnig 'yan, kaya sobrang nababadtrip na siya. Laging nitong sinasabi na isang chapter na lang pero hindi rin naman nito mabitiwan ang libro hanggang hindi nito natatapos iyon.

"Dr. Claveria told me that it's not good for your health if you keep this up, Mistress. So, please. You have to exercise a bit. Take a walk in the garden and enjoy the sun."

"Oo. Oo. Mamaya. Susunod ako," sagot nito kay Ms. Reyna kahit wala namang naintindihan si Penelope sa sinabi nito dahil sa matinding eksena na nangyayari ngayon sa librong binabasa niya.

Malapit ng magsalubong ang kilay ni Reyna dahil sa kawalan ng pakialam ni Penelope kaya bago pa man niya masigawan ito, mas minabuti niyang magpaalam at lumabas na lang muli.

Suddenly, I'm in the Middle of Trouble!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon