"Kailan ba magkakaroon ng scene sina Arctic at Cat?"
"Boring..."
"Hindi na ako natutuwa! Ayoko kay Penelope!"
"At least the dad seems hot."
"Hahaha! Puro basher si Penelope! Epal kasi! HAHAHAHA!"
TING~!
TING~!
TING~!
Iritang napasabunot ako sa buhok ko. Naidukdok ko na lang ang mukha ko sa mesa dahil sa sobrang inis. Wala bang notification off na pwedeng pindutin? Nakakabwiset! Bawat kilos ko bigla na lang may comment na susulpot! Buti sana kung maganda ang sinasabi e hindi naman.
Napabuga na lang ako ng hangin saka umayos ng pagkakaupo. Napatingala ako. Ano bang gagawin ko? Sabi ko, wala akong planong makisakay sa trip ng Santana na 'yon pero sa mga nangyayari, baka tuluyan na akong mabaliw sa mga readers na 'to.
Ilang araw na ba ang lumipas? Tatlo? Apat? Hindi ko na maalala. Basta pagkatapos ng araw na 'yon, hindi na muling nagparamdam si Santana sa 'kin. Pumalit nga lang ang mga pesteng readers na 'to na atat na atat ng lumihis ang eksena sa 'kin.
Napansin ko na halos sa 'kin nakafocus ang kwento. Hindi ko alam kung point of view ko ba ang gamit ng story na 'to. Isa pa, napansin ko rin na nafifilter ang mga nasa isip ko pati na rin ang ibang eksena. Wala kasi akong mabasang comments na related sa reincarnation or transmigration, para bang ang nababasa nila ay ordinaryong kwento lang. Walang masyadong kumplikadong plot na related sa nangyayari sa 'kin ngayon.
Basta ako na ngayon si Penelope Sunshine Aragon. Isang panibagong character sa bagong version ng Midnight Sun.
Wala akong ideya kung anong role ko sa kwentong 'to. Hindi ko alam kung isa na ba ako sa main character or isa lang akong supporting character na may dapat lang gampanan sa kwento nina Arctic at Cat.
Hindi malinaw sa 'kin kung ano ba ang posisyon ko sa kwentong 'to.
'Do your best to entertain us.'
'Yon ang sabi niya pero anong klaseng entertainment ba ang gusto niyang mangyari? Gusto niya bang agawin ko ang posisyon ng female lead kay Cat o baka naman, gusto niyang tulungan ko si Arctic na makuha ang posisyon na binitiwan niya sa kwento?
Sa totoo lang, wala akong gustong gawin sa dalawa. Masyadong kumplikado at ayokong madamay sa gulong mangyayari.
Pero hindi ako makakawala sa kwentong 'to kung hindi ako gagalaw.
"Aray..."
Napahawak ako sa gitna ng dibdib ko ng maramdaman ko ang biglang pagkirot ng puso ko.
Bwiset.
Isa sa mga epekto ng hate comments sa 'kin ay ang pagkirot ng puso ko, minsan ulo ko naman ang kumikirot. Nakadepende 'yon kung gaano kalala ang hate comments na natatanggap ko. May isang araw nga na naratay ako sa kama dahil may humiling na mamatay na ako na sinang-ayunan naman ng maraming readers. Buti na lang, hindi na nasundan 'yon.
BINABASA MO ANG
Suddenly, I'm in the Middle of Trouble!
RandomWhat will happen to a cliche love story between a cold-hearted man and bright innocent girl when an insignificant extra who don't even get to have her name mention in the book, found herself in the middle of their chaotic love story? Rachel Anne San...