Chapter 1 (I'm Back)

25 2 0
                                    

Yunna POV

"Ang tagal naman ni Manong!" inip na sabi ko sa sarili ko, kanina pa kasi ako nandito sa airport at naghihintay. Aba, ayoko yata sa lahat ay yung pinaghihintay -_-

Pinauwi kase ako ni dad dahil sa pagpapabaya ko sa study ko sa Korea. Namimiss ko kase yung mga taong gusto kong paghigantihan dito sa Pilipinas kaya ayun.. sinadya kong ibagsak yung mga subjects ko para makauwi rito! Bakit ba? gusto ko ea

Oh wait nandyan na pala si Manong, Masermonan nga to! "Diba sabi ko ayoko sa lahat pinaghihintay ako?" sabi ko kay Manong habang nilalagay yung mga maleta ko sa likod ng kotse. 

"Mam, pasensya na po traffic kase tapos nawalan pako ng gas kaya hi-" di na niya natuloy ang sasabihin niya ng bigla ko na lang siyang tinarayan. Well inborn na yung pagiging mataray ko.

"Tss You're too noisy. Open the door of this fucking car instead " tinaasan ko siya ng kilay sabay flip ng hair then pumasok na ko sa kotse.

Wait! I forgot to introduce myself. I'm Yunna Joy De Vera.. I'm sexy and I know it period.

I am 1% kind. Who cares? Aba sinuswerte ata sila baka abusuhin pa nila ang kabaitan ko? Di mo ko gugustuhing magalit dahil kapag ginalit mo ko, I swear I will make your life living HELL!! Kaya nga pinadala ako ng mga magulang ko sa Korea. 

But.. Because they really don't what should they do to me. They throw me here in the Philippines. They're really full because of me but that's what all I want.

May mom is a filipino and my dad is a half korean. When my dad saw my mom in the church, his heart beating fast like he is competing in a race. Then he suddenly put his hand in his heart then he stated himself that he's inlove. Love at first sight in short. Meron pa ba non? Wag ka nangyari sa kanila ea. Well mabait naman sila pero si Daddy. Masyado siyang strict but still kind to me. Strict lang naman siya sa study and may kasabihan sya na "No boyfriend until you finish your study" Puro yan ang bukambibig niya simula nung bata pa ako.

I had one brother but he lived in Korea that's why I'm alone but it's okay with me kase mas sanay akong mag-isa. Mas maganda nga yun para walang magbabawal sa mga ginagawa ko. Honestly, reid is a monster like me but his worst when he get mad. So if i were you, don't get him mad because you won't like it.

Nagpabaya ako because I dont want to live forever in Korea. Boring kaya doon then wala pako masyadong friends because they dont like me because of my fucking attitude. As if I care? Choosy pa sila, sa ganda kong to? Hay naku bahala sila. I dont need them anyway.

 Actually mayroon talaga akong dahilan kung bakit atat akong umuwi sa Pilipinas and thats because-

"Mam, nandito na po tayo" sabi ni manong sabay bukas ng pinto ng kotse.

Istorbo naman to. Napahaba ba ang kwento ko? Di ko man lang namalayan na nandito na pala ako sa mansion namin. Hayyys! Namiss ko ren tumira dito. Osya!

Di nako sumagot sa halip kinuha ko na lng yung bag ko at lumabas na ng kotse. Kinuha na ng mga katulong ang mga maleta ko.

Pagkapasok ko may isang babaeng nakaupo sa sofa at feel at home ha? Sino na naman kaya tong makapal ang mukha? Aba sino pa nga ba, edi ang bestfriend kong walang hiya!

"Bahay mo?" sabi ko sa kanya in a sarcastic tone then sabay irap. Nagulat naman siya at bigla bigla na lang sumisigaw. Kairita!

"Yunna? Is that you?" sabay tingin sakin mulo ulo hanggang paa. 

"Ay Hindi, Anino ko lang to!" sabi ko sabay taas ng kilay sa kanya.

"Harsh mo talaga kahit kailan!" sabi niya sabay pout. Aba nagpapout pa, di naman bagay! Pwe

"Pwede ba tigilan mo nga yang pagpapout mo, di mo kase bagay sarap ingudngod sa pader" sabi ko sabay irap. Harsh ba? Ganyan ako ea! Paki niyo!

"Hay naku Yunna, wala ka pa ring pagbabago! Ang sungit mo pa ren! Psh." Inirapan ako then bumalik sa pagkakaupo.

"Psh. Bakit ka ba nandito ha?" sabi ko na nakataas ang kilay.

"Masama ba na iwelcome ko ang BFF ko?" sabi niya saka nagpout. Isa na lang talaga hihilain ko na yung nguso neto

"Sino ba kaseng nagsabi na iwelcome moko? Aber?" sabi ko at umakyat ng kwarto ko, pagod ako ngayon kaya gusto ko munang magpahinga.

"Psh. Di man lang nagthank you? Sama mo talaga!" sigaw niya pero di ko na pinansin, pagod kase talaga ako ea! I need a beauty rest.



to be continued......

Author's Note: 

First Story ko ito kaya sana magustuhan niyo, yun lang! Salamat :)

Deceitful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon