Yunna POV
Pagkauwi ko sa bahay, sinalubong agad ako ng mga katulong at kinuha yung mga gamit ko.
Dumiretso na ako sa kwarto ko pagkatapos ay nagbihis na ako at nahiga sa kama ko.
Bakit ganun? Nung nakaharap ko siya parang nasasaktan siya at parang nagsasabi siya ng totoo. I saw it through his eyes but there's some part of me na galit na galit at gustong maghiganti. You can't blame me right? He's so damn asshole. Niloko, pinaiyak at sinaktan niya ako. Gusto ko lang naman na iparanas sa kanya lahat ng naranasan kong sakit dahil sa kanya. I'm so vulnerable because of him. He broke my heart into pieces that makes me who I am today. A bitch.
Hindi tama to! Hindi dapat ako maawa sa isang tulad niyang manloloko. Ang dapat sa kanya sinasaktan at pinapahirapan pero... kaya ko ba? Tama! Kaya ko to! Di ba nga ito yung plano ko? Revenge
Di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaisip sa mga nangyari sa amin kahapon ni Carl. Nagising na lang na mag aalasais na ng umaga.
Tumayo na ako at nagunat ng ulo saglit at pumunta na ng banyo tsaka naligo at nagbihis na.
Bumaba na ako at kumain na. Pagkatapos kong kumain, kinuha ko na yung susi ng kotse ko at yung gamit ko.
Pumasok na ako sa kotse at pinaandar ko na ito. I parked my car on my parking area.
Pagkalabas ko ng kotse, may nakita akong kotse na kararating lang na halos katabi lang ng kotseng pinagparkihan ko. Lumabas siya sa kotse niya at niluwa nito si ... Zac? Lumapit ito sa akin.
"Hi! Marunong ka na palang magdrive? Buti pinapayagan ka na ng parents mo na magdrive sa edad mong ganyan?" sabi niya
"Bobo ka ba? Kung di ako marunong magdrive, paano ako makakarating dito? And your right, you're not my parents kaya wag kang makialam." sabi ko sa kanya sabay irap
"Sungit!" sabi niya pero di ko na pinansin at baka mahuli lang ako sa klase ko at iniwan na siya. Papasok na sana ako sa classroom ng biglang may umakbay sa akin.
"What the f*ck?" sabi ko at pilit na tinatanggal yung kamay na nakaakbay sa akin pero di ko maalis at biglang nagtilian yung kaklase ko na nakalimutan kong nasa pintuan nga pala ako.
"Ayieeeeeeeeh!" sabay sabay nilang sabi sa amin. Biglang namula yung mukha ko sa kahihiyan. Nakita kong nakatingin sa amin si Carl at ang sama ng tingin sa lalaking nakaakbay sa akin.
"Get off your dirty hands on me."sabi ko sa kanya at tinignan siya ng masama at napagtantong si Zac na makapal ang mukha pala yung umakbay sa akin.
"Ooops! Sorry!" sabi niya tsaka tinaas yung dalawang kamay niya sa ere.
"No one---" di ko na natuloy yung mga sasabihin ko ng biglang suntukin ni Carl si Zac.
"What the fuck is your problem dude?" sabi ni Zac kay Carl. At sinuntok din ni Zac si Carl. Akmang susuntukin ni Carl ulit si Zac nang magsalita ako.
"Tumigil nga kayong dalawa!" Sigaw ko sa kanila pero sinuntok pa rin ulit ni carl si zac. Yung mga stupidents naman na ito nakatingin lang at mukhang nasisiyahan pa sa nangyayari. Di man lang nag abalang umawat sa kanila. Tss wala kase ako sa mood ngayon kung hindi ako pa yung manununtok sa kanilang dalawa.
"Sige magpatayan kayo dyan. Maganda yan." mahinahon kong sigaw sa kanila. Natigilan naman sila sa sinabi ko.
"O bakit kayo tumigil? Sige ituloy niyo lang nakakaenjoy kayong panoorin e. Live show" sabi ko sa kanila sabay cross arms.
"Hoy ikaw, what the hell is your problem? At bigla bigla ka na lang nanunugod?" naiiritang sabi ko sa kanya
"Now, your asking me what the hell is my problem? Inaakbayan ka ng lalaking ito tapos okay lang sayo? Tapos tatanungin mo kung anong problema ko? Ganyan ka na bang babae ka ha? Magpapahawak kahit kanino? Ang landi mo!" sigaw niya sa akin
"Malandi? Ako? Wow ha sayo pa talaga nanggaling yung salitang yan ha? Anong tingin mo sa sarili mo, sa ginawa mo sa akin? Mas maganda siguro kong sabihin mo yan sa sarili mo. Ako inakbayan lang malandi agad? Anong tawag mo sa nakikipaghalikan sa ibang babae kahit may girlfriend? Ngayon sabihin mo sa akin kung sinong malandi sa ating dalawa? Your son of a bitch! At wala kang pakialam kung sino ang gusto kong humawak o umakbay sa akin. Kaano-ano ba kita?" I slapped him hard as many as I could para maramdaman niya yung sakit na nararamdaman ko pero di ako umiyak kahit gusto kong ilabas yung hinanakit ko.
"What's happening here? Ms. De vara, Mr. Castro and Mr. ... David?"
sabi nung teacher ko at pinagmasdan niya yung mga nasirang upuan na natamaan kanina nung sinuntok ni Carl si Zac."At the principal office. NOW!!" sigaw niya sa aming tatlo.
At the principal office.
"Ms. De vara? Are you the daughter of Mr. Raphael De Vara?" sabi niya habang tinitignan niya ako.
"What do you think?" sabi ko sa matandang may malaking salamin na kaharap ko ngayon at inirapan siya habang nakacross arms
"Kailan pa naging sagot ang isang tanong? Answer my question." sabi niya sa akin at galit niya akong tinignan.
"Yes, she is the daughter of Mr. De Vara the owner of this school." si gago na yung sumagot sa tanong ni tanda.
"Am I asking you Mr. David?" sabi ni tanda kay g*go
"Sorry mam" sabi ni g*go kay tanda
"Alam niyo ba kung anong punishment na makukuha niyo dahil sa ginawa niyo? May nasira pa kayong property ng school." sabi ni tanda at hindi na muling tinanong yung tanong niya dahil wala akong balak sagutin siya.
"Kayong dalawa.." turo niya kina Zac at Carl. "Bakit kayo nagsusuntukan sa loob ng classroom? Nakasira pa kayo ng property ng school at dahil dyan magkakaroon kayo ng punishment."
"Make it faster, tanda. Your wasting my time." sabi ko sa kanya at bigla niya akong nilingon.
"And you Ms. De Vara, di porke anak ka ng may-ari ng school na ito ay magagawa mo na lahat ng gusto mo, at magbigay galang ka sa mga nakakatanda sayo. Bastos na bata. An--" pinutol ko agad siya.
"Shut up! If you'll gave us punishment, then go. Hindi yung sermon ka ng sermon dyan, your waisting my time." sabi ko sa kanya tsaka inirapan
"Wala ka talagang galang ano? Dahil dyan, lilinisin niyong tatlo yung buong 4th year zone. Ichecheck ko kung malinis na at kapag hindi niyo ginawa madadagdagan yung araw na maglilinis kayo then di lang zone niyo kundi buong school na. At wag na wag niyong susubukang mag absent kundi higit pa doon ang matitikman niyo. You will start on monday. Naiintindihan niyo ba? " sabi niya sa aming tatlo.
"Yes mam" sabi nung dalawang ugok.
"WHAT?? I wont do that." reklamo ko kay tanda.
"Sige, wag mong gawin. Papalinis ko sayo ng mag-isa yung buong school." ngisi niya
"Argggghh!" umalis na ako dun sa impyernong kinalalagyan ko kanina baka ano pang magawa ko sa matandang yun.
Lumabas na rin yung dalawa.
"Kayong dalawa. Kayo yung may kasalanan nito. Dapat kayong dalawa lang yung maglilinis." Sigaw ko sa kanila."That's not my fault. Itong si Carl ang sisihin mo. Kung di ba naman biglang nanuntok di mangyayari to." tanggol ni Zac sa sarili niya at hinawakan ang labi niyang may sugat dahil sa suntok
"Dont you dare to touch what's mine." sabi ni Carl at tinignan ng masama si Zac
"Mine? Kayo ba ni Yunna? Sa pagkakaalam ko, matagal na kayong wala ha? Kaya wala kang karapatang sabihan akong pagmamay-ari mo siya." sigaw niya at nagbatuhan pa ng mga mura.
"Shut the fvck up!, I dont need the both of you kaya kung pwede lubayan niyo kong dalawa lalo ka na Carl. I'm not yours and never be yours. Mark that on your empty brain Asshole!" pagkasabi ko nun ay umalis na ako at pumunta na ng parking lot at umuwi na. Sakit sa ulo talaga yung dalawang yun.
@IamAngeeeJoy
BINABASA MO ANG
Deceitful Love
De TodoSadyang napakamapanlinlang ang magmahal. Di mo mamalayan na nabihag ka na pala nito at hindi mo alam kung paano tumakas o makawala mula rito. Ano ang iyong gagawin? Kung nakakulong mula sa nakaraan na dapat ay matagal mo ng kinalimutan ngunit hindi...