Yunna POV
When I wake up, I received a text message agaim from that feeling guy
From: 0905*******
"Good morning. See you later at school ;)" See you later your ugly face!Di ko na siya nirereplyan tuwing nagtetext siya sa akin. I dont know where did he get my number. Geez! Sasabunutan ko yung nagbigay sa kanya.
Naligo, nagbihis at pinatuyo ko na lang yung buhok ko then bumaba na para makakain na ng almusal.
Pagkatapos kung kumain. Kinuha ko na yung gamit ko at sumakay na sa kotse ko then i started the car engine.
Nasa school na ako then i parked my car on the parking lot sa school na may nakalagay na "QUEEN's parking area" Yes tama kayo, talagang may sarili akong parking area at walang sinuman ang pwedeng magpark doon. Pinagawa ko yun kahapon. Bakit queen? Gusto ko e pakialam niyo ba?
Taas noo akong lumalakad papuntang room with my beautiful and gorgeous body. Nang nasa room na ako biglang tumahimik ang lahat dahil sa pagdating ko.
"Ohh! Your so beautiful yunna" sabi nung kaklase kong lalaki na sinang ayunan ng lahat.
"Gorgeous" "Beautiful Yunna" "Sexy!" sabi nila pero di ko na sila pinansin at tinaasan ng kilay. Sanay naman sila na hindi ko sila pinapansin at niisang thank you walang silang narinig mula sa akin.
Pumunta na ako sa upuan ko at bumalik ulit sila sa mga ginagawa nila. Sanay na akong purihin ng ibang tao kahit di ko sila pinapansin.
Sabay ng pagdating ng teacher namin, yung pagdating ni jerk. Pagkatapos ay pumunta na siya sa upuan niya na katabi ng upuan ko.
Habang inaayos nung teacher namin yung gamit niya sa pagtuturo biglang may dumating na halimaw. Di na ako nagulat kung dito siya nagpalipat ng section.
"Good Morning sir. Sorry I'm late." sabi nung halimaw sabay kindat sa titser naming bakla na mukhang kinilig dahil sa ginawa niyang pagkindat. At nagsitilian yung mga panget kong kaklase.
"Ang landi talaga tss" sabi ko sabay irap.
Napatingin siya sa likod at nakita niyang nakatingin ako sa kanya at bigla ko siyang inirapan at ngumiti lang siya nang nakita niya yung katabi ko.
"Hey pre! Musta?" sabi niya at umupo sa tabi ni Zac.
They know each other? Pano nangyari yun? Tss pakialam ko ba? Bahala sila sa buhay nila
"Okay lang pre. Ikaw? Dito ka pala nagpalipat di mo man lang ako sinabihan? haha" sabi ni Zac at naghifive yung dalawa.
"Para isurprise ka hahaha" sabi nung gago at nagtawanan sila. Napairap na lang ako sa kawalan.
"Okay class. before we start, I'd like you to know that you have a new classmate came from other section. I think kilala niyo na siguro siya dahil di naman siya transferee right? Nabawasan yung student sa section B kaya napunta siya dito sa section C." Nagtanguan lang silang lahat sa sinabi ng teacher namin.
"Since di pa kayo nagpakilala one by one, ngayon niyo sisimulan yung pagpapakilala sa mga sarili niyo. Okay magiistart tayo sa unahan." sabi nung teacher namin at umupo na.
Isa isa silang tumayo at nagpakilala isat isa. May mga jolly, mahiyain, maiingay at syempre di mawawalan ng mga pabebe. Sinasali pa nila yung trabaho ng parents, introduce yourself lang nga ea. Ang bobo talaga.
"Hi! I'm Airabelle Enriquez. You can call me aira ganda hihihi" may pahawak hawak pa siya sa bibig niya habang tumatawa at ngumingiti na parang aso. Akala mo naman bagay niya?
Susunod na yung halimaw at nagpunta sa harap. "Hi! I'm Carl David. 16 years old I'm handsome and I know it! Yeah!." sabi niya habang kinakanta sabay kindat sa mga kaklase kong babae at nagtilian at nagsisigaw. Tss
Pumunta na sa harap si feelingerong Zac. Wala pa man nagtitilian na yung mga babae kong kaklase "Yow! I'm Xyrell Zac Castro, 16 years old you can call me Zac or call me yours and i call you mine." sabi niya sabay kindat at tingin sa akin na may pakindat kindat pa at biglang tumili yung mga kaklase at napatingin sa akin.
"Zaczacin kaya kita dyan" sigaw ko sa kanya na ikinatawa ng lahat.
"Hahahahaha, De Vara yan e hahaha" sabi nung mga kaklase ko
"Tama na yan class. Ms. De Vara it's your turn to introduce yourself." sabi ng teacher ko at nagpunta na sa harap.
"May paintroduce introduce pang nalalaman tong baklang to!" sabi ko sabay irap na ikinatawa ng mga panget kong kaklase.
"What did you say Ms. De Vara?" sabi niya habang nakataas ang kilay.
"Ayokong inuulit yung mga sinasabi ko. Di mo narinig? Edi gumawa ka ng paraan para malaman mo." sabi ko sa kanya sabay irap
"Wala kang modo ha? Kay bata bata mo sumasagot ka sa mga matatanda. Gusto mo bang ---" I stop him
"Pwede ba, sinasayang mo lang yung oras ko. Walang akong panahon makinig sa mga sermon mo. Magpapakilala pa ba ako o ikaw na lang dito at sabihin mo yung mga yan sa mga harap nila hanggang mamaya" sabi ko sa kanya sabay cross arms at nakita kong natigilan silang lahat sa mga pinagsasabi ko. At parang umuusok na yung ilong ng teacher ko sa galit.
"Baka gusto mong ipaguidance kita ngayon? Wala kang galang sa guro mo. Bastos na bata. Makakarating ito sa daddy mo" sigaw niya sa akin
"Go ahead! I'mnot scared though. Sasabihin ko rin sa daddy ko na yung teacher ko ay puro sermon lang yung ginagawa at hindi nagtuturo ng maayos at baka mapatalsik ka pa dito sa school KO!" diniinan ko yung salitang KO para mas lalo niyang maintindihan. "Im done." sabi ko sa kanila sabay irap hanggang ngayon ay wala pa ring nagsasalita sa kanila.
Pumunta na ako sa upuan ako at kasabay nun ay ang pagring ng bell, senyales na tapos na yung klase pero di sila natinag. Bawat galaw ko ay tinitignan nila. Kinuha ko na yung gamit ko at umalis na ng room.
Hayy! Iniistress ako ng baklang yun. Tinatakot pa ako. As if naman na matatakot ako sa kanya? Nagpunta na ako sa next subject namin. Bahala sila dun!
Tapos na yung last subject namin. Inayos ko na yung mga gamit ko para makauwi na nang biglang may humawak sa kamay kong maganda.
"Dont you dare to touch me." galit kong sabi at inalis yung kamay ko.
"Can we talk?" sabi nung halimaw na si Carl.
"Do I know you? Wala kasi akong kilalang manlolokong katulad mo." sabi ko sa kanya na nakataas ang kilay.
"Please, talk to me. May gusto lang akong linawin." sabi niya.
"Linawin? Wala ka ng dapat pang linawin dahil malinaw sa akin na niloko at ginago mo ako." sigaw ko sa kanya at inirapan
"Natukso lang ako ni darlene noon kaya sana mapatawad mo ako." sabi niya sa akin at hinawakan yung braso ko na bigla kong inalis.
"Nagpatukso ka naman? Kung mahal mo ako, kahit anong gawing tukso ng malanding higad na yun di ka magpapadala pero anong nangyare? Nagpatukso ka kasi gusto mo rin. Asshole!" sabi ko then i slap him hard. Parang gusto kong umiyak pero pinigilan ko. No. Ayokong makita niya na mahina ako na mahina pa rin ako pagdating sa kanya.
"No. Yunna. Di ko intensiyon na lo----" Pinatigil ko siya sa pagsasalita.
"I dont need your explanation. Just move on. Forget about it." sabi ko sa kanya at kinuha ko na yung gamit ko at umalis na.
Parang nararamdaman kong nagtutubig yung mga mata ko kaya naman binilisan ko yung paglalakad papuntang kotse ko.
Bigla nalang bumuhos yung mga luhang pinipigilan ko kanina. Linangako ko sa sarili ko na kapag nagkita kami ay hinding hindi na ako iiyak dahil sa kanya pero ano to ngayon? Di ko na maintindihan yung sarili ko. Pinunasan ko na yung mga luha ko sa pisngi. Ito na talaga yung huling iyak ko dahil sa kanya, gagantihan ko siya at hinding hindi ako titigil hanggang di ko nakikitang nahihirapan siya. Silang dalawa ng malanding higad na yun.
BE READY Carl David !!!
@IamAngeeeJoy
BINABASA MO ANG
Deceitful Love
RandomSadyang napakamapanlinlang ang magmahal. Di mo mamalayan na nabihag ka na pala nito at hindi mo alam kung paano tumakas o makawala mula rito. Ano ang iyong gagawin? Kung nakakulong mula sa nakaraan na dapat ay matagal mo ng kinalimutan ngunit hindi...