Kyle’s POV
Dahil nga dumada-moves na ako. Hahaha! Shet Kyle, manyak ka talaga. Kidding aside, hindi ito kamanyakan. PAG-IBIG ito. Oo, corny pero paanong hindi ka magiging corny kung totoong nagmamahal ka na diba? Siguro totoo nga yung kapag naiinlove ka, nagiging corny ka. Lalaki ako, pero aaminin ko sa mga oras na ito, kinikilig ako. Hahaha! Nakakahiya ka Kyle!
“Anong oras na ang klase mo bukas?” Tanong ko sa kanya. Nakaupo naman kami sa bench sa F-Park. Marami pa ring tao, yung iba nagjo-jogging, yung iba nakatambay lang.
“Haaay nako! 7AM! Lahat actually except Thursday s, 8:30 AM naman yun. Ang malas!” Inis na sabi niya. Ang cute niya pa rin kahit naiinis. Napangiti tuloy ako.
“Hahaha! Ako 11AM.” Pang-iinis ko sa kanya. Tinignan niya ako ng masama.
“Sige mang-asar ka pa!” Inis na sigaw niya. Hindi ko alam kung tatawa ako o mag-so-sorry pero natatawa talaga ako.
“Ang malas ko na nga, pinagtatawanan mo pa ako. Haaay… For sure eyebags overload na naman ako. Buhaaay!” Malungkot na sabi niya.
“Kahit may eyebags ka man, maganda ka pa rin sa paningin ko.” Sabi ko na lang. O shet! Nadali mo pa yun Kyle, pa-pogi ka! Lol
“Kuya Kyle ha, masyado kang obvious na dumada-moves!” Sabi niya sa akin. Napangiti ako.
“Dumada-moves na talaga ako. Baka maunahan pa ako ng ibang konsehal e.” Mukhang nagulat siya tapos medyo hindi siya nakaimik pero ngumiti din siya. Perooo… Iyong ngiti niya parang hindi totoo. Tanga ka naman kasi Kyle, banggitin mo ba naman yung Dylan ang inyong USC councilor, malamang ayaw niya marinig iyon. Nagsisi tuloy ako sa sinabi ko.
“Sorry.” Mahinang sabi ko. Ngumiti lang ulit siya pagkaraan ay tumayo siya.
“Maglakad ulit tayo?” Tumango ako at tumayo na din. Napapailing ako, dapat talaga hindi ko na binanggit si Dylan.
“Ok lang iyon.” Nagulat akong sabi niya.
“Si Dylan? Wala na iyon.” Sabi niya at ngumiti ulit. Pero yung ngiti talaga niya, hindi umaabot sa mata. Ramdam kong may pain pa rin dun. So ano ang ibig sabihin nun? Hindi pa rin siya nakaka-move on?
“Hindi ko na siya gusto Kyle. Don’t overthink. I don’t care anymore.” Tumango na lang ako at hinawakan ko ang kamay niya.
“Then you’re ready to fall in love with me?” I asked.
“I don’t want to rush things. Ang masasabi ko lang sayo ngayon ay masaya akong kasama ka.” Iyon lang at naglakad na ulit kami.
“Hindi naman kita minamadali, masaya na rin ako sa ganito pero syempre mas masaya kapag… alam mo na.” Binatukan niya ako. Natawa na lang ako. May pagka-brutal talaga tong babae na ito.
“Ikaw ha!” Nasabi ko na lang.
“Kain na tayo?” Tanong ko pa sa kanya. Tumingin ako sa relo ko. 6:30pm na pala. Tumango lang siya at naglakad na kami.
Aly’s POV
Napaka-uncomfortable nitong suot ko at ang aga kong umalis sa dorm. EXCITED MUCH?! Haaayyy nako Aly, sino ba naman kasi ang nagsabi sayo na magpalda ka? ISKERT ISKERT ka pa diyan ngayon aangal ka? Kundi lang isa’t kalahating malantod ka! Haayy nako! E sabi ko na nga diba. Pero I’ll do EBERITING for my Travis. Shet na malagket talaga! Medyo naba-bother din ako sa bangs ko na itinaas ni Shan. Nakakaloka. Feeling ko hubad ako dahil exposed ang noo ko pero joke lang yun. Sobra naman yung hubad. Haha!
Sa O-Park kami magkikita ni Travis. Syempre para masaksihan ni Oble ang muli naming pagkikita. Lol, ang lantod at si Oble pa ang ginawa kong saksi. J Medyo matagal na rin akong nakatambay dito. Hindi pala medyo, matagal na. Excited naman kasi ako diba pero late na talaga siya sa usapan. Flat na ang akng behind sa pag-upo sa bench. Itetext ko sana si Travis nang…