CHAPTER FOUR

21 2 0
                                    

Travis’ POV

Maling mali… Itong nangyayari, maling mali talaga.  Tipong yung past at present mo nagsalpukan, shet para akong nasa tabi ng nagbabagang bulkan. Paano ba ako magpapaliwanag sa taong ayaw naman makinig? At paano ko ba pipigilan ang inis ko dito kay Ina? Bingong bingo na talaga pero kahit bali-baligtarin ko ang mundo, babae siya. Hindi naman ako nananapak ng babae.

“Shit Ina! Anong ginawa mo? Shit!” sigaw ko kay Ina. Hindi ko na alam kung paano ko ilalabas ang inis ko. Gusto kong itapon tong babae na to sa Mt. Makiling!

“Anong ginawa ko? Siya ang may mali. Nakita niya lang tayo na magkasama, nag-conclude agad siya.” Sagot naman niya, sabay irap.

“Hindi ka ba talaga nag-iisip? Akala niya magkasama tayo, samantalang etong pagkain na ito, itong dinner na ito…” Pinutol na niya ako bago matapos yung sasabihin ko.

“Para sa kanya. Alam ko, kaya nga sinira ko na.” Sagot pa niya.

“Shit. Hindi ko alam kung bakit kita nagustuhan noon.” Pailing-iling na sabi ko. Medyo matagal bago siya nakasagot kaya tinitigan ko siya.

“Oh really?” Iyon lang at umalis na siya. This day is really a mess! Travis! Patay ka na talaga ngayon. Tinawagan ko si Aly pero hindi siya sumasagot. Teka… Paano nalaman ni Aly na nandito ako? Samantalang surprise to at hindi ko pa sinasabi sa kanya na dito kami mag-di-dinner. Baka kasi ang tagal mo na Travis kaya hinanap ka na at nakita ka pang kasama mo ang EX mo. Napabuntong hininga na lang ako.

“Take-out na lang yung pagkain. Salamat.” Sabi ko sa waiter. Pagkatapos ay umalis na ako.

What the hell just happened? I fished my phone from my pocket and dialled Aly’s number then cancelled it.

“Oh no. Hindi niya sasagutin.” Then I dialled Shan’s number and sinagot naman agad niya.

“Hoy LALAKE! Magkaka-LECHE-LECHE-flan na ang buhay mo!” Bungad na sigaw niya sa akin.

“Wait, wait. Pwede ba pagsalitain mo muna ako?” Then she stopped nagging.          

“Go.” She just said.

“Where’s Aly?” Mahinahong tanong ko. Papasok na ako n g UP gate.

“Sa kwarto but I guess she’s asleep. Pagod yun sa biyahe and all these stuffs that happened.” Sabi naman ni Shan. Napabuntong hininga ako.

“So Travis, tell me what really happened.” Dugtong pa ni Shan at kinwento ko nga ang lahat ng nangyari mula sa pag-se-set u ng surprise hanggang sa pagsulpot ni Ina at dumating na nga si Aly at nangyari na ang lahat.

“But that was supposed to be a surprise, how did you guys know about it?” I asked.

“Ralph told us.” Ralph?

“Oh really? Ah, aki-paliwanag na lang kay Aly yung nangyari. I wanted to call her first pero baka hindi niya ako sagutin. Thank you.” Iyon lang at binaba ko na ang tawag.

Ralph? Ano na naman kaya ang kinalaman niya sa mga nangyari? Then I called him.

“Where in the hell are you?” I asked with that tone of voice.

Then we met at O-Park. Marami pa ring estudyante at yung iba makikita mo na nag-jo-jogging.

“Bakit?” Tanong agad sa akin ni Ralph.

“Tell me what just happened.” I calmy said. I need to stay calm.

“Just told Aly that you’re at Selena’s.” He said plainly habang nakatayo lang at nakatingin sa malayo.

At First Sight The Second Time (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon