CHAPTER FIVE

17 2 0
                                    

“SECOOOOOOOOOOND SEMMMMMMM!” Sigaw ko agad pagkagising ko. Ang saya lang kasi nakaraos na ako sa first sem at OF na ako.

“O.F. NA AKOOOOOOOOOOO!” Sigaw ko ulit at tsaka ako bumangon.

“What the heck Shan?!” Si Aly ‘yun. Gising na rin at nag-ka-kape.

“Tsk. Tsk. Coffee. Eww Aly.” Sabi ko lang na tipong nandidiri at nagpainit na rin ako ng tubig. Masaya akong tumabi sa kanya sa table.

“Aly! O.F. na tayo! Kaunting kendeng na lang. Gagraduate na tayo! 3 years na lang!” Masayang sabi ko. 7AM talaga ang klase ko pero early bird yata ako ngayon J

“Sino naman ang nagsabi na ON TIME ka ga-graduate?” Tinignan ko siya ng masama.

“Aba! Ang bruhildang Juzenda, nagbabalik!” Sabay inirapan ko siya at kinuha ko na yung mainit na tubig.

“Buhos ko ‘to sayo girl! Hmp!” Bumalik na ulit ako sa table at kumain na din. Tinapay at Milo. Kahirap ng buhay. Paano naman kaya mag-pa-function ang utak ko kung ganito lang ang kakainin ko? For sure LUBAW na naman ako mamaya. As in LUtang at saBAW.

“Ah Aly. Tumawag sa akin si Travis kagabi.” Sabi ko sa kanya.

“Oh my dear Shan. Please, huwag na nating pag-usapan iyan.” Sabi ni Aly.

“But you really need to know na hindi talaga sila magkasama at bigla lang dumating ang malditang epalerks na Ina na ‘yun habang hinahanda ni Travis yung surprise dinner niya para sayo kaya don’t be so sad na, oki?” Nag-beautiful eyes pa ako para sa kanya. Numiti naman ito.

“Oo na! Maligo ka na. CEAT pa klase mo diba?” Nagulat ako. Oh my goodness graciousness. Hindi ko pa nga pala alam kung saan ang room ko sa CEAT. Hindi naman kasi ako Engineering student. EHMERGHERD. -.-

“Waaa! Larga na ako sa banyo!” Nagmadali na nga akong maligo. Buhay talaga. SOSC 1 lecture tapos sa CEAT pa. Anak ng tinapa na kinain ng cobra na akala ko kopra, pero di pala torta! Break it down men!

 Author's Note:

Ito muna for Chapter 5. :) I'm out of creative juices. lol =)) Happy Summer everyone and please appreciate my RAPPING skills. Break it down. :)

Nakakabaliw talaga. At dahil first day, dapat maaga ako dahil sa mga susunod na araw for sure hindi na ako makakabangon pa sa mahal kong kama. Bakit naman kasi kailangan na araw-araw 7AM ang pasok ko? Paano naman kami makakapaglambingan ng kama ko to the max diba? Oh, happiest day ko pala ang Thursday dahil 8:30 ang klase ko nun. Kaloka eveeer! So gumayak na nga ako. Si Aly din naman 7AM kaso sa tabi-tabi lang ni Oble yung klase niya, ako somewhere out there pa nga.

Malamig na damit lang ang suot ko dahil tuloy-tuloy ang klase ko and I need to run from CEAT to another country ang peg ko.

“Leaving?” Tanong sa akin ni Aly habang nagsasapatos ako.

“Yes. Fly na ako Aly. Paalam!” Iyon lang at gumora na nga ako. Paglabas ko pa lang ng gate, may pamilyar na agad na mukha ang bumungad sa akin. Oh why? Lumakas yung kabog ng dibdib ko, tipong hindi ako makahinga. Dylan.

“Hi!” Bati niya sa akin. Grabe, pwede kayang lumakad na lang ako at kunwari hindi ko siya nakita? Pero no way! Binati na niya ako.

“He-hello!” Bati ko din tsaka ako ngumiti. Shan, breathe. Hinga hinga din pag may time.

“7 din klase mo? Ako din Apir!” At bago ko pa maitaas ang kamay ko para makipag-high five kay Dylan ay may biglang humarang. Nakita ko na lang na ngumiti si Dylan.

“Black hair ka na ngayon?” Tanong ni Dylan. Lumingon ako and yes, it’s Kyle. Wait, bakit nandito siya? 11AM pa raw ang klase niya ah?

“Ay hindi halata, Dylan ang inyong USC Councilor.” Sabi naman ni Kyle at hinawakan niya ang kamay ko.

At First Sight The Second Time (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon