CHAPTER SIX

28 2 6
                                    

Shan’s POV

Muntik na akong mamatay! Sunud-sunod yung klase ko at muntik na talaga akong mamatay. Muntik na akong masagasaan ng BISIKLETA kanina. Grabe talaga yung mama. Pinahinto na nga ni Mamang Pulis yung mga jeep tapos siya tuloy-tuloy pa         rin, paano na lang kung nasagasaan talaga ako at magka-blood clot sa utak ko, pero mabubuhay pa rin ako pero magkaka-amnesia. Makakalimutan ko na ang lahat ng napag-aralan ko nung first sem at lahat ng memories ko at sasabihin ko pagkagising ko, ‘Nasaan ako?! Bakit ako nandito?’ tapos sasagot si Aly (pero hindi ko nga siya makilala nung time na ito kasi may amnesia ako) ‘Shan, calm down! Nasa infirmary tayo.’ Tapos tatawagin ni Aly (na random girl lang para sa akin) yung doctor. Pero magwawala ako at sisigaw ng ‘SINO KA! Hindi kita kilala, paalisin niyo ako dito!’ and so on. HAHA! Pero hindi nga yun nangyari kasi hindi naman natuloy na masagasaan ako nung bike kasi nga naka-preno naman siya.

So pauwi na nga ako sa apartment. 4:32 PM na at tapos na ang klase ko kanina pang 4PM, pero lumarga larga muna ako at naghanap ng gwapong prospect. Pero secret lang natin yon, kasi pag nalaman ni Aly, sesermon-an na naman niya ako. Hahaha!

Nahiga ako pagkadating sa apartment. Wala si Aly. Hanggang 5:30 pa yata ang klase niya. Haay. Katamaders naman mag-isa. Uhh… What to do? What to do? So tumayo na ako sa kama at pumunta sa sala/kusina/dining area. Nagpatugtog ako at nag-Harlem Shake. Okay, sorry na talaga. Masama bang mag-harlem Shake? Edi Gangnam Style na lang.

Todo emote ako sa pag-ga-Gangnam nang…

“Hoy Shanaiah! Hahahaha!” Napahinto ako sa kagagahan ko at napatingin sa pinto. Si Kyle nasa pinto at tumatawa. Naramdaman kong nag-init ang parehong pisngi ko. WATDAHELL!

“KYLEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!” Sigaw ko. Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin sa kahihiyan.

“Wait, wait! Bakit ka ba tumatawa?!” Inis na sigaw ko pero siya tawa pa rin ng tawa. Pumasok na siya ng tuluyan sa unit namin at umupo.

“Kailan ka pa nagsimulang sumayaw ng Gangnam?” Natatawa pa ring sabi niya.

“Masama na bang magsayaw kapag wala kang magawa at wala kang kasama sa apartment?! Aish.” Inis na sabi ko sabay irap.

“Joke nga lang. Promise, hindi na ako tatawa.” Sabi pa niya habang nakataas ang kanang kamay niya. Inirapan ko lang ulit siya at umupo na rin ako.

“So anong nakain mo at bigla kang pumunta sa apartment ng isang nag-iisa at malungkot na dalaga sa mga oras na ito kung kailan siya ay nagsasayaw na dapat siya lang talaga ang nakakaalam?” Mahabang tanong ko. Wala lang, gusto ko lang siguro isummarize ang mga nangyari nang mga ilang minute na ang lumipas.

“Wait, wait. Ang haba. First, ang kinain ko bago pumunta dito ay bananacue. Naalala lang kita at dinalan na rin kita ng bananacue at na-sense ko kasi na ikaw ay nag-iisa at malungkot kaya ako napapad sa apartment na ito at sa hindi inaasahang pangyayari, naabutan ko ngang nagsasayaw ka.” Natatawang sagot niya sabay abot ng bananacue.

“Nung mga panahong ito, mukhang gusto ko ng mag-transfer sa turon.” Sabi ko tsaka ko unti-unting nilantakan ang bananacue na binigay niya.

“Shall I take note of that?” Tumango lang ako.

“Wala ka bang klase?” Tanong ko sa kanya. Late na nga yung klase niya kanina tapos wala na siyang klase? UNFAIRRR!

“Meron pa po miss. Kaya huwag mong isiping unfair. Hanggang 7PM klase ko.” Sagot niya sa tanong ko at sa sinasabi ng isip ko.

“Oh wait! Anong nangyari sa date niyo ni Dylan kanina?” Masayang tanong ko. Muntik ko ng makalimutan na iniwan ko nga pala sila kanina.

“Una, dapat hindi mo ako iniwan kasama si Dylan ang inyong USC Councilor. Ikalawa, hindi date ang tawag dun. Ikatlo, walang nangyari.” Iritang sabi niya. Naubos ko na yung bananacue na binigay niya. Takaw much ko talaga.

“Ikaw naman. Huwag ka ng magalit sakin. Male-late na talaga kasi ako nun.” Hinawakan ko siya sa balikat.

“Hindi naman ako galit. Pero bakit ayaw mo pa rin siyang kasama? Gusto mo pa siya?” Oh yeah. This is what I don’t like. Kapag nagdrama na itong si Kyle.

“Hindi ko na siya gusto. Ang dahilan lang talaga ay male-late na ako. Tsaka ang bagal niyo kaya, kung anu-ano pang non-sense ang pinag-uusapan niyo.” Tinignan niya lang ako at hindi sumagot.

“Kuya Kyle, It’s true. Nagulat nga ako kasi wala na talaga. Kahit noong nakita ko siya kanina, wala na yung feeling na yon.” I said sincerely.

“Oo na. Oo na.” Sabi niya sabay kurot sa magkabila kong pisngi.

“Pero totoo yun. Swear.” Pagkasabi ko non ay tumayo na siya.

“Papasok na ako. Ayokong ma-late.” Ngumiti siya. Parang ngumingiti din yung mga mata niya.

“Ingat lang.” Malapit na siya sa pinto noon. Sumunod naman ako at ipinagbukas ko siya ng pinto.

“Thanks Shanaiah.” Tsaka niya ako niyakap. Nagulat ako pero niyakap ko na lang din siya. Una siya bumitaw.

“Alis na ako. Naka-goobye hug na ako e. Bye!” Iyon lang at umalis na nga siya. I felt myself blush. He’s sweet an playful so how can I even resist his charm? Bigla namang dumating si Aly noon. Nakalingon siya noon at nakita nga si Kyle tsak pumasok sa unit.

“Ano namang ginawa ni Kyle ito?” Bating tanong sa akin ni Aly at tsaka niya binaba ang Jansport bag niya sa upuan.

“Nagdala ng bananacue.” Sagot ko with my ngiting-ulol-na-aso smile.

“Hoy Shan! Huwag ka ngang ngumingiti ng ganyan, kinikilabutan ako sayo. Nakakadiri ka!” Sigaw sa akin ni Aly tsaka pumasok na siya sa kwarto.

Aly’s POV

Sarap mahiga pagkatapos ng first day of classes. If Travis isn’t existing maybe I would end up marrying my mattress. Gosh. Konting preno! Kasal na agad?! Okay, I’ll repharse it, if my relationship with Travis won’t work, I’ll end up marrying my mattress. Better. No. no. Rephrase ulit. If my lovelife won’t be good to me, I’ll end up marrying my mattress. PERFECTO!

Sinuntok suntok ko ang likod ko, sakit e. Feeling ko magkaka-total brain malfunction ako ngayong sem. Haha! Bigla kong naalala yung sinabi ni Travis na tatawag siya. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at nilakasan ang volume para sa incoming call. Matutulog muna kasi ako at baka tumawag siya.

Tingin ako ng tingin sa cellphone ko dahil nga baka tumawag siya. Haay nako. Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa pagtulog dahil sa sinabi niyang tatawag siya. Please lang Aly. May klase pa kasi siya diba? Naglaro na lang ako ng candy crush sa phone ko dahil hindi rin naman ako makatulog. Pero mas nabadtrip lang ako nung naglaro ako. WATDAHELL?! Paano mo ba naman ma-i-ki-clear yung mga lintik na jellies kung padami ng padami yung mga lintek na tsokolate na yon?! Mababaliw na yata ako.

Naglalaro pa rin ako nang biglang tumunog ang phone ko. Syempre ako sagot agad.

“Travis?” Mahinahon na sabi ko habang yakap-yakap ko yung isang unan.

“ANONG TRAVIS?! HAAY NAKO JUZENDA! Ikaw baga’y may sapak na! TRAVIS YOUR PEYS!” Sigaw ng kausap ko. Tinignan ko yung pangalan ng caller sa phone ko. ASDFGHJKL! Si Shan pala. Nakakahiya ka Alyy!!!!!

“Ano ka ba Shan! Eh magkasama lang tayo e bakit ba tumatawag ka pa!” Galit na sabi ko. Hinagis ko yung unan na yakap ko sa sobrang inis at pagkapahiya.

“E bakit ba nagagalit ka sakin?! DISAPPOINTED KA BA NA HINDI AKO SI TRAVIS?! HAHAHA!” Tumawa pa ito ng malakas. Bwisit talaga tong babaeng ito.

“Bakit ba kasi tumatawag ka?” I rolled my eyes. Kainis talaga.

“Wala lang. Sige bye.” Iyon lang at binaba na nga niya. Lumabas ako ng kwarto pero wala na nga siya sa apartment. Saan naman kaya pumunta yun?! Tinawagan ko siya at sinagot naman agad niya.

“NASAAN KA BA?! Hindi ka man lang nagsasabing aalis ka!” Sigaw ko sa kanya.

“Nako Juzenda. Kaya nga ako tumawag sayo kanina para sabihin ko kaso nagsisigaw ka na at puro ka Travis!” Iyon lang at binaba na niya ulit ang tawag. Sira ulo talaga ‘tong babae na to. Haay nako, kung hindi ko lang talaga to bespren e matagal ko na siyang pinahalik sa lupa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

At First Sight The Second Time (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon