Kyle’s POV
I received a text from Shanaiah. Iyong tipong excited, ako na iyon. Matagal ko rin kasing pinigilan na i-text siya o tawagan. Gusto ko kasing bigyan siya ng oras na makapag-isip. At syempre mag-move on kay Dylan ang inyong USC councillor. Pero hindi ko talaga naisip na iyong Dylan na kakilala ko at yung sinasabi niya, iisa. Kahit kailan talaga hindi pumasok sa isip ko iyon. Medyo natatanga yata ako that time. Nagreply ako kay Shanaiah. Nasa Calamba na daw kasi siya.
______________________________________________________________________________
MESSAGE:
I’m so excited to see you. <3
______________________________________________________________________________
Tapos sinend ko na. Tumayo ako sa kama at pumunta sa cabinet. Nagbihis ako. Syempre medyo pumorma. Pa-pogi e. Halos 3PM na pagtingin ko sa orasan.
______________________________________________________________________________
REPLY:
Me too! Magkita tayo sa F-Park! I’ll text you kapag papunta na ako dun. J
______________________________________________________________________________
Sabi niya. Hindi na ako nag-reply. Huminga ako ng malalim. Hindi ko na kasi maitago ang excitement. Ang tagal ko siyang hindi nakita at ngayon, mamaya, makikita ko na siya ulit. Ang hirap kaya sa loob na iyong taong pinaka-importante sayo ang tagal mong hindi makita. Alam mo yung feeling na para kang mababaliw? Pero syempre joke lang iyon, hindi naman ako parang mababaliw. OA na masyado iyon. Basta malungkot.
♪♪ She’s the girl that no one ever knows…
I say hi but she’s too shy to say hello.
She’s just waiting for the one… ♪♪
Nagulat na lang ako nang may tumatawag pala sa akin…
Kinuha ko yung phone ko na nilagay ko sa ilalim ng unan ko. Si Shanaiah yung tumatawag.
“Kuya Kyle! Nasa apartment na ako!” Masayang sabi niya. Napangiti na naman ako.
“Tara na ba?” Tanong ko na tipong kinakabahan.
“Wait lang! Ayusin ko muna yung gamit ko. Pero bibilisan ko talaga! Swear!” Sabi niya. Sabi ko na nga ba, gusto rin niya akong Makita. Pag-ibig talaga… lol.
Shanaiah’s POV
Nag-ayos ako ng gamit. Grabe, parang ang bilis ng isang buwan. Nandito na naman kami sa mansion namin dito sa LB. Este apartment. Taghirap na naman sa pagkain. Tss…
“Aly!” Tawag ko sa kanya. Busy siya sa maleta niya. Kasi naman parang naglayas. Buong cabinet yata dala niya.
“Why? Can’t you see, I’m busy!” Sigaw niya. Sus. Kung alam ko lang madaling madali din itong mag-ayos ng gamit niya para makita si Travis. -_____- Busy yourself Aly. Sapak, gusto mo? >.<
“I just want to ask kung anong oras kayo magkikita ni Travis!” I exclaimed. Nakita kong namula siya. Ay sows ginoow! Meganun? Nekekeleg lang?!
“After I finish organizing my things.” Medyo mahinang sabi niya. Hindi na iyon pasigaw. My gosh. Napaamo ni Travis ang amazonang ito. Napa-iling na lang ako sa naisip ko.
“E kayo ni Kyle?” Tanong nito.
“Pagkatapos ko lang din mag-ayos ng gamit. You know, ang tagal naming hindi nagkausap.” Sabi ko. Ang dami ko ding gustong itanong kay Kyle. Mostly tungkol kay Dylan. Kung paano sila nagkakilala pero sa tingin ko parang hindi naman tamang itanong ko iyon. Bakit ko pa ba kailangang malaman diba? Nakapag-move on na ako. So better if hindi ko na iyon itatanong. Wala na kaya akong pakialam! WALA talaga.