Chapter 2

12.4K 254 7
                                    

***second chapter na!! I will appreciate if magbibigay kayo ng komento, positibo man o negatibo. I'm writing a story because I wanted to learn and improve my writing skills (kung meron man). :D thanks!

Chapter 2

PAGKAPASOK ni Marcus sa loob ng kaniyang unit na nasa isang eklusibong gusali sa siyudad ay mabilis siyang tumuloy sa kaniyang kwarto at humiga sa kama. Pagod na pagod ang kaniyang katawan.


Dalawang araw pa lamang siya sa Davao City ay parang gusto na niyang umalis at magbakasyon. Ilang meetings, planning with the developers and site inspections din ang kaniyang ginawa sa loob ng mga araw na iyon. Magtatayo kasi sila ng isang mall at hotel. It's a multi-million pesos project at gusto ng kaniyang ama ay siya ang personal na mamamahala dito.


Bilang panganay na anak, sa kaniya mapupunta ang pinakamalaking bahagi ng kumpanya oras na bumaba sa pwesto ang kaniyang ama bilang Presidente at ang may pinakamalaking share. Their family owns several businesses across the country including mall chains, export and import, and a network company.


Yes, they are very wealthy. Pwede na ngang hindi siya magtrabaho for the rest of his life. Pero malaking responsibilidad ang nakaatang sa kaniyang mga balikat bilang panganay na anak sa tatlong magkakapatid. At the age of 30, marami na siyang napatunayan sa kaniyang mga magulang. With his expertise in business, mas napalago niya ang kanilang mga ari-arian.


I need someone to warm up my bed. Ilang araw na ba siyang busy? Mukhang isang buwan na siyang hindi nakikipag-date.


All work and no play makes Marcus a dull boy. Sa isip niya at mapait na ngumiti. Huminga siya ng malalim. Maybe one of this days ay tatawagan niya ang isa sa mga ka-flings niya at papuntahin dito.


Nang bigla niyang maalala ang nangyari kanina sa parking lot. Biglang may gumuhit na ngiti sa kaniyang mga labi. He found it amusing.


Earlier...

PAPASOK na sana siya sa loob ng building ng bigla siyang makarinig ng iyak ng babae. Aalis na sana siya baka kasi guni-guni niya lang pero ng paglingon niya ay nagmumula iyon sa loob ng isang itim na kotse. Tinted ang mga bintana nito kaya't hindi niya makita ang nasa loob nito.

The Brokenhearted Davaoeña Meets The Billionaire ManileñoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon