Chapter 6

10.9K 244 6
                                    

*** I dedicate this chapter to Donna. hehe





Ilang araw ang lumipas at ni anino ni Marcus ay hindi na niya nakita mula noon.

Ano na kaya ang nangyari sa bakulaw na iyon? Ngunit dagli naman niyang pinalis ang nasa isip. Hindi man niya aminin sa sarili ay parang may kung ano na siyang nararamdaman dito. And his absence made her heart grow fonder.

Binibisita niya ng araw na iyon ang isa sa mga branch ng Sam's. Papalabas na siya ng shop ng biglang may humarang sa kaniyang dinaraanan.

What the hell?!

It was Michael.

"Honey..." Nagsusumamo ang tinig nito. Malaki din ang ipinagbago ng anyo nito. Parang pumayat ito at ilang taon ang biglang nadagdag sa edad.

Bigla siyang kinabahan. Medyo walang tao sa bahaging iyon.

"Huwag kang lalapit. Tapos na sa atin ang lahat." Matigas niyang sabi dito. Strangely ay wala na siyang nararamdaman sa lalaki. Parang bulang biglang naglaho ang lahat ng kaniyang naramdaman dito.

Ngunit humakbang ang lalaki palapit sa kaniya.

"P-please.." Nanginginig na ang kaniyang boses. Bigla siyang sinalakay ng takot.

Mula sa likod ng bulsa nito ay may dinukot itong isang panyo. Mabilis siya nitong sinunggaban at saka ay mariin nitong tinakpan ang kaniyang bibig.

May iba siyang naaamoy sa panyo. Bigla ng nagdilim ang lahat sa kaniya.


NAGLILIPAT ng mga gamit si Marcus from his pad to the new house he bought in the city. Mukhang matatagalan siya dito kung kaya ay bumili na siya ng sarili niyang bahay. Kailan lamang niya ito naasikaso sa tulong narin ng kaniyang assistant. Kagabi lamang siya nakabalik sa Davao galing Manila.

Noong gabing galing siya sa bahay nina Samantha ay biglang tumawag ang kaniyang kapatid na si Andrew, may problema sa mga shipments nila at kailangan niyang bumalik ng Manila para ayusin ito. Hindi pupuwedeng maantala ang construction dahil gipit na sila sa panahon.

Noong gabing din iyon ay tinawagan niya ang kaniyang personal na piloto na ihatid siya nito sa Manila. Ilang araw siyang naglagi doon na puro trabaho ang kaniyang inatupag. Bigla naman siyang tinawagan ni Trisha, one of his flings, ng malaman nitong nasa Manila na ulit siya. But strangely, parang wala siyang gana na makita ito o ang isa sa mga babae niya.

When suddenly he remembered the passionate kiss he shared with Samantha. The little witch seems to have controlled his feelings. Damn! What happened to the popular playboy in town? Umiiling siya. Hindi ito maaari.

Nang masigurong wala na siyang naiwan sa kaniyang pad ay isinarado na niya ang pinto at naglakad na papunta sa parking lot. Sa isang sulok ng corridor ay may nakita siyang katawan ng isang nakatalikod na lalaki na may kinakargang babae.

Hindi niya nalang sana papansinin iyon dahil baka mag-asawa kung hindi niya nakita ang mukha ng babae.

Samantha!

The Brokenhearted Davaoeña Meets The Billionaire ManileñoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon