Chapter 11

9.4K 197 1
                                    

***Malapit ng matapos! :)

PAGMULAT ng mga mata ni Samantha ay nabungaran niya ang isang hindi pamilyar na silid. 

Sumasakit ang bahagi sa kaniyang kanang balikat nang sinubukan niyang gumalaw.

Ilang oras ba akong nakatulog?

"Stay still. Huwag kang masaydong gumalaw. Baka dumugo na naman iyang sugat mo." Nilingon niya ang baritonong boses.

"J-Joshua! Maraming salamat nga pala sa pagliligtas mo sa akin." 

Ngumiti ito. "Mabuti nga at hindi pa ako masyadong nakakalayo kanina ng marinig ko ang putok ng baril. By the way, nandito ka nga pala sa hacienda ko. Dito na kita dinala dahil malayo pa ang hospital dito. Ang nagtahi ng sugat mo at ang kumuha ng bala ay ang kaibigan kong doktor na malapit lamang dito ang bahay. Mabuti at naabutan ko pa siya bago siya pumunta ng hospital." Paliwanag nito. Nang biglang tumiim ang anyo nito. "Do you know her Sam?"

"H-hindi. I haven't seen her before. But she mentioned someone I knew." Naguguluhan pa rin siya sa mga nangyari kanina. Bakit kilala ng babae si Marcus?

Tumango ito.

"If you are interested to know her, we can go to the precint. Pero sa ngayon ay kailangan mo na munang magpahinga. Magpapadala ako dito ng makakain, mukhang nalipasan kana." Tumayo ito. "Lalabas na muna ako, if you need anything just use that." Itinuro nito ang isang buzzer na nasa katabi ng kama. 

"Thanks Joshua. I guess ang laki na ng utang ko sa iyo."

"Silly. No worries." Saka lumabas na ng silid.




HABANG kumakain si Samantha ng kaniyang hapunan sa loob ng silid ay hindi niya maiwasang mag-isip sa mga nangyari kanina. Sino nga kaya ito at bakit nito kilala si Marcus?

 

Nasa ganoon siyang pag-iisip ng biglang may kumatok at bumukas ang pinto at iniluwa si Joshua na may kasamang tatlong lalaki.

"Samantha, this is Colonel Robles. Sorry to disturb you. May itatanong lang sana siya sa iyo." Paniunang sabi ni Joshua.

"No, it's okay Josh. Hello po." Nag-aalang niyang bati sa mga bagong dating.

"Ms Samantha Madrigal?" Paniniguradong tanong sa kaniya ng isa sa mga ito. Mukhang may edad na ito ngunit matikas pa rin ang katawan.

Tumango siya. Bigla namang lumiwanag ang mukha nito. Tila ilang taon ang natanggal sa edad nito. Ngumiti ito at saka ay nagsalita.

"Matagal ka na kasing ipinahahanap sa amin ni Mr Lopez. Halos suyurin na naman ang buong Pilipinas makita ka lang."

The Brokenhearted Davaoeña Meets The Billionaire ManileñoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon