Chapter 10

9.9K 198 2
                                    

*** Love. Love. Love. Happy birthday Babylou B!



MABILIS na pumasok sa loob ng banyo si Samantha at isinuka ang lahat ng kaniyang kinain. It's been a month since she left the city.

Mabuti na lamang na noong araw na umalis siya ay dala niya ang kaniyang wallet na may lamang credit and debit cards kung kaya't nakapag-withdraw siya ng napakalaking pera para ibili ng mga gamit. Ang kaniyang kotse ay basta na lamang niyang iniwan sa tabi ng terminal ng bus.

Isang buwan na rin siyang namumuhay sa Buda. Ito ay nasa gitna ng Davao City at Bukidnon. The moment she reached the place, she immediately loved it.

Malamig ang lugar at walang polusyon. Tahimik rin ang pamumuhay ng mga tao dito. Simple lamang. This place was known as the Little Baguio of Mindanao.

Bihira ang kuryente sa lugar, ngunit buti nalang ang rest house na kaniyang narentahan ay meron. Kumpleto sa nga gamit ngunit malayo sa kabihasnan.

Butil-butil na pawis ang namuo sa kaniyang noo. She needed to see a doctor. Ilang araw na siyang ganito. Nagsusuka at minsan naman kapag bigla siyang nakakaamoy ng sibuyas ay bumabaligtad agad ang kaniyang sikmura. Nagkahinala na siyang baka buntis siya, na baka nag bunga ang isang gabing may nangyari sa kanila ni Marcus.

Huwag naman sana. May bata pang madadamay sa kaniyang ginawang pag-iiwan sa lalaki. 

She deprived herself from the news. Kahit kailan ay hindi niya sinubukang buksan ang tv o ang radyo. Ang kaniyang tanging libangan ay mamasyal, magpinta at ang makipag-usap sa mga katutubong naroon.

Minsan ay tumatawag naman siya sa kaniyang pinagkakatiwalaang mga tauhan para kumustahin ang mga ito. Mahigpit niyang ipinagbilin dito na kailangang walang makaalam sa ginamit niyang numero at na tumawag siya.

Isang buwan na rin niyang tinikis ang mga magulang. She missed them. Alam niyang nag-aalala na ang mga ito, and the text she sent them was not enough. She decided to call them later pagkatapos niyang magpatingin sa doktor sa bayan.




"CONGRATULATIONS, Ms Madrigal! You're 3 months on the way." Nakangiting pahayag sa kaniya ng doktor matapos siyang maeksamin.

Natulala siya. Nagbunga ang isang gabing pagniniig nila ni Marcus. Wala sa sariling nahawakan niya ang kaniyang impis pa na tiyan.

Paano na ito? She can always take care of the baby pero paano kung malaman ni Marcus na magkakaanak na siya tapos kunin sa kaniya ang bata? She will not let that happen! She will fight for her child! Pero paano naman niya palalakihin ang anak na walang kinikilalang ama? Nahulog siya sa malalim na pag-iisip.


GABI na ng makauwi si Samantha sa tinitirahang rest house. Pumunta pa kasi siya sa bayan para bumili ng mga supplies at pagkain.

The Brokenhearted Davaoeña Meets The Billionaire ManileñoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon