Chapter 12

16.2K 370 34
                                    

***Oh ayan, tapos na!

MADALING araw na nang sapitin nina Samantha ang kanilang bahay. Nakatulog siya sa haba ng biyahe at yugyog ng ama sa kaniyang balikat ang biglang nagpagising sa kaniya.

"We're home." Inaantok man ito ay nakangiti parin.

Dali-dali niyang inayos ang sarili. Bumaba siya ng sasakyan at sumunod na sa ama na nauna nang bumaba.

Tahimik ang paligid ngunit nakasindi naman ang ilaw sa bahay. Pagkapasok sa loob ay naabutan niya ang ama't ina na nagyakapan. Nang makita siya ng ina ay dali-dali itong bumitaw sa kaniyang ama at niyakap siya. She missed her mother so much.

"Welcome home, baby." Naiiyak na sabi ng ina at sinapo ang kaniyang mukha. "You should sleep more. Bukas na ulit tayo mag-usap." Nakangiti habang naluluha na sabi nito sa kaniya.

Tumango siya.

"I love you ma, pa." Matapos mahalikan ang mga magulang ay pumunta na siya sa kaniyang silid.

Pagsapit niya sa kaniyang silid ay napakunot-noo siya.

What are these things??

Marami ang nagkalat na mga kahon sa loob ng kaniyang kwarto. Isa-isa sa mga ito ay nakabalot sa magagandang mga gift wrappings. Nilapitan niya ang isang kahon na malapit sa kaniyang kama. May card iyon, kinuha niya at binasa ang naroong mensahe.

Best Wishes. Iyon ang nakasulat sa card. Kumunot ang kaniyang noo, di ba nga ay umalis siya dalawang araw bago ang kasal? Hindi ba naabisuhan ang mga bisita na hindi na matutuloy ang kasal nila ni Marcus?


PAGKAGISING ni Samantha kinabukasan ay alas-diyes na ng umaga. Matapos maligo at magbihis ay lumabas siya. Marami siyang mga katanungan sa mga magulang.

"Good morning ma, pa." Bati niya sa mga ito. Naabutan niya ang ina na nagluluto sa kusina at ang ama naman ay nagbabasa ng dyaryo sa may dining table.

Nang bigla siyang makaamoy ng hindi nagustuhan ng kaniyang sikmura. Mabilis siyang tumakbo patungo sa kaniyang kwarto habang nakatakip sa kaniyang bibig ang kanang kamay. Nagkatinginan naman ang kaniyang magulang.

Ilang sandali rin siyang nasa loob ng banyo at inilabas ang kinain niya ng nakaraang gabi. Butil butil na pawis ang tumulo mula sa kaniyang noo. Biglang bumukas ang pinto ng kaniyang kwarto at nag-aalalang pumasok ang ina. Natutop nito ang bibig.

"A-are you pregnant?"

Marahan siyang tumango. Lumapit siya sa gripo at nilinis ang mukha.

Biglang nangilid ang luha ng ina. Nilapitan siya at niyakap.

The Brokenhearted Davaoeña Meets The Billionaire ManileñoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon