Chapter 7

11.1K 256 5
                                    

*** Love moves in mysterious ways. :)

FYI: DRAFT





Pagkagising ni Samantha ng umagang iyon ay parang napakasakit ng kaniyang buong katawan. Ilang beses ba nilang inulit iyon? Dalawa? Tatlo? She lost count.

Bigla niyang nilingon ang kabilang bahagi ng kama, only to find out that Marcus was also staring at her.

Parang bigla siyang binalot ng pagkapahiya kung kaya ay ipinagpasiyahan niyang tumayo na at maligo. Bago pa man siya makaalis sa kama ay hinawakan nito ang kaniyang braso.

Napatingin siya dito.

"Marry me." Seryoso ang mukha nito. Walang mababakas na ibang emosyon dito.

Napanganga siya. Seryoso ba ito sa mga pinagsasabi nito? She didn't know how to react. Yes, they did sex. But was it because of love? Hell no, pero alam niyang may nararamdaman siya para dito. Hindi niya pa alam kung ano iyon. Pero ang lalaki ba ay mahal siya? Umiling siya. Hindi niya kayang mapakasal sa isang lalaki na walang pag-ibig na namamagitan sa kanilang dalawa.

"No." Mahina niyang usal. Binawi niya dito ang braso at nagmamadaling pumasok sa loob ng banyo. Hindi na niya hinitay na magsalita pa ulit ito.

Pagkasara ng pinto ay inilapat niya dito ang likod. Napatulala siya. Was he serious? But why?



PARANG biglang sasabog si Marcus. He just proposed yet he was rejected! This was his first time. Kung ibang babae pa siguro ang pinag-alayan niya ay baka pumayag na ng walang pagdadalawang-isip. Ang ibang mga babae ay halos ginagawa na ang lahat mapikot lang siya.

But he will never back down. How can this little witch decline his proposal? Tumiim ang kaniyang mga bagang habang nakatingin sa saradong pinto ng banyo.

He will plan the wedding whether she liked it or not!

Mabilis siyang lumabas at tinungo ang isang guest room. Pumasok siya sa shower room at naligo. Marami pa siyang bagay na kailangang asikasuhin sa araw na iyon pero ang una sa listahan ay ang ihatid si Samantha sa bahay nito at sabihin kay Xander ang balak niyang pakasalan ito. He knows her father will immediately agree oras na malaman nito na may nangyari sa kanila ng anak nito.

Isang ngisi ang bumalatay sa kaniyang mukha.



PAGLABAS ni Samantha sa banyo ay wala na ang lalaki. Katatapos lamang niyang maligo at dali-daling niyang kinuha ang mga nagkalat niyang damit sa ibabaw ng kama at sahig. Nang bigla niyang mamataan ang ebidensiya ng nakaraang gabi. She was no longer a virgin.

The Brokenhearted Davaoeña Meets The Billionaire ManileñoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon