Chapter 4

18 1 0
  • Dedicated kay Mary Ann Rivera
                                    

Bakit madilim?

Ano to? Unti unting lumiliwanag...

"Sino ka?" Tanong ko tapos tinakip ko yung kamay ko sa mukha ko kasi nasisilaw ako.

"Asan yung wedding dress? Yung may hawak ayun ang susunod..." Sabi nya ng medyo pabulong na maganda ang boses nya.

"A-Anong susunod?" Tanong ko. Kinakabahan talaga ako ehh...

"Sya yung--"

"HOY! WINKY!!! GISING NA!!!" Ayyy! Nalaglag ako sa kama... Si Cassandra Alexis Delgado or Cassie Delgado for short, best friend ko na di ko alam kung talagang kaibigan ko sya...

"Anu ba? Ang aga aga naman Cassie ehh..." Sabi ko tapos kinakamot ko pa yung ulo ko.

"Anung Ano Ba?! Ehh nangako ka na sasamahan mo ako ngayon..." Sabi nya tapos hinila nya ako papuntang banyo.

Nak ng? Anubeyen... Pero ang weird ng panaginip ko... Ayoko ng alalahanin yan...

So, naligo ako and nagbihis...

Anyway, ako nga pala si Winkle Rose Ambrosia. Mahirap lang ako at nakikitira lang ako sa condo unit ni Cassie. Ehh dito ako sa Maynila nagttrabaho. Buti nga kahit mahirap ako tinanggap pa rin ako ni Cassie. Kaya Labs na labs ko yang best pren kong yan ehh.

Haaaaay... Andito na kami ngayon ni Cassie sa botique dun sa papagawan nya ng gown.

"Huuuy! Winky!!! Bagay ba?!" Sabi ni Cassie. Wow! Ang ganda infairness... Mukha syang prinsesa...

"Oo naman..." Yun lng ang sabi ko. Inaantok pa kasi ako ehh...

"Ok Miss... I'll take this..." Sabi nya tapos balik na naman sila sa dressing room.

"WIIIIIINKYYYYY!"

"Ayy Baboy! Anu ba Cassandra? Kitang natutulog yung tao ginigising mo..." Sabi ko tapos binaba ko ulit ung ulo ko.

Zzzzzzzzzzzzzzzzzzz--

"WIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNKKKKKKKKKKKKKKKKKYYYYYYYYYYYYYY!!!" Sigaw nya. Halos mabulabog na ang buong boutique sa kanya ehh...

"Oo... Eto na. Eto na..." Sabi ko tapos tumayo na ako.

Turo sya ng turo. Ako naman tungo lang ng tungo...

"Halika na nga! Starbucks muna tayo!!! Para magising ka... Miss, balik kami maya..." Sabi ni Cassie. Tapos hinila nya ako sa may starbucks sa tapat.

Haaaaaaay... Nako!!!

Wedding DressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon