<Terrence's POV>
"Lika na..." Sabi ni Winkle sabay hila sakin palabas
"Ahh... S-Sige.." Sabi ko sabay kamot sa ulo.
Anubeyen!!! Eto namang si Cassie binitin pa yung time ko with Winkle -___-
Pabalik na kami ni Winkle nung--
*Swooooooooooooooooooooooooooooosh*
<A/N: Sound effect ng kotse na dumaan na mabilis sa may harap ni Winkle.>
Buti bigla kong nahawakan si Winkle pabalik. Yun nga lang--
Napatong ako kay Winkle...
Pulang-pula ung mukha nya...
Ang ganda ganda nya...
Parang may anghel--
"Umm... Terrence, pede ka ng tumayo..." Sabi nya. Nahihiya sya sa posisyon namin.
"A-Ay... Sori..." Sabi ko sabay tayo tapos tinulungan ko syang tumayo.
Bumalik na kami sa boutique...
"Wiiiiinkyyy!!!!" Sabi ni Cassie sabay yakap kay Winkle.
"O-Oy! Anu ba yang ginagawa mo?" Sabi ni Winkle kay Cassie.
"Anung nangyari sayo? Ok ka lang ba? May ginawa ba sayo si Terrence? Binugbog ka ba? Sinapak--"
"Anu ka ba Cassie! Ok lang ako... In fact, nilibre pa nga ako ni Terrence sa starbucks ehh..."
"Ahh..." Biglang lumapit sakin si Cassie habang nakatingin ng masama. "Hoy lalaki ka! Bakit basta basta mo na lang hinihila si Winky kung saan saan?!!!" Sabi ni Cassie sakin habang nakaturo ung daliri nya sakin.
"T-Teka... H-Hin--"
"ANO? BAKIT DI KA MAKASAGOT NG MAAYOS?!!!"
"A-Anu bang pinagsasabi mo???"
"Ehh di na--"
"CASSIE! Stop na!!! Ako nagyaya kay Terrence... Wala syang ginawa!" Sabi ni Winkle.
Tinarayan ako ni Cassie. -___- Grabe ung babaeng yun.
"Anyways, may nabili na kayo?" Sabi samin ni Cassie.
"Ah oo.." Sabi ni Winkle.
"Where??? Tingin aketch!!" Kinuha naman ni Cassie agad yung paperbag na hawak hawak ni Winkle na may laman ng damit namin ni Winkle.
"Woooow!!!" Sa totoo lang ang exag ni Cassie -___-
"Pare, anu bang ginawa mo sa fiance mo??? Bakit naging ganyan yan?" Sabi ko kay Christoff.
"Di mo pa nakikita ung totoong Cassie..." Sabi nya.
"Anung totoong Cassie?" Sabi ko
"Yung Cassie na baliw na baliw sakin--"
"HOY! For your information, di ako baliw katulad mo!!! Ah baliw pala ha??? Di na kita papakasalan!!!" Sabi ni Cassie sabay crossed arms at taray kay Christoff.
"De... Joke lang..." Sabi ni Christoff sabay yakap kay Cassie
"Heh! Bahala ka sa buhay mo..." Sabi ni Cassie sabay walk out
"Babe..." Sabi ni Christoff sabay habol kay Cassie
"Haaay nako... Nakakaloka ung dalwang un ha..." Sabi ni Winkle.
"Winkle, ako na lang maghahatid sayo..." Sabi ni Darren
"Sino may sabi? SI Terrence kaya maghahatid sakin...." Sabi ni Winkle ng medyo masungit kay Darren.
"Pare hahatid mo daw?" Sabi ni Darren
"Diba Terrence?" Sabi ni Winkle sabay ngiti sakin
Hay nako. Ang ganda ganda nya talaga.....
Sana gusto din nya rin ako...
Sana--
"Pare... Hey pare? Andyan ka pa ba? Inabduct ka na ba ng alien?" Sabi ni Darren habang kinakawaykaway ung kamay nya sa harap ng mukha ko.
Umiling iling lang ako.
"Ano? Diba ako maghahatid kay Winkle?" Sabi ni Darren
"Oo-- Hindi. Hindi! Anu ka sinusuwerte?" Sabi ko
"Pare naman ehh..." Sabi ni Darren habang nagkakamot ng ulo
"Lika na nga, Terrence..." Sabi ni Winkle. Tapos hinila ako ng pagkalakas-lakas
Grabe tong babaeng to... Di ko alam kung bff o kapatid to ni Cassie ehhh... Parehong brutal ehhh
