<Terrence's POV>
Ako tingin tingin lang. Wala akong natitipohang tux ehh...
Biglang dumating si Winky.
"H-Hi, Winky..." Sabi ko sabay tingin sa kanya.
"Hi! So may nakita ka na?" Sabi nya sabay lapit sakin
"W-Wala p-pa ehh..." Sabi ko sabay kamot sa ulo.
Bakit ganun? Nahihiya ako.
"Ikaw?" Pagtutuloy ko ng convo
"Wala pa din ehh... Tara tingin tayo?" Yaya nya
"S-Sige..." Sabi ko.
Hinawakan nya yung wrist ko tapos hinila nya ako papunta dun sa isang part.
"Uy! Tingnan mo to ang ganda..." Sabi niya. Ang ganda nya habang nagwawander.
"Oo nga... B-Bagay sayo..." Sabi ko habang tinitingnan ung dress.
"Mas bagay tayo..." Bulong ko sa sarili ko.
"Huh? Anung sabi mo?" Sabi nya habang nakangiti.
"Sabi ko bagay sayo..." Sabi ko.
"Ahhh... Sukat ko ha? Hintay mo ko..." Sabi nya sabay kuha sa dress.
Hindi sya wedding dress. Parang cocktail dress na sleeveless and color gray and may glitters ung belt nya and may design ung dress.
After a few moments...
"Uy! Ok lang ba?" Sabi nya sabay lapit sakin
"S-Sobra... Ang ganda mo..." Sabi ko
"O sige, ok na to... Ikaw din! Eto oh ung kapartner ng dress." Sabay turo nya dun sa tux na katabi ng dress.
"Oo nga noh! Sige sukat ko lang..." Sabi ko then kinuha ko na yung tux
After another few moments...
"Wow!!!! Kunin mo na yan!!!" Sabi nya. Nagulat ako... Nasa tapat sya ng pinto ehhh...
"Grabe ka ha? Manggulat daw ba?" Sabi ko
"Sorry... Excited kasi ako ehh... ^_^" Sabi nya.
"Pare! Anu--" Sabi ni Darren bigla syang napahinto kasi nakita nya kami ni Winky na parehong damit.
"Pare, sarado mo ung bibig mo..." Sabi ko ng medyo cool.
"PARE! ANU BA YAN?! AKIN YAN EHH! LANGYA KA NAMAN!!!" Sabi ni Darren habang nagkakamot ng ulo.
"Anung ako'y sayo???!!! HMPH!" Sabi ni Winky sabay sipa dun sa 'sensitive part ng lalaki' ni Darren
"ARAAAAAAAAAAAY!!! JOKE LANG NAMAN EHH!" Sabi ni Darren
"Hmph!" Sabi ni Winky
"MALDITA!" Sigaw ni Darren
Bigla namang lumapit si Winky at dinambahan na sisipain nya ulit ung ano ni Darren. Lumapit ako at pinigilan si Winky.
"Hindi na po..." Sabi ni Darren habang nakaluhod sa harap ni Winky.
"Pare, umayos ka... Matindi to..." Bulong ko kay Darren.
"Oo nga ehh..." Sabi ni Darren habang nakaluhod pa rin
"Lika na nga!" Sabi sakin ni Winky habang hinihila ung wrist ko
"S-San mo ko dadalhin???"
