Chapter Twenty Six - Bloody Play

16 1 0
                                    

Chapter Twenty Six - Bloody Play

Miya's POV

Mabilis na lumipas ang mga araw at linggo. Lahat kami ay abala sa kanya kanya naming assigned tasks. Busyng busy kaming mga cast sa kakapractice at halos walang tulog sa kamememorize ng mga script. Habang halos sugat sugat naman ang mga kamay ng mga nasa wardrobe at props sa kakatahi ng mga costume namin at pag aayos ng props. At halos hindi na makausap ang mga stage director at artist para sa pagpaplano ng flow ng play at design ng stage. Lalong lalo na si sir na halos di na magkadaugaga sa pag aasikaso samin.

Lahat abala at nagcocooperate buysng busy para sa play. Nakakatuwa!

At kasabay ng pagiging busy namin ay ang excitement sa pinaka-inaabangan naming play. Siyempre, hindi rin mawawala ang kaba at nerbyos. Pero lahat kami looking forward sa kalalabasan ng play!

Pinaka nag aalala naman ako kina Xavier. Lalo na't hindi lang ung play at studies ang kailangan nilang pagtuunan ng pansin. Kundi pati ung practice nila sa football. Kaya madalas akong sumasama doon para suportahan sila at dalhan ng gatorade na paborito ni Xavier.

Habang kami ni Blue ay same parin. Still nasa getting-to-know-each-other stage. Kung meron mang nag-improve, iyon ay ang friendship namin. Mas lalo ko pa siyang nakilala at hopefully makilala pa ng husto.

Hindi ko naman maintindihan sina Ellai, Zayn at Liam. I know may something fishy sa kanilang tatlo pero hindi ko ma-point out. Teka, baka may gusto rin si Zayn kay Ellai! Nakow, pano na si Liam? Medyo ok pa sana kung un nga ang sitwasyon, pero pano kung si Liam ang gusto ni Zayn?! Ay paktay tayo diyan, Ellai. I know its hard pero you need to let go. Chos! HAHAHA!

Ilan lang yan sa mga napakaraming nangyaring sa nakaraang mga araw at linggo bago ang play.

"Guys gather up!" sabi ni Nylah.

Lumapit naman kaming lahat sa kanila ni Bernard.

"Guys, bago ang play bukas gusto ko na kayong icongratulate." panimula ni Bernard.

Nagpalakpakan naman kami.

"We all did our best. And I know our best is more than enough. Tomorrow, all our efforts will be worth it. Sa wardrobe at props, amazing guys! Napakacreative niyo. Sa mga cast, you are all talented. At samin sa stage director at stage artist, we are magnificent! We have the best people for the best play ever! May the Lord our God guide us tomorrow! Go Team Forever!" sabi niya at tinaas ang kanyang kanang kamao.

Gumaya naman kaming lahat at saka sumigaw,

"Go Team Forever!"

"Walang Forever!" sigaw naman ni Louis at Harry kaya nagtawanan kaming lahat.

At katulad ng mga nakaraang araw, hinatid ako ni Blue pauwi sa bahay.

"Hey, goodluck satin bukas." nakangiting sabi niya sakin nang makarating kami sa tapat ng bahay.

"Hehe. Oo nga. Galingan natin ha." sagot ko naman.

"Oo naman. Tsaka sadyang magaling ka na." sabi niya.

Bumilis naman ang tibok ng puso ko dahil doon.

"Binola mo pako." sabi ko sa kanya.

"Di kaya..." sagot niya.

Ilang minuto din kaming nagkwentuhan doon bago siya nagpaalam na aalis na siya.

The next day...

And now, finally dumating na ang pinakahinihintay namin.

"Miya! Hindi ka na naman kakain?" tanong sakin ni mama habang nagmamadali akong magsuklay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Akin Lang Kasi Si MiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon