Chapter Twenty Four - WADAPAK?!

23 0 0
                                    

Chapter Twenty Four - WADAPAK?!

Miya's POV


"Looking good. Can we join, love birds?"

Naagaw agad ang atensyon namin ni Blue at napunta ito sa magandang babae na nakangiting nakatingin samin. Sa likod niya naman nakatayo ang pasaway kong element. Akala ko ba sa field sila kakain? Anong ginagawa nila dito?

"I thought--"

Halata din ang pagkagulat sa mukha ni Blue, katulad ko, pero agad din siyang nakabawi.

"Sorry. Boys changed their plans. So, me and Xavier went here hoping that we can join you guys." sabi niya "Can we?" dagdag pa niya.


Nagkatingin kami ni Blue bago siya muling nagsalita.


"Yeah. Sure." sagot niya.


Agad na tumabi sakin si Xavier na para bang nakikipag unahan sa kung kanino man na kinagulat ko. Kaya tumabi na lamang si Nylah kay Blue na hindi ko alam kung ikaiinis o ikasasaya ko. Dahil sa ginawa ng magaling kong element, parehas na nakatingin sa amin sina Blue at Nylah na pareho ring nagulat sa ginawa ni Xavier. Ngumiti ako sa kanila habang nakatingin parin sakin si Xavier habang nakasimangot. Kung bakit? Hindi ko rin alam. Ilang segundo nangibabaw ang katahimikan at sa kasabay nito ang matinding AWKWARDness sa aming apat. Kung bakit? Hindi ko rin alam.


"Ohh.. Delicious. I want some Adobo, too. How about you, Xavier?" pagbasag ni Nylah sa katahimikan.

Pero hindi siya sinagot ng lalaki na nakatingin lang sakin. 

Mukang napansin ni Blue ang pagkailang ko sa mga tingin ni Xavier sakin. Para siyang pulis na tinitingnan nang maigi ang kanyang suspect. Ano na naman bang problema nito?


"Do we have problem here, Xavier?" hindi niya naitis na itanong.

Nabaling naman ang tingin ni Xavier sa kanya.

"Do I look like I want to talk to you?" patanong na sagot nito.

Nakita kong hindi nagustuhan ni Blue ang sagot nito. At alam kong napansin din iyon ni Nylah kaya...

"I.. I-I think we should also get our food, don't you think Miya?"

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko bilang sagot kaya tumango na lamang ako.

"Can you please come with me, Blue?" baling nito sa katabi.

"Yeah." mahina nitong sagot habang hindi pa rin inaalis ang tingin kay Xavier. Pareho ang mga itong masama ang tingin sa isa't isa.

Tumayo na ang dalawa nila ni Nylah at pumunta sa counter.




"Anong kalokohan na naman ba to Xavier?" agad kong baling sa lalaking katabi ko.

"Kalokohan? Element mo ako Miya. Ako dapat ang lagi mong kasama. Pano pala kung nakipagsuntukan ako? Nakipag away? Damay ka. Dapat akong inaatupag mo. Hindi kung sino sino" agad niyang singhal sakin.

"FYI, hindi kung sino sino si Blue. At saka lagi naman kitang kasama ah. Anong bang pinaglalaban mo?" sagot ko.

"Lagi? Halata nga. Kasi kasama mo na naman ung hilaw mong manliligaw." sabi niya at inismiran ako.

Akin Lang Kasi Si MiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon