hi guys! hehe! may surprise ako sainyo! MAHABA ANG CHAPTER NATIN NGAYON!!! YEY!!! un lang :P
***
Chapter Fourteen - Babye Daddy Xavier?
Miya's POV
simula nang tumigil ang ulan ay hindi na ulit ito nasundan. sumakay na kami ng jeep ni xavier pauwi. hindi ko inakala na ang isang taong tulad niya ay sasakay ng jeep. isang mayamang tao, hindi lang sa pilipinas kundi sa buong mundo. naalala ko na naman ung sinabi ni zayn kanina...
"hindi basta bastang tao si xavier. siya kasi ung klase ng tao na simple lang at hindi mapagmataas. medyo maangas yan pero yan talaga siya eh. akala mo masamang tao pero ang totoo ay kabaliktaran ng kung anong iniisip ng marami." sabi ni zayn
"anong ibig mong sabihin zayn?" tanong ni ellai
"ang alam ng marami, sila ang may ari ng isang school pero hindi lang un. may 3 silang business na kasama sa top 10 businesses sa asia." sabi pa nito
"grabe! ang yaman pala talaga nila." sabi ni ellai
"at dahil sa sobrang yaman nila, ilang beses nang nagkaroon ng mga bodyguards si xavier pero simula ng natuto siya ng martial arts sa edad na 13, bugbog sarado ang un sa kanya. at ni isa walang nakakatagal, maliban kay butler Tao. ang butler ni xavier simula pagkabata niya. ngaun wala na siyang bodygurads kasi un ang hiniling niya kay tito harold. ang pinaka ayaw niya kasi sa lahat ay ang pakiramdam na parang nakakulong" mahaba niyang sabi.
"bakit parang ang dami mong alam tungkol kay xavier zayn?" tanong ko.
"simula kasi pagkabata, mag best friend na kami" sabi niya
"naging magkaibigan sila ni xavier ng ipagtanggol siya ni xavier mula sa mga nangbubully sa kanya nang sa america pa sila nag aaral." sabi naman ni liam
ginawa niya un? akala ko siya ang gumagawa nun...
"naalala mo ba pre nung isang araw na may mga batang naglilimos nung naghahanap tau ng matatambayan?" tanong ni harry
"oo. sinama niya ung mga batang un tapos pumunta sila sa isang VIP class sa isang mamahaling restaurant. ang swerte ng mga batang un. tskk tsskk"
"HAHAHA! oo nga! malas lang talaga ang bumungga dun sa ugok na un." sabi pa ni zayn.
"HOY! malapit na tau" sabi ni xavier.
bigla akong natigilan nang biglang sumigaw si xavier.
"ayy oo nga" sabi ko.
"bakit ka ba tulala ha?" tanong niya
"wala. may naalala lang"
BINABASA MO ANG
Akin Lang Kasi Si Miya
Teen FictionTHIS IS A WORK OF FICTION. ANYTHING WRITTEN IN THIS STORY IS BASED ON IMAGINATION. Hinding hindi ako titigil sa pagmamahal sayo hanggang dumating ung araw na sabihin mong itigil ko na to. pero sana tandaan mo na pag dumating man ung araw na un, un u...