Chapter Twenty - detention with the bad guy

26 0 0
                                    

hi guise! hope you liked my previous update! thank you sooo much!

Chapter Twenty - detention with the bad guy

Miya's POV

kanina pa kami nakarating ni xavier sa classroom at kasalukuyan akong nagpapareview ng ilang notes kay blue nang dumating sina ellai. as usual, makakasabay sina louis, harry at zayn habang sila naman ni liam ay makasabay na nakasunod sa tatlo.

tumingin sa gawi ko si ellai at sinamaan ko siya ng tingin. nagpeace sign naman siya sakin at binelatan pa ako. pasaway to ah!

tatayo sana ako para pumunta sa kanilang pwesto sa likod pero...

"san ka na naman pupunta?" tanong ng masamang espiritu na nakahawak pa sa may pulsuhan ko pero mabilis ko rin iyong inalis at humarap sa kanya.

"excuse me. hindi mo ako alila na kailangan ko pang magreport sayo sa bawat minuto ng buhay ko" nakataas ang kaliwang kilay kong sagot sa kanya. hindi naman ako galit kaya lang nasa mood akong tarayan siya ngayon.

"hindi ko naman sinabi ah. ang akin lang naman, andyan na si sir tapos lalayas ka pa. tsk tsk tsk" nakangisi niyang sagot habang umiiling iling pa.

PAGTATARAY FAILED! sa susunod kasi miya wag kang mag enarte. HINDI SAYO BAGAY!

nakanguso akong muling bumalik sa upuan ko at inismiran siya. tumingin naman ako kay blue at ngumiti siya sakin. SHEMAY! AGAD AGAD GOOD VIBES! ganyan kalakas ang blue power!

"good afternoon class!" bati agad samin ni sir nang makapasok siya sa room. binati rin namin siya.

"did your class president informed you about the quiz?" tanong niya samin at agad din namin siyang sinagot.

"well then, please get one whole paper and we will start" sabi niya at gumayak na kami.

nagsimula na siyang magsulat ng quiz namin sa malaking white board at napangiwi ako sa nakita ko. mukang babagsak na naman ako sa quiz pero hindi pwede! kaya ko to!

napatingin ako sa gawi ni blue at nakita ko siyang abalang nagsusulat. sumasagot na ata. tumingin naman ako kay xavier at nakita ko siyang nilalaro ang hawak na ballpen habang kinakagat kagat pa ito. inaamin ko, he looks so HOT!

"what?" parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa kinauupuan ko nang bigla niyang mapansin na nakatitig ako sa kanya.

"wa-wala" sagot ko at agad umiwas ng tingin sa kanya. binalik ko na ang tingin sa harap at pinag isipan ang isasagot sa quiz. mamaya maya pa ay nagsimula na rin akong sumagot.

ilang minuto lang tumayo na si blue at pinasa ang kanyang papel.

"mr divera's the first. ten minutes left" anunsyo ni sir.

ang galing at talino talaga ni blue! ilang sandali lang, isa isa na ring nagsipasa ang mga kaklase namin. at maging sina ellai ay nakapasa na! dali dali kong sinulat ang mga sagot ko at kasalukuyang nasa last number na. pagkatapos na pagkatapos ko  ay agad ko itong pinasa kay sir at bumalik sa upuan ko. akala ko matatagalan pa ako.

Akin Lang Kasi Si MiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon