FGWHKALPEQNVMB!!!!!! ang daming error pala nung last update dun sa part ng GOOD NEWS at BAD NEWS! shemay! sorry guys! anyway, dahil dun inedit ko na siya. kaya mas malinaw na ang good at bad news natin XD kaloka no? naloka din ba kayo?! ako lokang loka ang drama! HAHAHAHA! anyway, eto na ang chap 19! enjoy :P
HAPPY NEW YEAR GUYS!
Chapter Nineteen - His phone number <3 (P2)
Miya's POV
"ano ba xavier? san mo ba ako dadalhin?" inis kong tanong sa lalaking kumakaladkad sakin. at dahil sa ginagawa niya, lahat ng nadadaan namin ay pinagtitinginan kami. lalong lalo na tong nakatalikod na lalaki sa harap ko na hawak hawak ang kamay ko.
"tumahimik ka na lang diyan. ikaw nga tong unang humila sakin papalayo" nakakunot ang noong sagot niya.
"kah--" hindi ko natuloy ang sasabihin dahil bigla siyang huminto kaya nabangga tuloy ako sa likod niya. tiningnan ko naman kung asan kami ngaun. tumigil siya sa harap ng isang parke kung saan kukunti lang ang tao at kitang kita ang napakagandang papalubog na araw.
"nagpapakatanga ka naman" sabi niya sakin.
"sorry ha! galing mo kasi!" inis kong sagot sa kanya.
"blah blah blah! whatever!"
"ano na namang kalukuhan to? ano bang ginagawa natin dito sa park?" tanong ko habang nakasunod sa kanya at naglalakad papasok doon.
umupo siya sa isang swing at pinagmasdan ang paglubog ng araw. umupo naman ako sa katabing swing at tiningnan din yun.
"diba ba hinihingi mo ang number ko?" pagbasag niya sa katahimikan. napatingin naman ako sa kanya na nakatingin parin sa dumidilim na kalangitan.
"o-oo.." sagot ko.
"bakit?" tanong niya habang may ngiti nang nakakaloko sa kanyang muka. at sa pagkakataong ito, nakatingin na siya sakindahilan upang masilayan ko ang muka ng isang lalaki na kayang kayang paibigin ang kahit sinong babae. walang dudang napakaguwapo niya nga. lalo lalo ang kanyang mga mata, na kayang kayang pabilis ang tibok ng puso ko at painitin ang muka ko sa oras na magtama ang mga iyon sa akin.
"a-ano kasi... uhmmm... ka-kailangan la-lagi... kitang ki-kinocontact..." utal utal kong sabi. natawa naman siya.
"do i make you nervous?" he confidently asked
"hi-hindi no!" kaila ko.
"ok. sabi mo eh" sagot niya at tumayo mula sa kanyang kinauupuan. nagulat naman ako nang pumunta siya sa harap ko at umupo doon upang magpantay ang aming mga muka. shyet! he's really making my heart beats fast!
"a-anong ginagawa mo?" napakalapit ng muka niya sa muka ko >____________<

BINABASA MO ANG
Akin Lang Kasi Si Miya
Fiksi RemajaTHIS IS A WORK OF FICTION. ANYTHING WRITTEN IN THIS STORY IS BASED ON IMAGINATION. Hinding hindi ako titigil sa pagmamahal sayo hanggang dumating ung araw na sabihin mong itigil ko na to. pero sana tandaan mo na pag dumating man ung araw na un, un u...