Chapter Twenty One - Chilling with the Queen
Miya's POV
nakasunod parin kami ni ellai kay nylah nang makalabas kami ng school. lumapit siya sa isang lalaking komportableng nakatayo at nakasandal sa may wall ng school kung saan wala masyadong tao.
"i told you, you dont need to get them. i'll do it myself" sabi ni blue kay nylah nang makalapit ito sa lalaki.
ngumuso naman ang dalaga at gumuhit ang tampo face nito sa maganda niyang muka pero hindi ito pinansin ni blue at tiningnan lang siya habang walang emosyong makikita sa muka naman nito.
"they're here" sabi ni nylah at tumingin samin si blue. ngumiti naman ako sa kanya pero tiningnan niya lang ako at muling binalik ang tingin kay nylah.
"you're so stubborn" sabi nito at lumapit sakin. hindi naman sumagot si nylah at inismiran lang siya nito.
"so where do you wanna go?" tanong niya sakin.
"bahala ka.." mahina ang boses kong sagot sa kanya
"uhm guys anong role ko dito?" biglang singgit ni ellai
ngumiti naman si blue sa sinabi ni ellai.
"we'll all hang out together" nakangiting sabi nito.
nasa may labas ng mall kami ngaun, ung mall nina xavier actually, at kasalukuyang nakapila upang sumakay sa giant ferris wheel. doon namin napagkasunduang sumakay kaya agad kaming bumili ng ticket. maya maya pa ay nakasakay na kami sa isa sa mga sakayan nito. buti na lang at pang apatan ang pwedeng sumakay kada vehicle.
tuwang tuwa kami nang makasakay kami doon at masayang pinanood ang magandang tanawin nang nagsimulang umandar papaakyat ang sinasakyan namin. picture naman ng picture si ellai, iaupload niya daw sa facebook kaya hayun pati si nylah, todo sa pose. mabait naman pala siya at sobrang simple. pero hindi makakailang napakaelegante niya parin kahit medyo playful siya at masayahin.
"nylah careful" sabi ni blue dito dahil umuga uga ang sinasakyan namin.
tumawa naman ito at sumagot kay blue "yeah whatever my-big-brother wanna be, such a killjoy!" maarte nitong saad pero inismiran lang din siya ni blue at tumingin sakin
ngumiti siya kaya ngumiti rin ako pabalik.
nang makababa kami doon ay saka kami nakaramdam ng gutom kaya napag isipan namin kumain naman sunod.
"grabe ang saya! super! hahahaha!" sabi ni ellai habang naglalakad na kami papasok ng mall.
BINABASA MO ANG
Akin Lang Kasi Si Miya
Teen FictionTHIS IS A WORK OF FICTION. ANYTHING WRITTEN IN THIS STORY IS BASED ON IMAGINATION. Hinding hindi ako titigil sa pagmamahal sayo hanggang dumating ung araw na sabihin mong itigil ko na to. pero sana tandaan mo na pag dumating man ung araw na un, un u...