After ng surprise nila ay tumila na rin ang ulan, pagtila ng ulan ay mas nakaramdam ako ng lamig dahil medyo bundok na rin tong antipolo kaya nilalamig na ako lalo't naka t shirt lang ako may coat si Ravine kanina pero hinubad niya yon kasi medyo mainit kaninang tanghali. Nakakahiya namang kunin ko sa kaniya yon diba?
"Let's go sa Cloud 9, Ravine! I wanna watch city lights dali na!" Excited kong pagiinvite kay Ravine.
"Okay, okay let's go!" ginulo niya pa yung buhok ko! nakakainis.
~
Ng makarating kami sa cloud 9 ay nanginig agad ako sa sobrang lamig dahil 360 yung view rito kaya yung hangin 360 rin.
"Are you cold?" Tangina naman nitong lalaking to! Hindi pa ba obvious? lintek! minus points ka sakin hindi yan maganda sa pagiging boyfriend dapat alok agad hindi yung tatanungin pa.
Pagnapaso talaga to tatanungin ko muna siya bago tulungan "Masakit ba?" kala mo ha!
"Nevermind" Tinarayan ko lang siya dahil nainis talaga ako sa tanong niya.
Umakyat nako sa hanging bridge naalog pala to sa picture nakita ko steady lang naman siya e? sabagay picture nga e talagang steady lang talaga siya.
"Uy Tangina-" Yun lang po last words ko bago ako madapa at humiga sa hagdan nato matapos gumalaw yung bridge.
"Are you okay?" TANGINA! TANGINA! TALAGA! minumura ko na talaga siya sa isip ko sa oras nato lumuhod pa siya ha para lang tanungin ako? hindi manlang nagalok ng kamay for help? tangina nitong lalaking to siya talaga isasabit ko sa hanging bridge nato!
"Kaya ko tumayo!" Tumayo na lang ako magisa kasi may kamay at paa naman ako! hindi kailangan ng tulong niya okay? Expected ko pa naman matutumba ako in his chest pero hindi! HINDI! bad mood nako.
Ng makarating kami sa tuktok ay mas lalo kong naappreciate yung view kahit nanginginig nako sa lamig as of now.
Napaka ganda ng city lights at view ng sky rito, para akong nasa langit, ganto rin kaya sa langit tahimik at malamig? sana nga dahil iyon ang kabaliktaran ng mainit at maingay na nanghihingi ng mga tulong sa impyerno.
Inilibot ko yung ulo ko kung nasan nanaman yung lalaki kasama ko dahil wala nanaman siya sa tabi ko. sino nanaman kaya bago nitong kalandian. kanina yung cashier baka ngayon yung guard naman ha!
inilabas ko muna ang phone ko at pinicturan ang napaka gandang view ng metro manila sa gabi. nagselfie na rin ako at nagvideo para sa reels at mini vlog sa tiktok ko.
Habang tinitignan ang mga videos and pics ko ay may kumalabit sakin at tinignan ko agad sino yun at tumambad sakin ang mukha na kanina ko pa hinahanap hanap. May dala siyang Ice Cream? LIKE IN THIS KIND OF WEATHER PA TALAGA HA? Ewan ko talaga sayo Ravine!
"Ano yan?" Tanong ko sa kaniya habang inaalok niya sakin ang ice cream sa kaniyang kamay habang dinidilaan ang kaniyang ice cream na parang bata. Ang cute! pero hindi nito malelessen yung inis ko sa kaniya.
"Ays Kweem" Bulol niya pang sabi dahil tumutulo na sa bibig niya yung Ice cream niya.
"Ako na mga parang bata!" Okay suko nako, Napaka cute niya! I can't. Pinunasan ko yung Ice cream sa gilid ng labi niya gamit ang daliri ko at dinilaan niya ang kaniyang gilid ng dila na parang bata na nagpapacheck if malinis naba yung face niya.
"Okay na you're clean na my baby boy!" Sabi ko at kinuha na ang aking Ice cream kahit nangangatog nako sa lamig at umupo siya sa aking tabi.
"Siri play Rive's spotify playlist" Napatingin sa aking ginawa si Ravine.