.
.
.
...After we bid goodbye's we left each other at sakto namang nagtext na si mama kung nasan na raw ako.
~
"Happy Birthday Anak!" Ma greeted me first after I entered the room. Private room kasi yung binook nila Ma and Pa tas iseserve na lang yung dishes by professional cooks.
"Happy Birthday Anak! Kuya! Bro!" Sunod sunod namang bati nila Papa, Kuya, at ng bunso kong kapatid.
I enjoyed the dinner with them yun nga lang wala talaga sa condition yung body ko right now ewan ko rin bakit. Kahit wala akong gana I still eat this food more on soup nga lang nakain ko the entire meal.
May binigay pang gift sila Ma and Pa for me daw. They gave me a bonsai tree almost 88 years na daw to kaya for sure mahal na din to. I thanked them at umuwi na kami.
~
"Anak ayos ka lang ba? Kanina ko pa napapansin na matamlay ka" Pumasok si Mama sa kwarto ko at kinausap ako ng malumanay
"I'm okay Ma! Don't worry!" Pagsisiguro ko sa kaniya ng bigla akong napabahing habang nagaayos ng aking closet para sana sa mga damit kong dadalhin para sa tagaytay staycation naming mga kakaibigan.
"Anak! Are you sure you're alright?" Nilapitan niya ako at tinapik ang aking likod
"Yeah Ma, I'm Okay-"
"Naku anak! You're temperature are super hot! may naapakan ka bang nuno or what sa antipolo? Naku sabi ko na e dapat sinama mo na lang si Kuya mo Kiel he can drive for you naman e!" Pagaalala ni mama sakin.
"Ma it's just a cold okay? gagaling din ako bukas, just sleep na ano oras na rin" Saad ko ngunit pinigilan niya lang ako sa pagtutupi ko ng mga gamit.
"Hindi! You're not going sa staycation niyo sa tagaytay! may sakit ka sasama ka sa amin sa Singapore ng Papa mo! Mamaya may something happen pa sayo don at baka magworsen lang ang kalagayan mo kaya sasama ka na alng sa amin para maasikaso kita okay?" Saad ni mama at ginulo ang buhok ko ng marahan.
Niyakap ko si mama at umiyak sa kaniyang leeg dahil ewan ko ba kung ano yung masakit my brain or my heart? basta I'll follow Mama and Papa for now I want to have fun with them rightnow.
"Does it hurt ba, Anak?" Pagaalala ni mama at tumango lang ako dahil parang puputok na talaga ang aking ulo sa sakit.
"Oh wait lang anak ha! I'll get our med kit ni Papa mo sa room namin call yaya or your brother if hindi mo na kaya ha?" Ma leave my room quickly like para siyang hindi mapakali sa akin e simpleng sakit lang naman ito ng ulo, mas masakit pa nga yung ginawa nung lalaking yun sakin e! matutulog na sana aki ng biglang nagbeep ang phone ko.
1 new message
12:00 ᯤ ▬
← ⃝ Ravinejosh_ ✆ ▢ↄ
⃝ Happy Birthday Rive! I
missed you already :(((
lets set another gala ha?
Goodnight!After I saw his text I quickly deactivated my account, I can't stand this pain anymore tas memesage mo pako? tangina mo naman oh. Miss as a friend.
~
Pagkagising ko ay halos mahilo hilo pa rin ako. But one thing I noticed is nasa plane nako and nasusuka na ako!
"Ma, I can feel I'll vomit any time soon" Agad na kumuha si Mama ng paper bag at inopen niya iyon para ready na kapag magsusuka man ako habang si papa naman ay nagbukas ng isang bottle ng water at ibinigay sa akin.