CHAPTER 4

638 35 0
                                    

Chapter 4: One of the Family Rules

Xave POV

Nagising ako sa sinag ng araw na pumapasok sa bintana. Dahan-dahan akong tumayo mula sa kama, iniisip kung ano ang gagawin ko paglabas ko ng pinto sa harap ko. Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan, nagsisimula na akong mag-isip ng maayos hindi na katulad ng kagabing dinaig ko pa ang may trangkaso. Maraming mga tanong sa aking isipan ang gusto kong masagot pero hindi ko pa alam kung paano.

Ang totoo, ayoko magkamali, kaya kailangan ko munang kumalma habang nandito pa ako sa kwarto. Delikado ang pumasok sa buhay ni Xave Montesseri, o mas tamang sabihin, ang buhay ko. Lahat ng tao sa paligid ko ay may matinding koneksyon at may mga mata na laging nakatutok sa bawat galaw. Kailangan kong maging maingat. Hindi lang basta-basta ito. Hindi ko pwedeng ipakita na may kahinaan ako, o baka magdulot pa ito ng panganib sa akin. Saka lang ako kakalma ng kunti pag alam kong di na ko delikado.

......

Pagkatapos ng mahaba haba kong diskusyon sa sarili naisipan kong mas mainam kung maliligo muna ako. Mamaya na yang iba (higaang ko)  makakapaghintay naman yan, kailangan ko munang mag-chill. Naalala ko si Xave which is ako, marami siyang damit parang inubos na niya ata yong sale sa mall eh, iba talaga pag mayaman eh. Naisip ko na gumawa ng isang simpleng routine, kung paano ko babaguhin ang araw ko para makasabay sa buhay na meron ako, wala namang pinagbago sa routine ko noong una kong buhay kunti lang ang babaguhin katulad ng kung frugal tayo sa unang buhay aba't maging galante tayo this life sayang pera ang yaman pa naman nila, just kidding pero kalahating truth. Kidding aside kailangan kong matutunan kung paano mag-adapt sa bagong buhay na ito, wala akong babaguhin sa personality ko total naman wala siyang masyadong close.

Kailangan ko nang masanay dito, nakaka-dazzle kasi pag gising ko para akong nasa isang palasyo sa kintab eh. Diretso akong pumunta sa banyo nang hindi lumilingon sa kung saan ako natulog. Hindi ko na maiwasan, dinala ko na pati ang katamaran ko dito. Ayusin ko na lang yun mamaya pagkatapos kong maligo. Ang katawan ko parang may sariling memorya, mga habit na siguro ibinaon ni Xave sa limot kaya wala sa alaala niya, tutuklasin ko nalang.

Pagbukas ko ng banyo, hindi na ako nagulat. Alam ko nang maganda ito base sa alaala ni Xave, na ngayon ay ako na. Mamaya ko na lang pagmamasdan ang banyo, kailangan kong magmadali. Kasi pag oras ng kainan, andun lahat ng pamilya. Mawawala ang moment ko kung hindi ko agad nakuha ang mga detalye mula sa unang araw. First day ko dito, kaya kung pwede, susundin ko kung anong ginagawa ni Xave, kung saan hindi nila kayang makita kung talagang anak nila ako o hindi. Kung wala akong pagkakamali, baka hindi nila maramdaman na may pumalit.

Paglabas ko ng kwarto, ang unang nakita ko ay ang napakahabang corridor. Para hindi ako maligaw, dumiretso ako sa bahagi kung saan may malalakas na presensya halata namang andon silang lahat. Siguradong walang makakatagal sa mabigat na atmospera ng lugar na ito kung hindi sila sanay sa panganib. Hindi ko lang alam kung bakit hindi naapektohan ang katawan ko, hindi ko na nga maalala kung tinuruan ba akong magpakatatag mula pagkabata o hindi, I mean dito sa katawan ni Xave. Para bang may mga bagay na itinatago sa akin.

Habang naglalakad hindi ako tumitingin kahit saan, pero kahit ganon nakikita sa sulok ng mga mata ko ang mga detalye maingat kong tinitingnan sa gilid ng mata ko ang bawat sulok ng corridor mula sa kinatatayuan ko para mabilis ko itong maalala, sa tingin ko nadala ko ang aking photographic memory. Tanging mga basic na impormasyon lang ang nakita ko sa alaala ni Xave, parang character profile sa isang laro. Nakakagulo, ang daming loopholes at madalas lang siyang mag-isa sa kwarto at kakaunti lang ang tao sa labas na nakakasalamuha niya. Para bang may mga detalye na hindi ko maintindihan kasi putol putol, kaya mas lalong dumami ang mga katanungan sa isip ko.

Marami akong tanong, pero kailangan kong isa-isahin. Hindi ko alam kung ang mansyon na ito ay safe zone ko o pugad ng leon.

Authors rants: arigatou sa mga nagbabasa, inspirasyon ko kayo promise chawwoootttt tamad ako hehe don't forget to follow me para updated, votes and comments are much appreciated (⁠≧⁠▽⁠≦⁠)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 2 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reincarnation Series: Mafia DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon