Chapter 3: Hidden Memories

675 38 0
                                    

Chapter 3: Hidden Memories

Blea's POV

Kapag ang isang tao ay nakahanap ng layunin sa mundo, nagiging makabuluhan ang buhay; nagkakaroon ka ng motivation araw-araw at direksyon sa buhay. Ganoon ang nangyari sa akin noong una kong makita ang game machine. Hindi ko alam kung para saan iyon, pero kumislap agad ang mga mata ko sa tuwa at excitement na hindi ko pa naramdaman noon.


Sobrang saya ko na sinubukan ko agad iyon kahit hindi ko pa alam kung paano gamitin. Buti na lang may manual. Basic lang ang laman nito, pero hindi ako tumigil sa paglalaro. Parang may kutob lang ako na laro iyon, at sapat na sa akin 'yun.


Sa sobrang excited ko, gusto kong malaman kung paano pa ito magagamit sa ibang paraan. Doon lumabas ang talento ko sa pag-iimbento ng iba’t ibang teknolohiya, isang talento na niyakap ko dahil mahal ko ang paglikha. Naging inspirasyon ko ito, lalo na noong panahong kapos ako sa pera. Naalala ko pa na gustong-gusto kong maiyak kapag nakikita ko ang paborito kong kendi na binebenta sa kalye tapos maiisip kong wala akong pera para bilhin iyon.



Mahirap ang panahong iyon. Pupunta ako sa isang sulok, itatago ang sama ng loob, at magmumukmok sa katahimikan. By the way, habang tumitingin ako sa paligid ng silid na kinaroroonan ko, napagtanto kong ang kwarto to ay masyadong marangya, parang pagmamay-ari ng isang mayaman. Kailangan kong malaman kung nasaan ako.



“Mic, kaya mo bang i-analyze ang mga alaala ng katawang ito? Kung oo, i-analyze mo ang mga alaala ng babaeng ito. Gusto kong makita ang mga ito.” Kailangan kong maintindihan ang sitwasyon ko ngayon. Sobrang kakaiba, pero gusto kong makumpirma na totoo ito, na hindi ako nababaliw lang.



Bigla kong naramdaman na parang may kung anong inaayos sa utak ko, parang iniikot at pinipilipit. Ang sakit at sobrang tindi, hanggang sa dumugo ang labi ko dahil sa pag-kagat ko dito. Hindi ko kayang sumigaw; wala namang tutulong sa akin. Sanay na akong lunukin ang sakit ko nang tahimik, sanay akong dalhin ito bilang sarili kong pasanin.



Ilang segundo ang lumipas at unti-unting nawala ang sakit, naiwan ang bahagyang kirot bilang paalala na hindi lang ako nananaginip.

[Analyzing memories completed]

“Ohm.” Pumikit ako, hinayaan ang pag-agos ng impormasyon na lamunin ako, dahan-dahang pinoproseso ang mga pangyayari sa buhay na konektado sa katawan na ito. Nanatili akong ganoon nang ilang minuto, hinayaan na magsettle ang bawat bahagi bago ko muling iminulat ang mga mata ko.


“Haha, bakit parang ang saya ng buhay niya—ibig kong sabihin, ang buhay ko.” Bahagyang ngumiti ang mga labi ko habang hinahawakan ang mukha ko, isang panandaliang ngiti bago bumalik sa normal na ekspresyon. Nakakatawa at nakakalito. Napapaisip nalang ako sa sarili: dapat bang ipakita ko ang tunay kong ugali o ang personalidad ng babaeng ito?



Sa alaala ng babaeng ito, lumilitaw ang masakit na distansya sa kanyang pamilya. Hindi ko alam kung dapat ba akong makaramdam ng ginhawa o maawa sa kanya. Ang kanyang pagiging inosente, ang kanyang kawalan ng kakayahang basahin ang mga tao—sa totoo lang, nakakatawa. Hindi niya alam kung paano basahin ang emosyon, isang pagkaignorante na nakakasuka. Ngayon na nasa katawan ko siya, saan man siya ngayon, umaasa akong natagpuan na niya ang kapayapaan, marahil sa langit o sa isang mas maayos na lugar. O baka naman naliligaw pa rin siya, gumagala sa kung saan.


Ipagdarasal ko na lang siya kahit papaano. Ito na siguro ang pinakamaliit na magagawa ko ngayon na nasa katawan niya ko.
Naramdaman ko na lang ang pagod kaya pumuwesto ako sa gitna ng kama at nagkumot.

'Matutulog na muna ako at iisipin ko na lang ang iba bukas.'

At sa ganitong puwesto, unti-unting nawala ang bigat ng realidad habang sinuko ko ang sarili ko sa antok, bitbit ang mga tanong at plano sa katahimikan ng gabi.

Reincarnation Series: Mafia DaughterWhere stories live. Discover now