noon, minsan
hindi ko maintindihan
kung bakit hindi ako makatingin
sayong mga mata.ang alam ko
kapag nandyan ka
bigla akong nanlalamig,
nag-aalinlangan.unang beses kong naramdaman
'yon.dahil sa'yo.
iba.
iba ang mga tawa,
ang mga usapan,
sa tuwing nasa ilalim
tayo ng mga bituin.wala naman akong ibang
dalangin,
pero sana,
tinignan mo ako
katulad ng pagtingin ko sa mga mata mo.o minsan, hiniling
ko na lang na sana
mawala na ang nararamdaman ko.dalawang taon kitang minahal, cal.
hindi naman yun kasing tagal ng seven years
o kasing lalim
nung kay carson.pero pareho naman kaming tanga.
akala ko nagustuhan
mo rin ako, eh.akala ko lang pala.
naghintay pa 'ko.
nanatili ang tunog ng iyong tawa
katulad ng pagdikit ng mga maliliit na patak ng ulan
sa aking balat.hindi nga nakapagtataka
kung bakit
naisipan kong
uminom ng alak
sa mga gabing 'yon.nakipag-usap ako sayo
bilang kaibigan mo,
pero sa loob-looban ko'y
muntik na kitang ginawang tahanan.alam ko kung ano ang gusto kong sabihin sayo.
pero tila
tinali ang aking dila,
nanginig ang aking kalamnan
at nahumaling
sa ideyang
itatago na lang.malayo sa kahihiyan.
tumatakbo palayo
katotohanan.pangalawang beses akong
nagmahal,
noong mahal kita, cal.hindi baguhan ang puso ko
sa mga paru-paro,
pero unang beses kong naramdaman
ang buong hardin
na tila
nanatili sa aking mga kalamnan.sayang nga.
sana tinanong kita.
sana sinabi ko.sayang.
hanggang magkaibigan lang tayo, eh.

YOU ARE READING
trouvaille and sunlight
Poetryread my words like a love song sung at dawn; feel my words like a kiss on your hand.