aking himig

14 6 0
                                        

alas-sais ng umaga
nung una kitang makilala.

hindi ba't sa umaga
wala kang makikitang
mga tala
kung ang kalangitan ay may araw na.

pero nung sandaling yun,

meroong isa.

at nasa harap ko pa.

ang aking tala.

hindi ka umiiyak sa mga malulungkot na kanta.
o kahit ang kalangitan ay makulimlim na.

pero ang alam ko, kapag nandyan ka,
abot hanggang entablado ang kinang sa iyong mga mata.
at sa aking pagtugtug ay tila umiiba.

hindi ko kailanman kinalabit ang gitara
na mayroong ginhawa sa mga dala nitong sugat sa aking kamay.

hindi ako magsasawang tignan ka,
kahit umabot na ng bukang-liwayway.

hiling ko ay sana, magkaugnay,
habambuhay.

habambuhay
ang iyong pangalan
sa boses kong tinatangay.

dahil ang bawat pulso
bawat himig
na aking ibinahagi,

ay para sa aking sinta.

hindi sana ako nagsinungaling
dahil ang totoo,
hindi lang ikaw ang naging pangarap ko.

ang laking kapus-palad ang binigay sakin
ng kalangitan
na ang bawat pangalan
na aking binanggit
ay hindi kasing lalim
ng bawat pantig
ng iyong pangalan.

habang hawak ang gitara sa gitna
ng entablado,
ikaw ang himig
na inaasam ko.

mas pinili kong maging bituin,
kaysa piliin
ang aking bituin.

hindi rin ako umiiyak sa mga malulungkot na kanta.
ngunit pagdating sa mga talinghaga
ng pag-ibig,
tila'y luluha na.

isang araw, hindi na ako
ang pinapanuod mong kumakanta.
mga yakap mo'y napunta na sa iba.

ang mga kinang sa iyong mga mata
ay dahil na sa kanya.

lubusang mang tinangay ng hangin
ang liyab sa aking puso.

mananatili ang dagitab
ng bawat himig
na inalay ko sayo.

trouvaille and sunlightWhere stories live. Discover now