Two Good Souls 🦋

268 8 9
                                    

"WHERE NA YOU, langga?" Napangiti ako sa endearment sa 'kin ni Isay. Kasalukuyan kaming magkausap sa cell phone matapos n'ya akong tawagan to check on me.

"Pauwi na, love. Ikaw, nasa inyo ka na ba?" Tanong ko habang tinatahak ang parking lot papunta sa 'king sasakyan. Nang makita ko na ang kotse ko'y agad na rin akong sumakay dito. Naghanda ako sa pagmamaneho kasi gustong-gusto ko nang umuwi para makapagpahinga na.

Nang huling beses kong tiningnan ang oras sa wrist watch ko ay alas onse na ng gabi. Medyo late na kasi marami kaming kinapon at inoperahang aso't pusa sa clinic. Mabuti na lang off ko bukas kaya makakatulog ako ng mahaba.

"Hmmmm, maybe?" Sagot n'ya sa tanong ko kaya napailing ako. Ano'ng "maybe"?

"Isay, nasa'n ka?" Seryoso kong tanong bago ko binuhay ang makina ng sasakyan. Ikinabit ko na rin ng maayos ang seatbelt saka in-on ang headlights.

"Nasa bahay na, love. Ikaw naman." Narinig ko s'yang tumawa kaya napangiti ako.

"Okay, gusto ko lang makasigurado na safe ka." Sabi ko. Nagmamaneho na ako ngayon habang tinatahak ang daan pauwi. Sana hindi masyadong traffic para mabilis akong makarating sa apartment ko. Gusto ko nang sumalampak sa malambot kong kama at mag-hibernate.

Pagod na pagod ang katawang lupa ko!

"Drive safely, Liway. Call me 'pag nasa inyo ka na. I love you." Sabi ni Isay at matapos kong mag-I love you back ay ibinaba ko na ang tawag. Nag-focus ako sa maluwag na kalsada at nag-relax.

Nasa trabaho pa rin ang isip ko kasi kahit pagod ako ay masaya naman ang puso ko. Iba sa pakiramdam kapag gusto mo ang ginagawa mo. Worth it ang lahat.

Pero naranasan n'yo na ba 'yung okay naman ang lahat kaso bigla kayong malulungkot for no reason? Meron naman siguro pero hindi ko lang ma-figure out. Bigla kasing nawala ang ngiti sa labi ko tapos parang lalo akong na-stress. SIguro pagod lang ako pero bakit parang naiiyak na ako?

Sakto nakarating na ako sa apartment ko at nang buksan ko na ang pinto ay laking gulat ko ng biglang bumukas ang ilaw at lumitaw sa kadiliman ang maganda kong si Isay.

"Surprise, Baby!" Masaya n'yang sabi pero agad na napalitan ng pagtataka ang reaksyon ng kan'yang mukha matapos magtama ang aming paningin. Dali-dali s'yang lumapit sa 'kin.

"Hey, may problema ba, Love?" Nag-aalala n'yang tanong. Masuyo n'yang hinaplos ang aking pisngi dahilan para mabawasan ang dinaramdam kong pagkabalisa at sa halip ay napalitan 'yun ng kaginhawaan at katiwasayan.

"Wala naman pero bigla na lang akong nalungkot kanina. Okay naman ako paglabas ng clinic." Pag-amin ko. Nakita kong lumambot ang ekspresyon ng kan'yang mukha at inakay ako papunta sa sofa para umupo.

"Okay, pero wala naman bang nangyari sa clinic kanina? Like something na mabigat?" Tanong n'ya.

Nakasandal na ako sa sofa back habang nakapikit ang mga mata nang maramdaman kong hinahawi ni Isay ang mga nagkalat na buhok sa 'king mukha. Napangiti ako kasi nakikiliti ako sa ginagawa n'ya tapos ay inisip ko na ang sagot sa kan'yang tanong.

"Noong nakaraan pala, sinta, namatay 'yung 15-year-old cat ng kaibigan ko. Grabe 'yung iyak n'ya sa 'kin sa call pero wala naman akong nagawa para i-comfort s'ya. Kailangan kong i-set aside 'yung lungkot ko at pagluluksa kasi may trabaho ako. Sinabi ko na babalikan ko s'ya after work pero nakalimutan ko na. Kinabukasan ko na s'ya na-kumusta. Okay naman, pero feeling ko nagkulang ako as her friend and support system." Sinsero kong saad.

Yun yung pangyayari na alam ko namang hindi ko kontrolado pero may pagkakataon pa rin hindi ko mapigilang malungkot 'pag naaalala ko. Siguro kasi ay hindi ko na-address 'yung nangyari kaya parang walang closure. Oo, hindi ko rin 'yun nabanggit kay Isay.

"I'm sure naiintindihan ng kaibigan mo na busy ka. Saka for me, hindi ka naman nagkulang kasi sinagot mo ang tawag n'ya noong time na 'yun, Babe. Ikaw na ang may sabi, okay naman kahit kinabukasan mo na s'ya na-kumusta. Maniwala ka na okay naman talaga." Aniya kaya napangiti ako't napatingin sa kan'ya. Agad kong hinawakan ang kamay n'ya at dinala 'yun sa 'king labi upang halikan ng ilang beses. Natawa naman ang bebe ko.

"Siguro nga, love." Sagot ko.

"Pero okay din na nakuwento mo sa 'kin, at least, sa susunod, 'pag naisip mo, hindi ka na masyadong malulungkot." Tumango ako sa sinabi n'ya.

"Eh, kumusta na ba 'yung kaibigan mo? Hindi madaling mamatayan ng alagang hayop lalo 15 years mo na 'tong kasama!"

"Nag-mo-move on. Masaya na rin naman s'ya kasi umabot ng ganu'n katagal ang buhay ng pusa n'ya. Iniisip na lang namin na panay laro ang inaatupag ng baby n'ya du'n sa rainbow bridge." Sabi ko kaya nagkatawanan kami ni Isay. Pero bago pa s'ya magsalita ay may naalala akong itanong.

"Baby girl, ba't ka pala nandito? Akala ko nasa inyo ka?" Tanong ko tapos ngumiti si Isay.

"Wala naman. Na-miss lang kita kaya nagpunta ako rito tapos feeling ko need mo ng yakap ko 'pag-uwi. Hindi nga ako nagkamali kasi nakasimangot ang Baby Liway ko. Awww." Anya sabay yakap at halik sa 'kin dahilan para tumawa ako.

"Pero nagluto talaga ako ng food natin, baka lang gusto mong kumain? Gutom ka ba?" Segunda n'ya.

"Oo, hindi pa 'ko kumakain." Sagot ko. Napangisi naman si Isay bago ako inakay sa kusina, ipinagurong ng upuan at pinaghanda ng makakain. Gusto ko sana s'yang tulungan pero pina-pirme n'ya lang ako. Natatawa na lang talaga ako habang pinapanuod s'ya kasi hindi s'ya magkanda-ugaga.

"Umm, wow! Ang sarap naman nito!" Sabi ko matapos nguyain ang putaheng inihain sa 'kin ng girlfriend ko. Napangiti lang s'ya bago namin pinagpatuloy ang super mega late dinner. Bago kami humiga sa kama ay nanuod muna kami ng comedy show.

"Hindi ko alam kung paano magpapasalamat sa 'yo kasi lagi mong pinagagaan ang buhay ko." Sabi ko sa kan'ya pero hindi na umimik ang langga ko kasi naghihilik na sa tabi ko. Natawa na lang ako bago s'ya hinalikan sa noo.

Bago ako matulog, umusal muna ako ng isang panalangin. Sinabi ko sa Diyos na salamat kasi pinagtagpo Niya kami ni Isay.

Humiling din ako na sana ay huwag na Niya kaming paghihiwalayin kahit na walang kasiguraduhan ang bukas.

🏵️🌹💐

Love Shots (gxg) 🏳️‍🌈 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon