Heaven Sent 🦋

181 4 0
                                    

MALAKAS ang ulan sa labas tapos wala pa rin si Isay.

Hindi tuloy ako mapakali kahihintay sa girlfriend ko na tinanggihan ang pagsundo ko sa kanya sa eskuwelahan dahil daw may dadaanan pa s'ya bago pumunta sa apartment ko.

Pero kinse minuto na ang nakakalipas simula nang magkausap kami sa phone tapos limang minuto nang umuulan.

"Isay, nasa'n ka na ba?" Inis at nag-aalala kong saad matapos kong ibaba ang aking cellphone. Kanina nagri-ring pa ang number nya pero ngayon cannot be reach na.

Ang sabi sa balita, may binabantayang low pressure area sa teritoryo ng bansa. Anomang sandali, maaari itong maging bagyo pero magpapatuloy ang mga kalat-kalat na pag-ulan sa mga bahaging tatamaan nito, kabilang na ang kinaroroonan namin.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon, nag-decide na akong suungin ang bagyo para hagilapin ang girlfriend ko. Kung ano-ano kasing hindi magagandang isipin ang nasa utak ko tulad ng paano kung na-stranded si Isay o di kaya nilalamig na sya tapos mag-isa lang sya things like that.

Matatakutin pa naman 'yun sa kulog. Actually, same kami pero bebe ko 'yun.

Akma ko nang bubuksan ang front door nang biglang may pumihit nito mula sa labas. At ganun na lang ang gulat ko nang bumukas yun at tumambad sakin ang basang-sisiw kong girlfriend!

"Hachooo!" Oh my gosh, kawawa naman!

"Isay?"

"Hi, Babe. Sorry, hindi na ako nakatawag kasi na-lobat phone ko." Anya.

Tatanungin ko pa sana sya pero nanaig sakin ang habag sa hitsura nya and at the same time ay pag-aalala dahil baka tuluyan na syang magkasakit. Mabilis ko syang pinapasok sa loob pero nagtaka ako sa bagay kanina nya pa yakap-yakap.

"Miyaw..." Napatingin ako kay Isay at sa kuting na lumabas mula sa telang ipinambalot nya rito na parang baby.

"Love, sino 'yan?" Napangiti ako nang magtama ang paningin namin ng naturang kuting. Agad kong hinawakan ang basa nitong ulo tapos ay ikiniskis nito ang ilong nya saking hinlalaki.

"Wala pa syang name pero nakita ko sya sa daan habang papunta ako rito. Hindi ko naman maiwan kasi nakakaawa." Anya sabay beautiful eyes sakin. Natawa nalang ako bago hinimas ang pisngi ng girlfriend ko at hinalikan ang kanyang noo.

"Tama ang ginawa mo, sweetheart. I'm so proud of you." Sabi ko bago ko sila inakay ni Muning sa CR para maligo at makapag-ayos ng sarili.

***

BAWAL sa bahay nina Isay kaya sa apartment ko nanatili ang pobreng kuting na napagdesisyunan naming kupkupin na. Tinawag namin itong "Yael" na isang Biblical name.

Si Yael ang isa sa paborito naming karakter ni Isay sa mga kuwento sa Bibliya dahil napakatapang n'yang babae. Sa kanya lang naman ibinigay ng Diyos ang karapatan na patayin si Sisera, ang lider ng hukbong pandigma ng Canaan at hindi kay Heneral Barak na isang lalaki sa hanay ng hukbo ng propetistang si Debora.

Payat at nanlulupaypay na si Yael nang dalhin ni Isay sa bahay kaya ginawa namin ang lahat upang gumaling sya. Inalagaan namin ang kuting at minahal na para bang parte ng munti naming pamilya.

"Love, tingnan mo, nakakalakad na sya!" Masayang sabi ni Isay habang pinagmamasdan namin ang mabagal na lakad ni Yael. Tumango ako habang chini-cheer ang kuting pero sabay bumagsak ang balikat namin ni isay nang matumba ito at hingalin.

"Pagod na siguro sya. Hayaan na lang natin syang magpahinga, Bebe." Sabi ko kay Isay na tinanguan nya bilang pagsang-ayon.

Nang mga sumunod na araw, kasama ko sa clinic si Yael habang nasa school si Isay. Nakikitaan na rin naman namin ng improvement at kalakasan ang kuting kaya naman tiwala kami na malalagpasan nya ang panghihina at 'di magtatagal ay bubuti na ang kalagayan nya.

"Hi, Yael!" Napangiti ako sa baby voice ng girlfriend ko habang kausap sa video call ang alaga naming kuting. Nasa clinic ako ngayon habang si Isay ay nasa school.

"Babe, looking good ang bebe natin. Tapos mukhang miss na miss ka pa. Kanina pa iyak ng iyak." Sabi ko na sinang-ayunan naman ng jowa ko.

"Miyaw!" Nag-second the motion pa talaga si Yael na para bang sawa na sya sa pagmumukha ko sa maghapon. Tinawanan tuloy ako ni Isay.

"I'll see you later, darling. Behave ka muna kay Meowmy Liway." Nagkatinginan kami ni Isay at ningitian nya ako ng pagkatamis-tamis.

"See you later, Bebe ko." Sabi nya sabay flying kiss.

***

"LOVE? LIWAY!" Nagising ako sa yugyog ni Isay. Tapos nataranta ako nang magtama ang paningin namin ng girlfriend kong mangiyak-ngiyak na.

"Anong problema?" Nag-aalala kong tanong sa kanya pero imbes na sagutin, hinawakan ako ni Isay sa kamay at inakay palabas ng aming kuwarto. Kakaba-kaba ako habang binabagtas ang pasilyo papunta sa sala kung saan naroon ang kulungan ni Yael.

Takang-taka ako habang nakatingin sa kuting na alam kong hindi na humihinga at wala ng buhay.

"Nagising ako tapos pinuntahan ko sya rito para batiin ng good morning kaso... kaso..." Hindi ko na pinatapos si Isay sa sinasabi nya sa halip ay niyakap ko na ang girlfriend ko. Dun na sya umiyak sa balikat ko kaya naiyak na rin ako.

Ilang minuto rin ang nagdaan bago tumahan si Isay.

"Love, bakit namatay si Yael? Akala ko okay sya. Naglaro pa nga tayo kagabi, 'di ba?" Hindi naman talaga naging hundred percent okay si Yael. Bagaman naging maayos ang kalagayan nya simula nang ma-rescue sya ni Isay, nananatiling mahina pa rin ang resistensya ng kuting.

Madalas syang ubuhin at nakahiga lang, may times na dinextrose pa namin sya dahil hindi sya kumakain. Pero nakikipaglaro si Yael kay Isay. Lagi nyang ikinakawag ang buntot nya pag naririnig nya ang boses ng girlfriend ko. Kinakantahan din sya ni Isay bago matulog at gustong-gusto rin iyon ni Yael.

"Siguro hindi talaga para satin si Yael. Siguro pinahiram lang sya satin para makasama natin ng sandali, Love." Pag-aalo ko kay Isay.

"Ang daya naman. Kung kelan napalapit na ako sa kanya tapos saka pa sya mawawala." Maktol ng bebe ko. Pinahid ko ang luhang umalpas sa kanang mata nya bago sya muling hinagkan.

"Mami-miss ko sya." Sabi nya, bagay na sinang-ayunan ko.

"Ako rin, Love. Kahit na saglit lang natin nakasama si Yael, alam kong masaya sya kasi minahal natin sya, lalo ka na."

"Palagay mo maaalala pa tayo ni Yael pag nasa rainbow bridge na sya?"

"Lagi tayong maaalala ng mga hayop na minamahal natin, Baby. At sigurado ako na hinding-hindi ka makakalimutan ni Yael dahil ikaw ang nagligtas sa kanya."

Masakit kapag iniwan tayo ng mga hayop na inalagaan natin, lalo na kung husto ang pag-ibig natin sa kanila. Hindi lang kasi sila alaga, tinuring na natin silang pamilya. Kaya nga durog na durog ang puso namin ng girlfriend ko sa biglaang pagpanaw ni Yael.

Pero alam naming pareho na kung saan man sya naroroon, hindi na sya maghihirap at pawang kaginhawaan na lang ang kanyang mararamdaman.

"Pinadala ako ng langit para i-rescue si Yael, pero pinadala rin sya ng langit para turuan ako kung paano maging mama cat, Love." Sabi ni Isay habang pinagmamasdan ang pasong pinaglibingan namin kay Yael. Bukod sa namatay naming kuting, meron din kaming itinanim na punla ng halaman doon na syang bagong aalagaan namin.

"Pareho kayong biyaya sa isa't isa." Sabi ko bago hinalikan ang noo nya.

Alam namin ni Isay na hindi namatay si Yael ng ganu'n ganu'n na lang. 

Dahil namatay si Yael ng may pangalan.

Hindi sya namatay sa kalye nang walang pagkakakilanlan.

🌻🌺🥀

Love Shots (gxg) 🏳️‍🌈 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon