A Day In A Life 🦋

266 5 11
                                    

KAPAG nasa tamang tao tayo, payapa ang pakiramdam natin. Yun kasi ang ipinararamdam sa ‘kin ni Liway simula pa lang nang una ko s’yang makilala.

At habang tumatagal ang aming relasyon at pagsasama, napatunayan ko na meron at meron pa ring mga tao sa mundong ito na magpaparamdam sa ‘yo na ligtas ka sa piling nila.

“Good morning sa maganda kong girlfriend. Oras na para bumangon kasi nakakahiya naman sa haring araw. Tirik na tirik na s’ya du’n sa langit tapos ikaw, mahal, naglalaway pa d’yan sa unan!” Tinakpan ko ang tenga ko’t nagtaklob ng kumot para hindi masilaw sa araw dahil ang magaling kong girlfriend ay walang pakundangan lang naman na binuksan ang kurtina ng bintana sa ‘ming kwarto. Sapul na sapul ako ng sikat ng araw at kahit gustuhin kong mainis ay nanaig pa rin sa ‘kin ang antok.

“Langga, nakikinig ka ba? Sabi ko bumangon ka na, uy!” Anya pero ‘di ko s’ya inimikan. Akala ko sumuko na s’ya sa paggising sa ‘kin pero nakalimutan kong hindi pala ganu’ng klase ng tao si Liway.

At huli na para mapagtanto ko ang susunod n’yang plano dahil lumapat na sa tagiliran ko ang mga daliri n’ya at sinimulan na n’ya akong kilitiin!

Mariella Liwayway San Diego!!!

Kung hindi lang talaga kita bebe baka tinadyakan na kita papuntang planet Mars! Dyusko sa babaeng ‘to! Napaka pasaway!

***

“ISAY, ready na ba ang mga gamit mo? Wala ka nang naiwan?” Ewan ko kung pang-ilang tanong na sa ‘kin ‘to ni Liway pero ganu’n ba ako ka-ulyanin para kalimutan ang mga essentials ko? Natawa na lang tuloy s’ya nang hindi ako sumagot.

“Ready ka na?” Tanong n’ya. Tumango ako na parang sabik na bata. Hinalikan muna n’ya ako sa labi bago niyakap. Bahagyang ginulo ang buhok saka inakay sa passenger seat at pinagbuksan ng pinto. Ang walang hiya kong girlfriend ay pinalo pa ang pwet ko nang papasok na ako sa loob para umupo. Tapos humalakhak s’ya saka umikot sa driver seat.

Inabangan ko talaga ang pagpasok n’ya bago ko hinipo ang dibdib n’ya nang makaupo na s’ya sa upuan. Kitang-kita ko tuloy na natigilan s’ya at pinamulahan ng pisngi bago ako mahinang hinampas sa braso.

“Napaka manyak mo talaga.” Aniya bago in-on ang makina ng kotse. Napa-ismid naman ako sa tinuran n’ya.

“Sino kayang nauna?” Tanong ko. Natawa na lang s’ya sabay iling. Tapos nagsimula na s’yang magmaneho tungo sa destinasyon namin.

***

WELCOME TO CAMP MAGUITING!

Yan ang nabasa ko sa sign board na sumalubong sa ‘min pagdating namin sa campsite kung saan kami magka-camping ni Liway ng isang araw at isang gabi. And infairness kasi solo namin ang campsite dahil weekdays kami nag-book. Sakto, wala kaming klase at off naman sa work ng girlfriend ko kaya sinamantala na namin na ma-check-an sa bucket list namin ang makapag-camping.

Maganda ang campsite na napili naming puntahan ni Liway. Napapaligiran ng mga puno ang campsite na napili naming pagtayuan ng dala naming tent. Bukod du’n, may bukal sa lugar na puede naming paliguan. Malinis at malinaw ang tubig nito kaya nakaka-engganyo, sakto sa mainit na panahon. Bukod du’n, safe naman ang lugar. May café sa ‘di kalayuan at may restaurant.

First time kong mag-camping pero maraming beses na itong nagawa ni Liway dahil nagso-solo camping talaga s’ya noong hindi n’ya pa ako nakikilala.

Kaya nga bilib na bilib ako sa mahal kong girlfriend habang pinapanuod s’ya sa pagse-set up ng tent namin samantalang ako walang naitulong kundi i-cheer lang s’ya. Pero okay lang naman kasi natatawa naman s’ya sa cheer at joke ko.

I’m so adorable kaya.

Nang matapos n’yang maitayo ang tent namin ay nagpunta muna kami sa restaurant sa naturang area para mag-late lunch. Alas tres na kasi ‘yun ng hapon. Sakto, makulimlim ang langit kaya bago kami bumalik sa campsite namin ay bumili muna kami ng kape.

Ngising-pusa ang bebe ko nang lingunin ko s’ya habang nakaupo kami’t abala sa panunuod sa kalikasan, mga ibong naghahabulan sa himpapawid at maaliwalas na kalangitan.

“Love, bakit ka nakatawa?” Tanong ko. Lalo lang lumapad ang ngiti ni Liway bago ako nilingon.

“Masaya lang ako kasi kasama kita ngayon sa camp na ‘to. Dati kasi mag-isa lang ako. Masaya naman pero mas masaya pala ‘pag nasa tabi mo ang mahal mo.” Anya kaya kulang na lang ay mag-sirko balentong sa kilig ang puso ko!

Ito talagang bebe ko, ang galing magpakilig!

“Alam mo namang kahit saan sasamahan kita. Wag lang sa gera, iba na ‘yun. Yoko pang mamatay.” Humalakhak si Liway bago humigop ng mainit na kape.

“Para ka talagang baliw.” Sabi n’ya kaya napailing ako.

“Baliw sa ‘yo.” Sagot ko.

***

SINULIT talaga namin ang aming oras habang nasa campsite. Isinantabi namin ang aming  mga cell phone at nakipagkaisa sa kalikasan. Marami kaming ginawa tulad ng paliligo sa bukal, pagpi-picture taking sa magandang lugar na kinaroroonan namin. Paghahabulan sa kapatagan at sa ilalim ng makulimlim na panahon.

Pakiramdam ko bumalik ako sa pagkabata. Yun bang walang iniisip na school deadlines and school works. Lahat ng ‘yun, gaano man kasimple sa mata ng iba, ay espesyal at mahalaga sa ‘kin dahil kasama ko ang babaeng mahal ko.

Nang gumabi na, tinulungan kong mag-set up ng kalan si Liway para makapagluto kami ng hapunan. Nang matapos kaming kumain, gumawa ang girlfriend ko ng bonfire kung saan nag-ihaw kami ng marshmallow na dala-dala namin. Magkatabi at magkayakap kami habang masayang nagkukuwentuhan.

“Thank you, Isay, sa uulitin. Sana masaya ka.” Anya bago ngumiti sa ‘kin. At bilang tugon ay hinigit ko ang kan’yang mukha para halikan s’ya. At hindi lang ‘yun basta mababaw na halik dahil malalim ‘yun, matagal at punong-puno ng pagmamahal.

“Thank you rin kasi pina-experience mo sa ‘kin ‘to. Ang saya-saya ng puso ko.” Pag-amin ko.

Napangiti naman s’ya bago hinalikan ang noo ko. Tapos ay ipinatong ko ang ulo ko sa balikat n’ya at pinagpatuloy ang kuwentuhan namin sa piling ng mga kuliglig  sa ilalim ng dilaw na buwan at mga bituin.

Pakiramdam ko buo at kuntento ako kasi kasama ko si Liway. At ligtas ako dahil hawak n’ya ang aking mga kamay.

💐🌸🌺

Love Shots (gxg) 🏳️‍🌈 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon