A Love So Pure 🦋

130 4 2
                                    

MAGANDA ang langit pero malungkot ang mga tao.

At least, 'yun ang bagay na gusto kong isipin habang pinaglilipat-lipat ang aking tingin sa mga bystander na abala nagpaparoo't parito sa parke na tinatambayan ko ngayon.

Favorite place namin ito ni Isay pag gusto naming lumanghap ng sariwang hangin at makiisa sa kalikasan. Pero hindi tulad nang mga nagdaang araw o buwan na kasama ko s'ya rito, mag-isa lang ako ngayon.

Galing ako sa trabaho at papunta na sa kinaroroonan n'ya. Mabigat ang dibdib ko pero ayokong bumigay.

Ilang beses pa akong huminga ng malalim at kumuha ng lakas sa kapaligiran bago ako tumayo sa 'king inuupuan at naglakad papunta sa parking lot.

Tumagal din ng bente minuto ang pagmamaneho ko bago ako nakarating sa ospital. Inabutan kasi ako ng heavy traffic sabay malakas na buhos ng ulan. Pero mabuti na lang dahil hindi pa naman tapos ang visiting hours nila.

Sinapo ko't bahagyang kinuskos ang aking mga palad sa braso ko habang tinatahak ang pasilyo tungo sa kan'yang kuwarto. Bata pa lang ako, ayoko na talaga sa ospital. Du'n kasi namatay ang nanay ko at sa harapan ko pa mismo. Hanggang ngayong nagka-edad na ako, nasa likod pa rin ng aking mga mata ang masakit at malungkot na alaalang 'yun.

"Good evening po." Bati ko sa nurse na nakasalubong ko pagbukas ko ng pinto ng kuwarto ni Isay. Ningitan n'ya ako nang malungkot bago nag-give way sa 'king pagpasok. Pero hindi pa ako nakakalayo sa 'king paglalakad ay napahinto ako nang magsalita s'ya.

"Napakatapang ng girlfriend mo. Hanga ako sa kan'ya." Sinsero n'yang saad bagay na sinang-ayunan ko.

Habang pinagmamasdan ko ang payat na katawan ni Isay na nakaratay sa kamang ng ospital na kinaroroonan n'ya, may kung ano'ng agam-agam at panaghoy ang nabububay sa kaloob-looban ko.

Tatlong buwan na simula nang mangyari ang aksidenteng kinasangkutan n'ya dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin s'ya nagigising.

"Matapang talaga si Isay. Mas matapang pa s'ya sa 'kin." Nang lingunin ko ang nurse ay nakita ko s'yang ngumiti sa 'kin. Tapos ay tuluyan na s'yang umalis pagkasara ng pinto. Nilapitan ko naman si Isay at pinagmasdan s'ya.

"Baby, kailan ka ba gigising? Nami-miss na kita." Bulong ko sa kan'ya.

Pinahid ko rin ang luhang kasunod nu'n bago ko hinila ang bangko na nasa gilid saka naupo du'n. Para akong mabubuwal sa pagkakatayo dahil sa sitwasyon ni Isay. Hindi ko matanggap ang nangyari sa kan'ya.

Gabi-gabi, hindi ako makatulog ng maayos kasi lagi kong napapanaginipan 'yung sandaling nakatanggap ako ng tawag nang maaksidente s'ya.

"Alam mo... Alam mo ang dami mo nang na-miss na mga Kapon Project. Meron din kaming mga bagong pasyenteng cats and dogs na sobrang cute at inspiring ng mga kuwento. Sigurado ako na matutuwa ka pag narinig mo 'yun kaya..." Napalunok-laway ako para lang pigilan ang mga luhang nag-uunahang umalpas sa 'king mga mata.

"...gumising ka na, mahal ko. Pakiusap."

***

NAGMAMADALI akong sumugod sa ospital matapos kong makatanggap ng tawag sa mga magulang ni Isay.

Pero hindi 'yun magandang balita tulad ng lagi kong panalangin sa halip pinagmamadali nila akong pumunta doon dahil nire-revive raw ang girlfriend ko.

Nag-cardiac arrest kasi s'ya habang mino-monitor ng mga nurse at doktor kani-kanina lang.

Nang dumating ako sa kuwarto n'ya, sinalubong agad ako ng mama n'ya. Lalo akong kinabahan dahil akala ko... dahil akala ko wala na si Isay pero sa awa ng Diyos ay nailigtas naman s'ya. Dali-dali kong tinungo ang girlfriend ko at awang-awa ako sa hitsura n'ya.

Nilapitan ko s'ya't umiyak agad ako sa tabi n'ya. Kinausap ko s'ya, marami akong sinabi sa kan'ya na inaasahan kong naririnig n'ya.

Hindi ko rin nakakalimutang ipaalala sa kan'ya na mahal ko s'ya at handa kong hintayin ang paggising n'ya.

***

CRUCIAL ang mga sumunod na araw kasi hindi bumubuti, sa halip, lalong lumalala ang kondisyon ni Isay.

Ang masakit dito, hindi na responsive ang katawan n'ya sa mga gamot kaya kinausap na ng doktor ang parents n'ya at tinapat na wala nang pag-asang magising mula sa pagkaka-comatose ang anak nila.

Kung masakit na sa 'kin bilang girlfriend na malaman ang bagay na 'yun, alam kong doble o triple ang kirot na nararamdaman ng mama at papa n'ya.

May bahagi sa puso ko na gusto ko pa ring ilaban ang buhay ni Isay pero alam kong imposible na 'yun at sumusuko na ang katawan n'ya.

Dalangin ko na lang sa Diyos na bigyan Niya pa kami ng mga sandali upang masulit namin ang nalalabing panahon na kasama pa namin si Isay.

"Baby, 'di ba, nangako ako na pakakasalan kita? Sabi ko sa tamang panahon kasi magtatapos ka pa sa pag-aaral, magtatrabaho sa pangarap mong kompanya at marami ka pang gagawin sa buhay mo. Pero... pero parang hindi ko na kayang hintayin ang sandaling 'yun kasi wala naman talagang tamang panahon lalo na sa ganitong sitwasyon." Nanginginig ang pang-ibabang labi ko habang nagsasalita at nakatingin sa namumutlang mukha ni Isay. Hinawakan ko na rin ang kamay n'ya at pinisil-pisil 'yun.

"Ang daya mo naman, Isay. Kasi mukhang iiwanan mo pa yata ako. Paano na lang ako 'pag nawala ka? Baby, hindi ko kaya. Mami-miss kita."

"Mami-miss ko yung tawa mo. Pang-aasar. Mga halik at yakap. Yung lahat-lahat sa 'yo, mami-miss ko pag iniwan mo 'ko."

"Pero alam ko rin na hindi ako puedeng maging makasarili. Ayokong hilingin sa 'yo na lumaban ka pa kung hindi mo na talaga kaya. Mahal na mahal kita, Isay, at ayokong nakikita na naghihirap ka kaya kung gusto mo nang bumitaw, sige na, mahal ko. Pinapalaya na kita..."

"Kung totoo man ang kabilang-buhay, hintayin mo 'ko dun dahil dun kita pakakasalan. Hinding-hindi kita makakalimutan, Love. Lagi kang laman ng puso ko kahit na hindi na tayo magkasama sa buhay na 'to."

Naramdaman kong pinisil ni Isay ang aking kamay tanda na naririnig n'ya ang panambitan ko.

At sapat na 'yun upang magpasalamat ako sa kalawakan dahil natupad ang kahilingan ko.

***

NAMATAY si Isay anim na oras pagkatapos ko syang kausapin.

At kahit na ilang buwan na ang nakakalipas matapos n'yang ilibing, may mga gabi pa rin na hindi ako nakakatulog ng maayos.

Umiiyak pa rin ako at lagi ko pa ring kinukuwestyon ang Diyos kung bakit kailangan Niyang kuhanin sakin ng ganun kaaga ang babaeng mahal ko.

Marami pa kaming pangarap na magkasama. Marami pa kaming lugar na gustong puntahan at bagay na gustong gawin.

Bakit kailangan n'yang umalis? Bakit kailangan n'ya akong iwan nang mag-isa?

Minsan, hindi talaga patas ang mundo para sa lahat ng tao.

Alam kong hinding-hindi na ako babalik sa dati dahil may bahagi sa puso ko ang kasamang nilibing ni Isay. At kahit na anong gawin ko, hindi na ako magiging buo.

Sa kabila ng lahat, umaasa pa rin ako na tutulungan at gagabayan ako ng pag-ibig namin sa isa't isa.

Kahit na hindi na kami magkasama, umaasa pa rin ako na balang-araw, maghihilom din ang puso ko na may malalim na sugat bunga nang paglisan n'ya.

Sa ngayon, kinakaya ko naman kahit mahirap.

Iniisip ko na lang na ang kamatayan ay pananaginip ng walang hanggan.

At pinipilit kong aninagin ang kasiyahang dulot nito na sa ngayon ay natatakpan ng matinding pighati at kalungkutan. 

🥀🍃🦋

Love Shots (gxg) 🏳️‍🌈 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon