From Here To Eternity 🦋

114 3 0
                                    

ANG SARAP sa pakiramdam kapag nangako ang isang tao na mamahalin ka n'ya, aalagaan at sasamahan habang-buhay.

At mas lalong kasiya-siya na makita 'yung tinutupad n'ya. Yan ang eksaktong ipinararamdam sa 'kin ni Liway.

My girlfriend is an amazing woman. She's attractive in many ways. Liway is such an adorable person who loves everything under the sun.

Naalala ko nga nu'ng unang beses ko s'yang nakita, na-attract na agad ako sa kan'ya. Yes, given na she's beautiful inside and out. Pero charismatic din ang mahal ko. Enticing. Intimidating.

Habang tumatagal ang aming pagiging magkasintahan, lalo kong nakikilala si Liway. She's one of those people who have known defeat, known suffering, loss and struggles and always, always found their way out of depths. Sobrang amazing.

Pero may pagka-baby din s'ya kaya lang ako pa rin ang baby sa 'ming dalawa.

Baby girl n'ya.

"Isay! Isay, sandali!" Natawa ako bago pumreno. Tapos nilingon ko si Liway na humahangos habang papunta sa kinaroroonan ko.

"Babe, sabi ko hintayin mo 'ko, 'di ba? Bakit nag-bike ka mag-isa?" Anya in between hingal at hapo. Bahagya akong na-guilty kasi iniwan ko s'ya habang busy sa pagsisintas ng sapatos n'ya.

Nga pala, nandito kami ngayon sa park at nag-arkila kami ng single bike dahil last last time ko pa inaawitan ang girlfriend ko na gusto kong matutong mag-bisekleta.

Since wala naman s'yang bike sa kanila, nagpunta na lang kami rito dahil katulad ng sa Burnham park sa Bagiuo, merong iba't ibang klase ng bike na puede mo ritong rentahan. Mabuti dahil hindi naman maraming tao sa park ngayon kaya malaya akong nakakapag-ensayo.

"Sorry, Love. Gusto ko lang subukan kung kaya ko na." Katwiran ko sabay pa-cute. Agad namang lumambot ang ekspresyon ng mga mata ni Liway at natawa na lang sa halip na mag-alburoto sa pagpapatiuna ko.

"Worried lang ako kasi baka sumemplang ka tapos wala ako sa tabi mo para alalayan ka." Kahit kelan napa-protective and caring n'ya sa 'kin, bagay na laging nagpapalambot sa 'king puso.

Hindi ko masisisi ang girlfriend ko, may pagka-lampa ako. Ilang beses na akong nai-sprain dahil sa pagkadapa samantalang naglalakad lang ako.

Wala naman akong problema sa mga buto ko, sadyang lapitin lang ako ng disgrasya kasi ewan ko ba. Mabuti na lang 'pag kasama ko si Liway, alam na n'ya 'yung mga do's and don't kaya nale-lessen ang kasasakitan ko sa buhay.

Pero kahit na clumsy ako, gusto ko pa rin matuto ng mga outdoor activities. And thankful ako to have Liway by my side because she's supportive.

Oo, nandyan 'yung pag-aalala n'ya para sa kaligtasan ko pero never n'yang pinaramdam sa 'kin ang pagtutol n'ya sa mga bagay na gustong-gusto kong gawin, basta hindi ito masama at hindi ko ito ikapapahamak.

"Kaya ko na po, mahal, kasi kanina mo pa ako tinuturuan." Nakangisi kong wika. Medyo may halong yabang na rin. Kita kong tumaas ang kilay ni Liway saka nag-cross arms.

"Let me see." Sabi n'ya kaya na-challenge ako. Tumingin ako sa unahan at umayos ng upo sa bike ko. Inapak ko ang paa ko sa pedal at bumulong sa kalikasan na wag akong mapahiya sa jowa ko kasi ewan ko na lang talaga sa kayabangan ko.

"Isay, sinasabi ko sayo..."

"Chill, Baby. Watch me." Bumwelo ako bago pumedal. Ang higpit ng hawak ko sa handle bars ng aking bike. Kabado ako pero desidido na ipakita kay Liway at patunayan sa sarili ko na kaya ko.

"Wow. Go, Isay! Go, Baby girl!" Pag-chi-cheer n'ya kaya naman napangisi ako.

Yes! I did it! Kaya ko na! Marunong na akong mag-bike!

Nilingon ko si Liway para kumaway at ipakita sa kan'ya kung gaano ako kasaya kaso ka-shungaan pala 'yun dahil hindi ko na inintindi ang daang binabagtas ko. Huli na nang ma-realize kong papalapit na ako sa kapahamakan again.

Napunta ako sa parte ng park na may putik at tubig at du'n ako sumubsob na para bang kalabaw na naligo sa putikan!

"Oh my gosh, Isay!" Sigaw ni Liway. Hilong-hilo pa ako at pinagdudura ko pa ang mga putik na nakain ko. Tapos naramdaman ko na lang na dinaluhan ako ni Liway sa kinaroroonan ko saka tinulungang alisin ang dumi sa 'king mukha.

"Isay? Isay, my love, darling, baby girl, you alright?" Nag-aalala n'yang tanong.

Gusto kong tumawa, as in, gusto kong tumawa dahil sa nangyari sa 'kin pero dahil fragile ang puso ko eh humagulgol ako ng iyak!

Niyakap ko ng mahigpit si Liway at wala na akong pakialam kung nakakahiya man sa makakakita ang sitwasyon. Mabuti na lang hindi pinagkait ng girlfriend ko ang kalingang kailangan ko.

Mahigpit n'ya akong niyakap at binuhat habang nakasubsob sa leeg n'ya ang putikan kong mukha!

***

"LOVE, nakakahiya 'yung nangyari kanina. Yabang ko rin kasi." Naka-pout kong saad habang pinapaliguan ako ng girlfriend ko.

Nandito kami ngayon sa apartment n'ya at magkasama sa shower. Mamaya magbababad kami sa tub pero nililinisan muna n'ya ako. Naghilamos lang ako sa public CR sa park pero hindi pa rin ako ganu'n kalinis kaya nag-decide na kaming umuwi for the proper bath time.

"Hindi naman. Walang masama kung gusto mo lang ipagmalaki 'yung natutuhan mo. At parte ng pagkatuto 'yung paminsan-minsan papalpak ka. Kaya walang nakakahiya du'n." Mahinahon n'yang saad habang minamasahe ang anit ko matapos shampoo-han.

Isa sa mga gustong-gusto ko kay Liway ay ang kaalaman n'ya sa paggamit ng mga tamang salita para pagaanin ang nararamdaman ng isang tao.

Maraming beses ko nang napatunayan na kaya n'yang magpagaling, hindi lang ng mga aso't pusa na ginagamot nila sa clinic, kundi maging ng mga pusong may hilahil at panimdim.

"Proud ka ba sa little progress ko?" Nakangisi kong tanong sa kan'ya. Hininto ni Liway ang ginagawa n'ya saka matamang tumingin sa 'kin. Ngumiti s'ya nang pagkalambing-lambing at bakas sa mga mata n'ya ang ningning.

"Yes. I'm so proud of you. For trying. For doing it anyway. For the dedication and for being such my adorable and brave baby girl. I love you, Isay." Hinalikan ni Liway ang kamay ko kaya nakita ko ang promise ring na kamakailan ay binigay n'ya sa 'kin.

"I have question?"

"Hmmm?" Anya while rinsing my hair.

"Papakasalan mo pa rin ba ako kahit lampa ako?" Natawa si Liway sa tanong ko pero gusto kong marinig ang sagot n'ya kaya sinimangutan ko s'ya.

"Kapag tama na ang panahon, pakakasalan kita sa lahat ng simbahan na gusto mo. At wala akong pakialam kung lalampa-lampa ka pa kasi kasama sa vow ko ang alalayan ka't samahan sa mga bagay na gusto mong gawin, Isay. So, no worries. I got you." Sinsero n'yang saad.

Grabe, oo lang at oo naman pero daig n'ya pa ang sumumpa ng katapatan at dalisay na pag-ibig sa 'kin! She never fails to amaze me.

"I love you more, Liway. From here to eternity." Sabi ko bago ko s'ya hinalikan sa labi. Nagkatawanan kami tapos ay pinagpatuloy na namin ang masaya naming kuwentuhan habang nagbababad sa bathtub.

Mapalad ang mga taong may kahati sa kaligayahan nila. Kaya tayo merong pamilya at mga kaibigan, 'di ba?

Ngunit kung magkakaroon din tayo ng kasama sa buhay na mamahalin natin at magmamahal sa 'tin, biyayang mula sa langit na ito ay maituturing.

🌻🌺🥀

Love Shots (gxg) 🏳️‍🌈 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon