Do Better 🦋

139 6 0
                                    

"OH MY GOSH, nakakainis talaga!" Asar kong sinipa ang gulong ng aking kotse matapos kong makitang flat ito.

Mabuti na lang dahil nakapag-park na ako at nandito na sa 'king apartment. Bago ako naglakad papaakyat sa building floor ko, bumuntong hininga muna ako't pinakalma ko ang aking sarili.

Wala nang magandang nangyari sa buong araw na 'to.

Paggising ko pa lang ay masakit na ang ulo ko tapos dagsa pa ang mga pasyente kanina lalo na 'yung mga nag-wa-walk in lang. Tapos namatayan din kami ng isang pusa, 'yung mino-monitor namin last last week, kaya naman halo-halo na ang emosyong namamayani sa 'kin umaga palang.

Dagdag n'yo pa na hindi masarap ang pagkakatimpla ng kape ko, halos maubo ako kasi parang sinala gamit ang butas na medyas dahil marami pang buong butil ng hindi ko mawariang kung ano na bumabara sa lalamunan ko.

Hindi ko alam kung kaartehan o maiksi lang ang pasensya ko pero ang daming nakakabanas ngayong araw. Kaya nga wala akong ibang gusto ngayong gabi kundi magbabad sa shower at matulog.

Pero ganu'n na lang ang gulat ko nang pagbukas ko sa pinto ng apartment ko ay tumambad sa 'kin ang mga nagkalat na petals ng pulang rosas.

Labis ko 'yung pinagtakhan tapos ay sinundan ko na lang hanggang sa kusina ang mga bulaklak sa sahig at nabigla ako nang makita ko ang nakahandang candlelit dinner for two.

Hindi ako agad nakapagsalita tapos nakarinig ako ng mga yabag at nakita ko si Isay.

"Sabi mo sa 'kin uuwi ka ng maaga. Pero anong oras na, o?" Anya. Bakas sa mukha n'ya ang magkahalong gigil at pagkadismaya. Du'n ko biglang naalala na date night namin ngayon at nawala na naman ito sa isip ko.

Na naman kasi hindi lang isang beses nangyari.

In fact, nakalimutan ko rin ang mga nakaraang date night namin ng girlfriend ko kaya naman dapat kong maintindihan ang pinanggagalingan n'ya.

Pero hindi ngayong gabi dahil pagod ako at maiksi ang pasensya ko.

"Sorry. Marami kaming ginawa sa clinic kanina, eh." Matabang kong sagot kaya naman napasinghap si Isay. Pero binalewala ko 'yun at iniilag ang paningin ko sa kan'ya.

"Sana sinabi mo para hindi na naman ako umasa!" Singhal n'ya. Du'n na ako napikon kaya sinalubong ko ang matatalim n'yang tingin.

"Paano ko sasabihin eh marami nga kaming ginawa sa clinic kanina? Di nga ako makahawak ng phone. Saka busy ako, 'di mo ba 'yun gets? Hirap sa 'yo gusto mo laging na sa 'yo ang atensyon ko." Labas sa ilong kong litanya dahilan para matigilan si Isay.

At nang makita kong tumulo ang luha sa kan'yang mga mata, du'n na ako tinalaban ng konsensya. Bakas sa anyo n'ya na nasaktan ko s'ya ng husto dahil sa mga sinabi ko.

"Ah, ganu'n? Masama na ba na humingi ako ng atensyon sa girlfriend ko na palagi na lang busy nitong mga nakaraang araw? Hindi naman ako demanding. Tinanong pa nga kita kung kelan ka libre tapos sasabihin mo sa 'kin na gusto ko laging nasa akin atensyon mo? Tama ba 'yun?" Hindi ko s'ya masisisi kung bahagyang tumaas ang boses n'ya dahil deserve kong masigawan at masermunan kasi gaga ako. Syempre, maling-mali na sinabihan ko s'ya ng ganu'n kahit na hindi ko pa sinasadya.

Minsan, padalos-dalos din ako. At sising-sisi ako dahil nasaktan ko ang babaeng mahal ko.

"Isay, sorry—" Pinagmasdan ko si Isay na napapailing na lang sa kinatatayuan n'ya. Pareho na kami ngayong frustrated at alam kong wala kaming magandang katatapusan.

"Uuwi na ako. Kung gusto mo, ikaw na lang kumain ng lahat ng mga hinanda ko." Anya at nagbadyang umalis. Pero hindi ako ganu'n kabaliw para payagan s'yang umuwi dis oras ng gabi. Kaya nga mabilis akong naglakad patungo sa kan'ya tapos ay niyakap s'ya.

"Bitiwan mo nga ako! Galit ako sa 'yo!" Pagpupumiglas n'ya. Naiyak na ako nang maramdaman kong umiiyak na rin s'ya. At wala akong planong magpalusot dahil kasalanan ko talaga.

"Wag ka nang umalis, please. Delikado na sa labas. Malalim na ang gabi." Punong-puno ng sinseridad at pagmamakaawa kong saad. Naramdaman ko naman na hindi na nanlaban si Isay kaya kumalas na ako sa pagkakayakap sa kan'ya.

Pero nakasimangot pa rin s'ya at masama ang loob sa 'kin.

"Hindi porke nag-sorry ka na, ganu'n na lang 'yun. Na ayos na tayo. Nasaktan mo 'ko sa sinabi mo, Liway." Anya.

"Alam ko kaya nga hindi na ako magdadahilan pa."

"Gusto lang naman kitang makasama. Masama ba 'yun? Namimiss na kita, Babe. Ilang araw ka nang busy. Nami-miss ko na 'yung girlfriend ko." Nakita kong nagpahid s'ya ng luha matapos maiyak nang sabihin n'ya kung gaano na n'ya ako nami-miss.

"Nami-miss din kita, Isay. At alam ko na mali ang inasal ko sa 'yo kanina. Nasaktan kita sa sinabi ko." Bumuntong hininga si Isay at tumango bilang pagsang-ayon. Du'n ko na sinamantala ang pagkakataon para hawakan ang mga kamay n'ya. Ramdam kong hindi na n'ya 'yun binawi pa.

"Love, sorry ulit kasi sa 'yo ko binunton ang inis ko. Hindi tama 'yun dahil wala ka namang ginawang mali. At kahit meron pa, nasa akin 'yung kontrol kung paano magre-react. Sorry kasi nadaig ako ng emosyon ko." Huminga muna ako ng malalim bago isa-isang masuyong hinalikan ang mga kamao n'ya.

"Deserve mo lahat ng atensyon ko kasi girlfriend kita. Hindi ka sobra o kulang sa 'kin dahil sapat ka, Isay. Mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal din kita, Liway. Pero kailangan mong bumawi sa 'kin. Ang dami mo ng utang!" Natawa ako nang mag-pout s'ya kaya unang ginawa ko ay hinalikan s'ya.

"Noted, madam. Magsi-sick leave ako bukas. Nagtrabaho ako ng mabuti nitong nakaraan kaya deserve kong magpahinga kasama ka. Kaya mag-ready ka bukas. Aalis tayo." Sabi ko sa kan'ya dahilan para magningning ang mga mata ni Isay. Agad kong iginilid ang nagkalat na buhok sa kan'yang mukha at ningitian s'ya ng pagkatamis-tamis.

"Saan tayo pupunta?"

"To the moon."

"Liway!"

"Secret."

"Baby!"

"Surprise kasi. Pero for sure magugustuhan mo."

"Promise?"

"Promise, my love." Tapos ay muli ko s'yang hinalikan sa labi at niyakap.

Pinagpatuloy pa rin namin ang dinner date at pagkatapos ay sabay kaming nag-shower at nagpahinga na sa kama.

Naunang nakatulog si Isay habang yakap ko. Bago ako pumikit, humingi ulit ako ng paumanhin sa kan'ya at umusal ng pangako sa sarili na pagbubutihin ko pa sa mga susunod.

She deserves to be treated better because she's my girl.

My Isay.

🌷🌻🥀

Love Shots (gxg) 🏳️‍🌈 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon