Chapter 5

7.6K 184 6
                                    



Chapter 5
Barbie

Tinulungan na ako ni Lucio sa pagluluto matapos ang usapan namin. I can feel him looking at me kahit ano mang ginagawa ko. Nang matapos, Nag handa ako sa lamesa ng mga plato at kutsara't tinidor habang siya naman ang nag dala ng niluto namin. Hotdogs, Bacon, Egg and fried rice. Yun daw kasi ang mga paboritong umagahan ni Lucy. Nakita kong pinagtimpla din niya ang anak ng malamig na malamig na gatas.

"Ate Tiffany!" Pareho kaming napatingin ni Lucio sa hagdanan kung saan tumatakbo si Lucy pababa. Nakasuot ito ng pajamang sinuot ko sakaniya kagabi habang gulo gulo ang buhok at syempre kasama ang hindi niya mabitawang teddy bear.

"Hey, Be careful. I told you not to run in the stairs right?" Sermon ng tatay ni Lucy. Aga naman ng panenermon nito. Hindi ba pwedeng excited lang yung bata? Pero delikado nga rin naman talaga dahil medjo maduklas ang hagdanan nila.

"I'm sorry, Dad." yun lang ang sabi niya pero hindi ito lumapit kay Lucio at sa akin tumakbo. Inupo niya sa isang upuan sa lamesa ang hawak na teddy bear bago ako yakapin sa binti ko dahil yun lang ang abot niya.

"Good Morning Ate!" masigla niyang bati kaya parang bigla din akong sumigla. Nakakahawa ang ngiti ni Lucy.

"Good morning to you too. Nakatulog ka ba ulit ng maayos?" i asked her habang hinahaplos ang kulot niyang buhok. She nodded at me nang hindi nawawala ang ngiti sa labi.

"Ehem." Sabay kaming napatingin ni Lucy kay Lucio ng magkunwari itong umubo habang nakagingin sa anak niya at magkakrus pa ang braso.

"Am i still here? Can you still see me?" parang nag tatampong tanong nito sa anak niya na ikinatawa ko. Eh kasi naman ang laki niyang lalaki tapos parang bata sa anak niya.

"Who are you nga po?" Mas natawa ako ng makisakay si Lucy sa arte ng tatayo niya. Mas lalong sumimangot si Lucio at tumalikod para maupo sa upuan na parang batang nag tatampo. Mas malakas pa toyo niya sa mga bata haha.

"Hayaan mo siya wag mo pansinin. Asarin natin." mahina kong bulong kay Lucy. Napatakip pa siya sa bibig habang tumatawa at tumango sa akin. Kinalong ko siya para iupo at tsaka ako tumabi sakaniya.

Tinulungan ko siyang kumuha nga pagkain bago kumuha ng akin. Panay ang kwentuhan namin ni Lucy habang si Lucio ay tahimik na kumakain habang pasimpleng nakikinig sa amin. Natatawa ako sa itsura niya na parang hindi belong. Nag papapansin din ito dahil panay ang pag tikhim at malakas ang tunog ng kutsara't tinidor.

"Ate." pabulong na tawag ni Lucy sa akin. Lumpit ako sakaniya para makabulong siya sa tenga ko.

"Pwede po na po ba pansinin si Daddy? Kawawa po kasi look mo parang iiyak na." malakas akong napatawa kaya napatingin din si Lucio sa akin. Binigyan niya ako ng masamang tingin na parang alam na siya ang pinagbubulungan namin. Tinanguan ko si Lucy kaya dali dali itong bumaba at tinakbo ang distansya nilang mag ama.

"Good Morning Daddy ko! Sorry na binabawian lang naman po kita kasi tinatakot mo ko kagabi sa monsters under bed. Wala naman po kagabi kasi siguro po kinausap ni Ate Tiff at sinabing good girl po ako." Napangiti ako ng niyakap ni Lucy ang ama niya sa bewang. Natigilan si Lucio pero hindi niya parin pinapansin ang anak.

"Daddy?"

"Daddy!"

"Daddy naman eh!" parang iiyak na si Lucy at nagpapapadyak na ang paa ng hindi siya pinapansin ng ama.

"DADDY!" napasigaw siya ng bigla siyang kilitiin ni Lucio sa tagiliran. Parang biglang umurong ang nag babadyang luha ni Lucy at napalitan ng hindi matigil na tawa. I was smiling the whole time watching them ng mapatingin sa akin si Lucio.

The Rich Man Series #1: Lucio Anato FortañoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon